Chapter 26: Won Against The Battle
Rose's POV
Muli kong pinunasan ang aking pisnge, gamit ang kamay kong may mga dugo.
"Tanner? Paano mo nagawa 'to?" Nagdadalamhati kong tanong sa lalaking hindi makatingin sa mga mata ko. Gusto ko na siyang lapitan at pilipitin ang kanyang leeg, hanggang sa mamatay siya.
Nilabas ko ang baril na nakatago sa aking likuran at itinutok ito sa kanya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagka gulat nila.
"Sa tingin mo, tatama sa akin 'yan? Mas'yado akong malayo, Rose. Mag isip ka din paminsan minsan" Nakangisi nitong sabi. Tinignan ko ang mga bakal na nakaharang sa paligid namin. Tumingin ako kay Jupiter, at inalala ang lahat ng sinabi niya kagabi.
"Alam kong may hindi magandang mangyayari, pero kahit mangyari man iyon, huwag kang susuko" Nangunot ang aking noo sa kanyang mga sinasabi. Bigla akong kinabahan.
"Walang mangyayaring masama" Hinaplos ko ang kanyang mukha at saka ngumiti. Iniiwas niya lamang ang kanyang tingin, at nakita ko ang kanyang simpleng pag ngiti.
Tinignan ko lang siya nang may kung ano siyang kinuha sa maliit na kahon. Ipinakita niya sa akin ang isang baril. "Still remember this?" Tanong niya.
Nanliit naman ang mga mata ko at kumamot sa ulo. Sinong hindi makaka limot. Ipinutok ko lang naman ang baril na iyan sa mall, naging dahilan iyon upang mag takbuhan ang mga tao.
Nakaka tuwang ala ala.
Ipinapangako ko, na mauulit pa'yon. Kasama si Jupiter.
"Ikaw ang mag hawak nito" Kinuha niya ang kamay ko at ipina hawak sa akin ang baril. Napangiwi naman ako at napa upo mula sa pagkaka-higa sa kanyang hita.
"Ano namang gagawin ko rito? Hindi ako marunong gumamit nito" Nakanguso kong sabi. Mahina lang siyang tumawa at ginulo na namang muli ang aking buhok.
"Ang sabi ko, hawakan mo. Wala naman akong sinabi na gamitin mo" Natatawa nitong sabi. Muli na naman akong kumamot sa ulo at tumungo.
"Ano ba sinabi ko?" Maang maangan ko. Inangat niya ang tingin ko, kaya nag tagpo ang aming mga mata. Ngumiti siya na akin namang ikinatulala.
"Makulit ka talaga. Dapat sa'yo pinaparusahan" Pagkatapos sabihin ang mga iyon, magka lapat na ang aming mga labi at parehas na dinama ang malamig na gabi.
"Wala ka bang bilib sa akin, Tanner?" Ako naman ang ngumisi pabalik. Nagtataka siyang tumingin sa akin.
Ini-angat ko sa taas ang baril at basta nalang itong pinutok. "Go!!!"
"Iputok mo ito at sumigaw ka ng 'go' alam na nila ang ibig sabihin ni'yon"
Nagka gulo na ang lahat.
Muli akong napatingin kay Tanner, at binigyan siya ng nagmamalaking mukha.
Lumuhod ako at muling hinaplos ang pisnge ni, Jupiter. Babalikan kita. Kahit ayoko maiyak ay hindi ko napigilan.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Aksiᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...