Epilogue: Surprise
Third Person's POV
Masaya ang lahat habang nagtitipon tipon sa mansiyon ng mga Dy.
Kompleto ang lahat dahil ngayon ang kaarawan ng anak ni Thraia. Ang ika-limang taon gulang nito.
"Freya! Go baby! Blow the candle!" Panghihikayok ng ina sa kanyang anak na walang paki-alam sa kanyang paligid.
Bumuntong hininga ang batang babae at tamad na hinipan ang kandila.
Nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat. "Oh my!! My baby is now a big girl! Oh no! I'm going to cry!" Maluha luhang saad ni Thraia.
"Ang OA mo! Alam mo 'yon?!" Malakas siyang hinampas ng kaibigan. Umirap lamang si Thraia rito at lumapit sa kanyang asawa, saka ito binigyan ng halik sa pisnge.
"Inggit ka lang. Wala kang anak" nag belat pa ito sa kanya. Sabay sabay na nagtawanan ang lahat at inaasar sina Anica at Sam.
Kasal na ang dalawa ngunit wala pa sa kanilang plano ang pagkakaroon ng anak. Gusto pa nilang gawin ang lahat ng gusto nila, ng mag kasama.
"Guys!" Sigaw ng batang lalaki na may dalang malaking kahon. "Hii!!" Magana nitong saad sa pamilya.
"Charles! Ano yan?" Tanong ng ina nito sa kanya. Kumindat lamang si Charles, at tinuro ang pinto.
Lahat ay tumingin sa pinto. Nanlaki ang mata nila at pawang walang masabi ang lahat.
"Hi" Umiiyak na saad nito na may kasama pang kaway. "Surprise!"
꧁꧂ ꧁꧂ ꧁꧂ ꧁꧂ ꧁꧂
Rose's POV
"Surprise!" pakiramdam ko nasa lupa na ang panga ko dahil sa pagkanganga ko.
Kinurap kurap ko ang mata ko. Sinisigurado kong totoo ang nakikita ko.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ate S-sab?"
"For pete's sake! Ate Sab!" Tumakbo palapit si Yana sa amin at agad niyang yinakap si Ate Sab.
Yinakap niya pabalik si Yana. May kung ano pa siyang binulong dahil tumango tango naman si Yana.
Nang maghiwalay na sila sa pagyayakapan. Ate Sab wide her arms while her eyes are locked on me, so I immediately run towards to her and hug her. Sunod sunod na nagbagsakan ang luha ko. "Welcome back" Bulong ko sa kanya. Naramdaman ko namang tumango siya.
"Sorry for leaving you in pain, Rose. I'm so sorry. Proud ako sa'yo, nakaya mo lahat, pero Rose sa araw na ito, 'di ka na mag-iisa" pabulong niyang saad. Ramdam ko ang pamamasa ng balikat ko dahil sa mahinang pag-iyak ni ate Sab.
Tumango tango ako at ilang ulit na nagpasalamat sa kanya. Masaya ako dahil sasamahan niya akong ipagpatuloy ang buhay.
Kumalas ako sa yakapan namin. Tinignan ko ang mga kaibigan ko at tumango sa kanila. Isa isa nilang yinakap si ate Sab. Nagbubulungan din sila at maluha luhang nagkakalasan ng yakap.
Hindi ko alam kung anong pinagbubulungan nila. Dahil kapag tapos na sila magyakapan, nakangiti nila along tinatapunan ng tingin.
"Hope the happy ending for you, sis" saad sa akin ng kapatid ko at tinapik tapik pa ang balikat ko.
Ngumiti ako at tinapik rin siya pabalik. "Yeah"
Nang matapos na silang lahat magyakapan. Lahat kami ay pumunta sa sala kung nasaan ang mga bata.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Azioneᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...