ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 1

528 18 0
                                    

Chapter 1: Angel Academy

Rose POV

Naka-upo ako sa damuhan dito sa field habang nagbabasa ng libro sa ekonomics, nang may marinig akong mga maiingay na tao.

Napangisi ako.

May bago na naman silang biktima! Magaling! May bago na naman kaming papatayin!

"San nyo kami dadalhin!?" Kanina pang tili ng babae. Tumayo ako at pinagpagan ang aking puwetan. Aalis na ako dito, masyadong maingay. "Pakawalan nyo na kami!" Huli kong narinig sa babae bago ako tuluyang umalis.

Tinatamad akong pumasok sa dorm namin. Sabado na naman bukas, may mga malalagas na naman sa lugar na toh. May mga buhay na naman ang mawawala.

"Rose! Rose! Rose!" Napatingin ako sa pintuan na pinasukan ng kaibigan kong si Layana, tinatawag ko syang, Yana.

"Baket?" Walang ganang tanong ko. Tumabi sya sa akin sa sofa at humiga sa hita ko. Ginawa pa akong unan! Nays!

"May benteng tao na pinasok dito kanina! Sampung babae at sampung lalaki! Patagal ng patagal pasama sila ng pasama!" Ramdam ko ang puot sa bawat salita na binibitawan nya. Ang kaninang mapuot nyang boses ay napalitan ng hikbi.

Nanubig nadin ang mga mata ko.

"Rose, kailan tayo makaka alis dito? Di ko na nga matandaan ang itsura ng magulang ko" at humagulgol na nga sya. Napaiyak narin ako. Pinatong ko ang ulo ko sa ulo ni Yana. Ayoko mangako sa kanya, dahil maski ako, di ko alam kung kailan kami makaka alis dito. Inaantay ko na nga lang ang kamatayan ko eh.

"Yana, gusto ko din maka labas, pero nawawalan ako ng pag-asa. Wala tayong sapat na lakas para labanan sila"

"Pag naka labas ka, san mo gustong unang pumunta?" Tanong nya. Nabigla naman ako. Saan ko nga ba gustong pumunta pag nakalabas ako sa impyernong ito? Wala na akong maalala tungkol sa pamilya ko. Wala na akong mauuwian.

"Di ko alam" Napangiti ako ng mapait. "Di ko talaga alam" Umiiling kong ani.

"Rose. Yana?" Sabay kaming napa tingin ni Yana, sa pintuan na bumukas. Nakatayo doon ang isa pa naming kaibigan. Si Hannah. "Umiiyak na naman kayo?" Nakangiti nitong sabi. Ngiting may halong pait.

Sa aming mag kakaibigan si Hannah, ang laging tumatawa. Sya yung inaakala mong tao na walang dalang problema. Lagi lang syang tumatawa. Minsan nga mapapa isip ka na baliw sya.

"Pinapatawag tayo sa field, I we welcome daw ang mga bago" Tumatawang ani nito. Tumango naman ako at tumayo. Tinulugan ko din tumayo si Yana, na nakangiti na, at sabay sabay kaming lumabas ng dorm.

Pagpunta namin sa field, halos kompleto na ang mga tao. Naka pila sa kanya kanyang mga section. Pumunta kami sa section namin. Section Aquamarine. Sa pagkaka alam ko huling taon na namin toh sa pag-aaral, at pag natapos na kami sa pag-aaral, ng buhay, isasabak na kami sa mga mission.

"Good Afternoon, Demons!" Masayang bati nito sa lahat. Napasiring ako sa tawag nito sa amin. Angel Academy, ang pangalan ng paaralan namin. Pero demonyo kung kami ay tawagin. "How was your day? Are you ready for tomorrow? Another battle will come up! We have visitors tommorow, kaya galingan ninyo, ayokong mapahiya! But by the way! We are here! to welcome our new students!" Pinapunta sa harap ang mga kalalakihan at kababaihan na nahuli nila kani kanina lang. Bakas sa mga mata nito ang takot.

Napangisi ako. Sa umpisa lang yang mga takot nila, baka sa makalawa nakangisi narin ang mga yan, may mga sungay at buntot narin.

Tumingin ako sa lalaking nagsasalita sa harap. Ang taong walang awa na nagpapa kidnapped sa amin para dalhin sa impyernong ito!

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon