ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 25

128 10 1
                                    

Chapter 25: Bye

Rose's POV

Mabibigat ang pag hinga ko habang isa isang tinitignan ang lahat ng kasama ko.

"Sinabi ko naman kasi sa inyo! Traydor ang babaeng iyan!" Matinis na sigaw ni Thraia. Napa pikit ako ng mariin at masamang tumingin kay Nari.

Nakangisi siya sa amin at maya maya pa'y, biglang tumalim ang tingin niya kay Thraia.

"Wala akong tiwala sayo, at mas lalong wala akong tiwala sa inyo" Walang pag aalinlangang sabi nito. Napatiim bagang ako at napakuyom ng kamao. Siya talaga ang kumuha ng papel na naglalaman ng mga plano? "Pero hindi ko kayo ta traydurin! Ano ako, hello?! Duhh, isipin niyo nga! pag tinraydor ko kayo, nakasalalay na ang buhay ko! Sa tingin niyo, handa akong I risk ang buhay ko dito? Hoy Thraia, wag kang bobita! Di ka lang malandi, boba ka pa!" Napanganga ako sa mahaba niyang sinabi. Umirap nalang si Thraia, at yumakap kay Titus. May punto siya, pero kung hindi siya.

"Eh sino?" Sabay sabay kaming napatingin kay Tanner. Naunahan niya ako sa pagtatanong. "Nasa atin lang ang kumuha ng papel. Dahil tayo tayo lang ang nakaka alam ng plano"

"May punto siya. Pero iisipin pa ba natin iyon? Magsisimula na ang Fighting-"

"Announcement for all the students of Angel Academy. Our fighting day have a twist! Awesome right?!"

Napa huh? kaming lahat. Sabay sabay kaming nagkatinginan at litong lito na sa nangyari.

"Sa lahat ng natitirang estudyante sa Angel Academy, you may proceed here at the stadium" at isang malakas na ugong ang nangyari bago mawala ang boses.

BOGHSSSSSS!!!!!

Napatili ang iilan kong kaibigan. Napatingin naman kami sa humampas ng lamesa.

"What is happening? Bakit alam nila na iilan nalang ang nandito sa Angel Academy?" Naguguluhang tanong ni Lester. Nangunot naman ang aking noo at hindi maunawaan ang kanyang sinabi.

"Ano ba sinasabi mo?" Tanong ni Sio. Ang alipores ni Nari.

"You didn't get my point? Did you heard what the speaker said?!" Galit na tanong nito. Mas lalong nangunot ang noo ko at pilit na inunawa ang mali sa sinabi ng nasa speaker kanina.

Wala naman akong napansin na mali.

"Wala namang mali" Mahinang sinabi ni Nestle. Masama siyang tinignan ni Lester, at inirapan.

Aba, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Noong nasa labas kami ng Demon High, para siyang bata.

"Utak ang gamitin niyo, huwag ang talampakan mo!"

"Hey! Hey! You're getting harsh to my alipores!" Tumayo pa si Nari, sa kanyang kinau-upuan at dinuro si Lester. Hindi siya pinansin ng lalaki at tumingin lang ito kay Tanner, bago tumingin kay Maricar.

Saglit lang ang tingin niya kay Tanner, at kapansin pansin na sa tinging iyon ay mapang mintas.

May kutob ako. Pero ayokong sabihin, lahat ng nandito ay pinagkati-tiwalaan ko.

"Isipin niyo ulit ang sinabi ng speaker" napakagat labi ako at inalala ang sinabi ng speaker kanina.

"Sa lahat ng natitirang estudyante sa Angel Academy, you may proceed here at the stadium"

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon