ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 15

110 10 0
                                    

Chapter 15: Jervy Dy

Rose's POV

Nakatingin lang ako sa pintuan na nilabasan ng babae. Anak siya ni Mr. Martinez, at kapatid niya si Jupiter, pero bakit niya kami tinutulungan? Nakita niya kami mismo na nagbalak na lumabas ng Angel Academy, imbes na kami ay isuplong, tinulugan niya pa kami.

May kakaiba sa kanya. Parang may binabalak siya at kami ang ginagawa niyang tuloy para magawa niya ang balak niyang iyon.

"Should we listen to her? She's one of the dangerous people here, baka niloloko niya lang tayo" seryosong sabi ni Anica. Sang-ayon ako sa kanya na hindi. Hindi ko maintindihan.

"Wala na siya, bakit hindi natin ituloy ang pag takas?" Sabay sabay kaming napatingin kay Hannah. Nagtinginan din kaming lahat at isa isang tumango.

Binuksan ko ang pintuan at nilibot ang tingin sa paligid. Bumuntong hininga ako at umiling sa mga kaibigan ko.

"May iilang tao na sa labas, mag-uumaga na" Malungkot kong ani.

"So, what's the plan now? Sundin natin ang plan A to F?" Tumingin ako kay Thraia. Mukhang wala na nga kaming magagawa, kundi ang sundin ito.

"Hmm, seduce? I like that" Kinagat niya pa ang pangibabang labi niya. Na para bang nang aakit.

Kailan ba mawawalan ng kaharutan sa katawan itong babaeng ito?

Bumalik ako sa sofa at pabagsak na inupo ang sarili ko. Tumingala ako sa kisame at pinikit ang mga mata ko.

"Rose Lopez"

"You will handle Jupiter Martinez, my little brother"

Bakit siya pa ang kailangan kong asikasuhin? Sinabi ko na sa kanya na lumayo siya sa akin, pero mukhang ako naman ang mang gugulo sa kanya.

Argh!! Ang dali nalang tumakas! Nakita na namin ang labas ng Angel Academy! Bakit ba sumulpot pa ang Sabrina, na iyon!

"Rose" Dinilat ko ang isa kong mata at tinignan si Layana. "May naghahanap sayo" Napa ayos ako ng upo at tumingin sa aking likuran.

Doon ay naka tayo ang isang lalaki na mukhang galit na galit sa akin.

Siya yun. Hinding hindi ko siya malilimutan.

"Rose Lopez? How are you? Are you still ok? After killing my girlfriend and my child?" Nakangisi ito sa akin. Ngising nakaka kilabot. "You don't know how I want to kill you right now. I want to stab you ten times! like you did to Maricar" Buong lakas niyang sigaw. Kulang nalang ay labasan siya ng pangil sa sobrang git niya.

Napalunok ako. Nangingilabot ang buong katawan ko sa kanya.

"D-di ko sinasadya ang pag patay sa kanya. Di ko alam na buntis siya!" Agad kong depensa, ngunit 'di siya nagpatinag.

"You don't have mercy! I will kill you!" Sa sobrang bilis ng pangyayari ay di ko namalayan na naglabas na ito ng kutsilyo at lumalapit na sa akin. Natutop lang ako at nakatingin sa lahat ng galaw niya.

"Jervy! Stop!" Isang malakas na sigaw ang umugong sa buong kuwarto. Sabay sabay kaming napatingin doon. Naroon si Sabrina at may mga kasama siyang lalaki sa kanyang likuran, unang una kong nakita si Jupiter, na kunot na kunot ang noo.

"Shut up, Sab! Let me kill this bitch! Pinatay niya ang mag-ina ko!" Namumula na ito sa galit. Lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. Nakahawak sa magkabilang braso ko si Hannah at Layana, habang nasa likuran ko naman si Thraia at Anica.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon