Chapter 11: Mall
Rose's POV
Lunes ngayon kung kaya't araw na naman ng pasukan. Kung dati rati ay wala akong pino problema, ngayon ay parang napaka-rami na. Isa nadoon ang kay Maricar, napatay ko sila ng anak niya. Pangalawa naman ang ginawa at sinabi sa akin ni Jupiter.
Di ko matanggap sa aking sarili na siya ang unang naka halik sa akin. Mas lalong di ko matanggap ang kanyang sinabi.
Pinatay ko daw ang kasintahan ng kapatid ko? Hindi naman ako bobo dahil kahit nandito kami sa impyernong ito ay nakaka pag-aral pa din kami. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Na kapatid ko ang tinawag na Jervy, ni Maricar?
Ginugulo mo ang isipin ko Jupiter. Sobrang ginugulo mo.
Sinuot ko ang uniporme ko na may magka halong kulay na rosas at asul. Napaka disente tinggan ng mga uniporme nila, ngunit ang mga nagsusuot ay mamamatay tao.
Tsk! Tsk! Tsk!
*/KNOCK */KNOCK
Kunot noo akong tumingin sa pintuan. Sino naman tong may balak na manggulo sa akin?
Si Thraia?
Di akong nag-abala na buksan ang pintuan dahil kusa na itong bumukas. Humarap akong muli sa salamin at mula doon ay tinitignan ang lahat ng kilos ng lalaking pumasok sa aking kuwarto. Umupo siya sa kama ko at nakipag titigan sa mata ko gamit ang repleksyon ko sa salamin.
Ang tanging nais ko ay kapayapaan, hindi gulo.
"Umalis ka na dito. Baka di ako makapag pigil at mapatay kita" sinuklay ko ang aking buhok saka tuluyang humarap sa kanya. Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin?
"Give me one reason, para sundin ko ang gusto mo" tumalim ang aking tingin sa kanya. Rason?
"Kasi di ka dapat nandito?" Nanlaki ang mga mata ko sa naging sagot ko. Bakit naman ganoon ang lumabas sa aking bibig?!
Ngumiti siya na siyang nagpakalma sa aking laman laman. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti, madalas kasi ang pagngisi at pagse seryoso niya.
Kumalma ako nang makita ko ang kanyang ngiti.
"Di sapat ang rason mo" tumayo siya at basta nalang akong hinatak palabas ng kuwarto.
Nataranta ako sa bugla niyang paghatak. Nilibot ko ang tingin ko sa sala at saka sumigaw.
"Layana! Hannah! Thraia! Anica! Tulong!" Ngunit wala ni isa sa kanila ang sumagot. Kaya ba naka pasok dito ang lalaking ito dahil wala na dito ang mga kaibigan ko?
"Di ko pala nasabi. Tulog silang lahat sa iisang kuwarto" nangungunot noo akong tumingin sa kanya. Hindi niya ako tinignan pabalik, at patuloy parin akong hinahatak.
Ano ba talagang kailangan niya sa akin?!
"Ano ba talagang kailangan mo!? Bakit pati mga kaibigan ko dinadamay mo?! Wala ka talagang kuwenta! Wala ka ding awa! Hayop ka! Lugar ka! P**te ka!" Buong lakas kong sigaw. Siguro nga ay nabingi na ito sa sobrang lakas-sana nga mabingi siya.
Huminto siya sa paglalakad at katulad ng dati, wala na namang ekspresyon ang kanyang mukha. "I'm trying my best to save you, kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan" kumabog ng napaka lakas ang aking puso. Kinakabahan na naman ako.
Sinusubukan niya akong iligtas? At bakit niya naman ako tutulungan?! Hindi ko naman kailangan ng tulong!
Nagpatuloy siya sa paglalakad. "Teka! Ayos lang ba ang mga kaibigan ko?" Gusto ko lang maka sigurado na wala siyang ginawa. Dahil kung meron man, ngayon mismo dito sa kinatatayuan namin ay kikitilin ko ang kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Actionᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...