Chapter 17: Plan A
Thraia's POV
Tiim bagang akong umupo sa sofa.
Hayop na Yana! Ano bang ginawa ko sa kanya at sinampal niya ako!? Mas pinili niyang kampihan ang floor wax na iyon, kesa sa akin!? Walanghiya!
Naramdam ko ang pag dampi ng kamay ni Anica, sa aking likuran. "Relax, I know she has a reason kung bakit niya iyon nagawa" Umupo siya sa tabi ko. Nagsalubong ang kilay ko. Really!? Reason? Anong naman kayang irarason niya?! Natatakot siya kay Jupiter, kaya sumunod siya sa utos nito na sampalin ako?! Pathetic!
I don't know why she did that to me! It feels like she's a traitor. Parang nag taksil siya sa amin! Paano na ang plano namin?! Alam na nila Jupiter?!
"Hey" sabay sabay kaming apat na napatingin sa pintuan. Layana, is standing there and staring to us like an innocent angel. Yeah, I'll admit she looks like an angel, but inside of her beautiful face is a demon. Tinitignan ko na din siya katulad ng pagtingin ko kila Mr. Martinez, isa siyang masamang tao.
Lumapit siya sa amin ngunit agad kong hinarang ang isa kong kamay. "Don't come near to us! Ano ba ang nakain mo?! Akala ko ba kaibigan ka namin?! Bakit mas pinili mong makinig kay Jupiter!?" Lahat ng galit ko ay talagang nilabas ko. Wala akong dapat na itago, lahat ng gusto kong sabihin ay sasabihin ko sa kanya.
"Thraia, pakinggan natin siya" Tumingin ako kay Hannah. Nginisihan ko siya.
"Why should we listen to her? You just witnessed what she did to me! She slapped me hard!" Napahawak pa ako sa pisnge ko nang maalala ang eksena kanina. Talagang napa upo ako sa lakas ng pagkaka sampal niya.
"Hindi mo ako naiintindihan" Ang pagsasalita niya ay bumalik sa dating siya, hindi katulad kanina, kung magsalita siya walang ka buhay buhay.
"Thraia! Pls stop! Makinig muna tayo sa kanya! Huwag ka nga muna putak ng putak!" Malakas na sigaw ni Anica sa akin.
Nag tiim bagang ako at muling umupo sa sofa. Huminga ako ng malalim at kunot noong tumingin sa aking harapan, kung saan naka upo na si Layana.
-----
Anica's POVWalang emosyon sa mukha ko while looking at Layana. What she did earlier was just a very shocking scene. I didn't know that she has a side like Sam. Oo, para siyang si Sam kung titignan ko kanina. Walang emosyon, walang kabuhay buhay kung magsalita. At higit sa lahat, mabangis. Alam mo yung tipong, silent but dangerous. Yun na yun siya kanina.
Pero sa nakikita ko ngayon, bumalik siya sa dating siya. Maamo ang mukha, mahinhin ang boses. I don't know if she is real, malay ba naming pinaglalaruan niya din kami.
"Inutusan ako ni, ate Sabrina" Nagsalubong ang kilay ko. Ano na namang kalokohan ang naisip ng babaeng yun? Hindi talaga palagay ang loob ko sa kanya. "Sinabi niya sa akin na matalino ang kapatid niya, hindi daw siya magtataka kung di kalaunan ay malaman niya ang plano naten" Ang plan A to F?
------
Layana's POV"Listen to me" Dinala niya ako sa lugar na hindi ako pamilyar. "In just what I seen, you are the most silent among your friends, am I right?" Nangunot ang aking noo at matagal bago naintindihan ang sinasabi niya.
"Wala namang masama sa pagiging tahimik"
"I know. Hindi naman iyon ang tinutukoy ko" Hinithit niya ang sigarilyong hawak niya at binuga ito sa mismong mukha ko. Napa ubo ako. Ano ba ang akala niya sa akin? Kung maka buga naman tong babaeng toh.

BINABASA MO ANG
Angel Academy
Azioneᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...