Chapter 6: Help
Anica's POV
Tulala parin ako sa mga pangyayari. Di ko nga namalayan na nandito na pala ako sa loob ng dorm namin.
Naka-upo lang ako sa sofa at nakatingen sa kisame. Piskat nga naman oh! Paano sya napunta rito!?
Na kidnap din ba sya, gaya namin!?
Di parin ako maka move on sa nangyari kanina, paanong!? Paanong nandito din sya!? Sinundan nya ba ako o talagang nakuha sya!?
"Hoy!" Isang malakas na hampas ang naramdaman ko, kasabay non ang pagka gulat ko. Napatalon pa ako sa sobrang gulat.
Masama kong tinignan si Venu-Thraia, kailangan ko ng masanay sa, Thraia.
"What do you want!? Kailangan mang-gulat!?" Talagang inis na tanong ko. Pinanlakihan ko pa sya ng mga mata.
"Mygosh ah! Kanina pa kasi ako salita ng salita here! You ayaw pansin naman me!" Nanliliit na mga mata ko syang tinignan. Paano ko ba naging kaibigan toh? Baliw to! Baliw tong babaeng toh! Ilayo nyo ako dito! Kung hindi guwapo ang hanap, ako naman ang inaasar!
Guwapo?
"Guwapo?" Wala sa sarili kong nasambit. Agad kong natakpan ang bibig ko at gulat na tumingin kay, Thraia. At as usual, nakikipag tinginan na din ito sa akin!
"Sino?"
"W-wala!" Tinalikuran ko na sya at bumalik sa kuwarto ko. Ano ba kasing iniisip ko!? Bakit sya ang unang pumasok sa isip ko, nong banggitin ko ang salitang guwapo!?
Buwisit ka, Sam!!!! Ginugulo mo yung sistema ko!!!! Dapat di ka pumasok dito!? Bakit ba kasi nag pahuli ka sa mga kidnappers!?
Bakit di ka nalang kay ate nagpa kasal!? Total, sya naman ang gusto mo!
"Di kita gusto. Si, Athena ang gusto ko"
Awts.....
Si ate, lagi nalang si ate. Lahat ng atensyon, ang laging nakaka kuha si ate. Si ate na maganda, si ate na matalino, si ate na mabait, si ate na masunurin, si ate na walang ibang ginawa kundi maliitin ako. Si ate! Si ate! Si ate! Si ate! Puro nalang, Athena!
Maganda din naman ako, matalino din naman ako, pero bakit di nila makita yung halaga ko? Bakit si ate ang gusto nya?
"Pero, Sam may ibang gusto si ate" Para parin akong tanga na nakatayo sa harap ng ultimate crush ko, habang nakalahad sa kanya ang binili kong chocolates. Pinag-ipunan ko pa ito para sa kanya.
"Edi aagawin ko sya"
"Eh, Sam....ako?"
"What about you? Sorry, di kita type. Walang wala ka pa sa standards ko" At saka nya na ako nilagpasan.
Napatulala nalang ako at naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Walang wala pa daw ako sa standards nya?
Simula nang araw na iyon. Di na ako nagka crush. Sya na ang first at last. Di na ako umulit. Ayokong masaktan na naman.
Nong sabihin naman ni mommy na sa kanya ako ikakasal, nakaramdam ako ng excite, pero bigla ding pumasok sa isipan ko na hindi ako ang gusto nya, kaya bakit sa akin sya magpapa kasal?
Makaka ganti din ako sayo! Sana ikaw ang maka laban ko sa fighting day! Sasak sakin talaga kita!
"Lil- este, Anica" Nakataas ang isa kong kilay habang nakatingin sa pintuan. Nakadungaw doon ang ulo ni, Thraia at ang laki laki pa ng pagkaka ngiti nya.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Aksiyonᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...