Chapter 22: The Battle
Thraia's POV
Hindi ko na naintindihan ang mga iba pang pinag usapan. Nakatitig lang ako sa taong matagal ko ng hindi nakikita.
Napakurap kurap ako. Gusto kong isipin na nanaginip lang ako. "Huwag mo siyang titigan" Aligaga akong napatingin sa katabi ko. Napahinga ako ng malalim. Buti nalang si Rose ang tumabi sa akin.
Tinitigan ko din si Rose. Hindi ako makapaniwala na mag pi pinsan kaming lahat. Malaki talaga siguro ang pamilya namin. Ngunit mas malaki ang kinakaharap kong problema.
"Ano, kinabahan ka na?" Napatingin ako sa isa ko pang katabi. Pormal lang siyang naka-upo at nakikinig sa sinasabi ni Maricar. Isa pa tong babaeng toh, mas lalo siyang gumanda.
"Hindi ako kakabahan, wala akong ginagawang masama" Matapang kong sagot. Pero lahat ng iyon ay kabaliktaran. Sobrang kinakabahan na ako dahil may katangahan akong ginawa.
"Wala nga ba?" Sakristo nitong tanong. Napatungo ako at pilit na itinuon ang atensyon kay Maricar, pero walang salita ang pumapasok sa isipan ko, tanging si Tanner lang. "Nagkausap kami kanina ni Sam, ilang taon na, pero hindi nagbago, si ate parin" Di na ako tumingin pa sa direksyon niya. Ramdam ko na ang sakit kahit hindi ko siya tignan.
"Akala ko ba hindi mo na gusto? Oh eh anong nangyari?" Nag cross arm ako at pasimpleng tumingin sa gawi ni Titus.
Salubong ang kilay niya. Matalas ang tingin kay Maricar. Kung titignan sa umpisa ay para lamang siyang seryoso na nakikinig, pero kapag pinakiramdaman mo. Ramdam mo ang galit niya.
Napalunok ako.
"Akala ko din eh" Kanina pa siya naghu hugot ng hininga.
Napailing nalang ako at muling binalik ang tingin kay Maricar. Nahagip ng mata ko ang pangiti ngiting si Tanner. Kumaway pa siya sa akin pero bahagya lamang akong ngumiti.
"Ganon ang magiging plano naten. Ihanda muna ang sarili sa labanang magaganap bukas. At pag natapos iyon. Sisimulan na natin ang plano" Sa lahat ng sinabi niya ay iyon lang ang naintindihan ko. Ngunit alam kong maganda ang plano, dahil manghang mangha si Rose, kay Maricar. "This battle is not only for us, but for all the students here in Angel Academy. Galingan naten!" Nag fight sign pa siya at nakigaya naman kami.
Natapos ang pag pa plano ay nilapitan ako ni Tanner. He stared at me before dragging me out through our dorm.
Dinala niya ako sa cr ng mga lalaki. Nag lock siya ng pinto bago ako tuluyang hinarap. Hinatak niya ako gamit sa kamay at yinakap na mahigpit.
"Ven. Nandito ka lang pala. Nag aalala na sila tita sayo" Sobrang higpit ng pagkakayakap niya. At kahit kaunting kilig ay wala na akong maramdaman pa, hindi katulad noon na kahit unting hawak niya lang sa akin ay halos mahimatay na ako. Ano na ang nangyari sa nararamdaman ko para sa ultimate crush ko na si Tanner Davidson Atadero? Bakit wala na? Posible kaya na sa maikling panahon o oras ay maibaling mo sa iba ang nararamdaman mo? "Hey, Ven? C'mon talk! I've been missing you! Kulang nalang magpalagay kami ng billboard at nakalagay na Venus is missing, para lang mahanap ka! At ngayon! Nahanap na kita! Thank God!" Muli niya na naman akong hinatak at yinakap ng mahigpit.
"T-tanner, I can't breathe!" Pinilit kong ilayo ang sarili ko sa kanya, pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-akap sa akin.
"Let me hug you for a minute. I really miss you Ven" Don ako tumigil sa pagpu-pumiglas. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya sa batok ko, ramdam ko ang init, ramdam ko ang kanyang pananabik.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Açãoᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...