ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 9

132 12 0
                                    

Chapter 9: Siblings

This part is medyo bad. Not suitable for you and me forever, jwk. Basta! Medyo SPG!

Rose's POV

Anong ginawa ko?

Yan ang kanina pang tanong na nagpa ulit ulit sa tainga ko. Di ko sinasadya, huli na ng malaman ko na buntis sya.

"Rose?" Lumapit sa akin ang mga kaibigan ko na nag-aalala.

"Di ko talaga alam, buntis yung babae...di ko alam" At sa araw na ito, napa-iyak na naman ako. "K-kasalanan ko, kasalanan ko" Niyakap nila ako at inalo.

Bumalik na kami sa dorm, pero hindi kasama sina Anica at Hannah, naiwan sila don dahil tinawag na din sila.

"Galit na galit yung, lalaki kanina sa kinau-upuan nya, grabe ang sigaw" Patuloy parin sila sa pagku kuwentuhan sa harapan ko. Pinagu-usapan nila yung lalaking pinagba-bantaan ako.

Jervy. Jervy ang kanyang ngalan. Alam ko sya ang tinawag nong Maricar, bago ito tuluyang mawalan ng buhay.

Sobrang nanghihingi ako ng paumanhin sa kanya. Pinatay ko ang mag-ina nya.

Tumayo ako at napag pasyahan na lumabas. Kailangan kong mapag-isa. Gusto pa sana akong samahan nong dalawa, ngunit ako na ang nag-sabi, na nais kong mapag-isa

Pumunta ako sa tapat ng building. Balak kong pumunta sa likod ng building na ito, ngunit baka sumulpot na naman ang madayang si Jupiter. Sa huli ay napag-pasyahan ko na lang pumunta sa roof top ng building.

Hindi gaanong mainit, makulimlim rin ang kalangitan. Nagpipighati ang mga kaulapan.

Tumingala ako sa itim na kalangitan. Sana mapatawad padin nya ako sa mga kasalanan ko.

"What a great show you have done, Rosas" Natutop ako sa kinatatayuan ko. Ang boses na iyon. Paanong? Bumuntong hininga ako. "Killing his girlfriend, huh?" Animong natatawa pa nitong tanong. Nangunot ang noo ko.

Lahat talaga ng mga galaw ko, alam nya?

Humarap ako sa kanya na may nagsasalubong na mga kilay. "Tapos na tayo sa business na sinasabi mo. Kaya kung puwede, huwag mo na akong gambalain pa" Seryosong ani ko. Hindi sya nagsalita, bagkus ay tumawa sya. Umirap ako.

"My beautiful when angry, Rosas" Dahan dahan syang lumapit sa akin at dahan dahan din akong umatras. Patuloy sya sa pag lapit, at patuloy din ako sa pag-atras, hanggang sa ma korner nya na ako.

Nakangiti syang nakatingin sa akin at masama naman akong tumingin sa kanya. "Ang ganda mo" bulong pa nito. Nagsalubong ang kilay ko.

"Doon" Turo ko pa sa bandang likuran nya. Nagtaka naman sya at nagsalubong ang kilay.

"What about there?" Tanong pa nito, ngumisi naman ako.

"Doon, hanapin mo ang pake ko" Nawala ang pagkaka ngiti nya at biglang sumeryoso. Sa pagkakataong ito, kinabahan na naman ako. Kapag sya ang kaharap ko, nakaka ramdam ako ng kaba.

He slowly leaned down and I just felt his lips pressing mine.

(A/N; napa english! Wuhuhuhu bata pa po ako!)

Di ako naka galaw. Napa englis pa ako ng wala sa oras. Kailan pa ako natuto mag englis?!

Ilang segundo paring magka lapat ang aming mga labi at mukhang walang balak na bumitiw pa. Gusto ko syang itulak pero di na kaya ng lakas ko. Nawala lahat ng lakas ko.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon