Chapter 12: Mall (part 2)
Rose's POV
Sa sinasabi niyang calm down and relax ay hindi ako panatag. Pakiramdam ko may gagawin silang masama sa akin. Subukan lang nila, baka makulong ako tulad ng sinasabi nitong lalaki na kasama namin, dahil baka mapatay ko sila.
Buong biyahe ay wala ng nagsalita pa sa amin. Namalayan ko nalang na huminto sa isang malaking gusali. Sa labas palang nito ay marami ng tao.
"Here we are!!"
"Lester, just wait here"
"What?! Dude, I also want to go inside!" Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Gusto kong sumingit sa usapan ngunit natutuwa akong pagmasdan ang pagtatalo nila. Di ko akalain na ganto pala ang ugali ng lalaking ito-Lester ang tawag sa kanya ni Jupiter-dahil nong una ko siyang maka harap, napaka walang hiya niya.
Di na nagsalita si Lester nang titigan siya ng masama ni Jupiter. "Let's go, Rose" lumabas siya na akin ding ginawa.
Paglabas ko ng kotse ay parang malulula ako sa laki ng gusali na makikita. Napaka ganda. Tunay na nakaka mangha.
Nakanganga parin ako habang nakatingin sa gusali ng maramdaman kong may humawak sa aking palapulsuhan. Tumingin ako doon at nangunot ang aking noo. "Bitiwan mo nga ako" Pilit kong pinipigtas ang pagkaka hawak niya ngunit talagang napaka higpit nito. Masama ko siyang tinignan ngunit hindi man lang siya nag-abalang tumingin pabalik.
"Huwag kang hihiwalay sa akin, Rosas. Baka mawala ka, di ko kakayanin" Napangiwi ako. Ano bang sinasabi niya?
"Paano akong mahihiwalay sayo? Kapit na kapit iyang kamay mo sa pala pulsuhan ko!" Reklamo ko. Di niya ako pinansin subalit hinatak niya ako papasok sa salamin na pintuan. Kusa itong nagbukas na ikina-mangha ko.
Kung ang labas ng gusali ay maganda, mas lalo na sa loob nito, lubhang napaka ganda.
Napaka ingay dito sa loob. Ngunit marami akong nakikitang maganda. Ang babae dito ay mas magaganda manamit kumpara kela Nari at sa mga alipores niya.
Nilibot ko ang tingin ko at talagang napakaraming puwedeng pasukan rito. Binasa ko ito isa isa at mayroong, Jollibe, Mcdo, KFC, at marami pang iba.
"Stop drooling, Rosas" tumingin ako sa katabi ko at sumimangot.
Nakapunta na din ako sa mall! At totoo nga ang sinasabi nila Anica at Thraia. May sahig na gawa sa tiles, mga dingding na gawa sa salamin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hindi na ako umangal pa. Natuon na sa paligid ang aking atensyon at hindi na sa kamay niya na naka hawak sa akin.
Maya maya pa eh, naka tayo kami sa isang malaking hagdan, gumagalaw ito na ikina-kunot ng aking noo. Ano naman kaya ang isang toh?
"Teka? Bakit gumagalaw iyang hagdanan?" Pilit kong inaatras ang sarili ko sa hagdan. Tumingin naman sa akin si Jupiter na lukot ang mukha.
"Tsh. Shut up. Look around, people are watching us. Di ka naman mapapatay nito. Ignorante" at hinatak niya ako papunta sa hagdan, napa hakbang ako ng wala sa oras. Dumagundong din ang kaba sa akin dahil kahit hindi kami humakbang ay kusa kaming umaangat.
Sa sobrang kaba ko ay hinugot ko ang baril na nasa gilid ng palda ko at basta itong pinutok. Nagsigawan lahat ng tao at nag takbuhan.
"Bakit mo pinutok?!" Tumingin ako kay Jupiter, na mas humigpit ang pagkaka kapit sa akin. Masakit pero ayoko umaray, baka isipin niya mahina ako.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Açãoᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...