ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 8

143 13 0
                                    

Chapter 8: Killing his Girlfriend

Rose's POV

Nakahawak lang ako sa aking pisnge habang nakatingin kay, Thraia na pumasok sa loob ng klinik.

"Kailangan namin ng paliwanag, Rose" nakangiting ani ng dalawa kong kaibigan. Tumango sila sa akin at saka pumasok sa loob ng klinik.

Nanatili ako sa labas ng ilang segundo, saka napag pasyahan na sumunod sa kanila sa loob ng klinik.

Pagpasok ko sa loob ay nagsisisi tawanan na silang lahat. Tumigil lamang sila sa pag tawa nang mapag-alaman nilang nasa likuran nila ako.

"Rose!" Naka-ngiting tawag sa akin ni, Anica. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Kumusta ka na?" Sinuri ko ang kanyang buong katawan. Wala syang sugat o kahit na anong gasgas, maliban na lamang talaga sa saksak sa kanya.

Ngumiti sa akin sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Tila natutop naman ako.

"Thank you Rose, nabuhayan ako sa sampal mo" at ang kaninang tahimik na paligid namin, ay mas lalong tumahimik. Tumingin ako sa tatlo, nakangiti sa akin sina, Hannah at Layana, habang si Thraia, ay naluluha lamang.

"Kasalanan ko kung bakit ka nasaksak. Kasalanan ko, nilabanan ko pa si, Jupiter" umiiyak na talagang sabi ko. Kumalas sya sa pagkaka yakap sa akin at nagtatanong na tumingin.

"Baka naman gusto mo na magsabi, kung anong nangyayari? Wala ka bang tiwala sa amin?" Muli, ay napatingin ako kay, Thraia.

Wala nga ba akong tiwala sa kanila?

Maski sa aking sarili ay wala akong tiwala. Sa kanila? Meron nga ba?

Dahan dahan akong tumango sa kanila. "May tiwala ako sa inyo"

"Bakit di ka magsabi sa amin?" Napatingin naman ako kay, Layana.

Umiling iling ako. "Kasi ayokong problemahin n'yo ako" Emosiyonal kong saad.

"Rose, kaibigan ka namin. Problema mo, problema narin namin" Kinuha ni Thraia, ang dalawa kong kamay at mahigpit na hinawakan. Ngumiti sya sa akin at tumango. Maluha luha din akong tumango.

Umupo ako sa plastik na upuan. Tumingala ako sa itaas at inisip ang lahat mula umpisa.

Nag-umpisa akong mag kuwento, walang labis, walang kulang. Lahat detalyado. Kinuwento ko mula umpisa hanggang sa nangyari kanina.

"Rose? Martinez?" Gulat na tanong ni Hannah. Dahan dahan naman akong tumango. "Hibang ka na ba?! Anak ni Mr. Martinez!? Sinaksak mo?! Gusto mo bang mamatay, Rose!?" Umiwas na lamang ako ng tingin sa sunod sunod na tanong ni, Layana.

Iyakin.

"Kung hindi ako papayag sa kagustuhan nya, papatayin nya ka-" agad kong depensa sa sa sarili.

"At pumayag ka dahil may tiyansyang makaka labas ka na dito!?" Si Hannah.

"Desisyon ko na kung lalabas ako o hindi"

"Anong desisyon mo?" Tumingin ako sa naka higang si Anica.

"Hindi ko kayo iiwan. Manalo man o matalo. Di ako lalabas ng Angel Academy ng hindi kayo kasama" Nakangiting sabi ko.

Ngumiti din sila at sabay sabay nila akong niyakap.

"Pero, Thraia babalik ko lang sampal mo. Ang sakit" Masama ko syang tinignan. Nag peace sign (sabi ni Thraia ang tawag doon) lang sya at nag kibit balikat.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon