Chapter 30: Layana and Lester
Layana's POV
five years ago.........
Matapos ang mga nangyari sa loob ng Angel Academy. 'di mapaliwanag na takot ang naramdaman ko. Sa tuwing may nakikita na ako na, kasing edad ni Mr. Martinez, di ako mapakali, natatakot ko.
Ngayong araw naman ay sobrang saya ko, dahil nakilala ko na ang mga magulang ko, at alam ko na ang totoong ako, alam ko na kung ano ang apilyedo ko.
Ako si Layana Dy. Totoo nga na pinsan ko sila Rose.
Sobrang saya ko.
"Anak, why don't you study again? Ahm, I recommend Ateneo, for you" Habang kumakain ay nagsalita ang ina ko. Si mommy Maria.
Huminto ako sa pagkain at nilapag ang kubyertos ko.
"Mommy, puwede pa ba akong mag-aral?" Nahihiya ko pang tanong. Sa tingin ko kasi ay hindi na ako maari pang mag-aral. Siguro hindi naka lista sa tinatawag nilang DEPED, ang paaralan na Demon High, na kilala bilang isang candy factory.
"Y coconut sis! Lahat puwedeng mag-aral!" Napabaling naman ako kapatid kong si Marla. Bakla siya kung hindi kayo aware, ang totoo niyang pangalan ay Marlou.
"Your ate Marla is right, my dear anak" Si daddy naman ang nagsalita. Napangiwi pa ako, dahil tinawag niyang ate si ang kapatid ko. Masaya ako dahil hindi siya tutol sa gusto nito.
Nag-isip ako.
Gusto ko parin mag-aral. Kaya mag-aaral ako.
Iimbitahan ko rin si Hannah. Huwag na muna si Rose, matinding depresyon ang tinamo niya sa nangyari. Nag-aalala rin ako sa kanya, lalo na't, napag alaman naming buntis rin pala siya. Hindi rin puwede si Anica. Kaka alis lang niya kahapon papuntang Amerika. Kung si Thraia, naman. Aayaw yun.
Bahala na.
------
Kanina pa ako hinga ng hinga ng malalim.
Nandito na ako sa sinasabing school ni mommy. Unang tapak ko palang sa gate, ang dami ng estudyante. Iilan lang ang naririnig kong nagta tagalog. Halos yung iba panay ang english. Meron ring, mga conyo magsalita.
Napailing nalang at tinignan ang schedule na hawak hawak ko.
Hmm, nasa engineering building, ang classroom ko. Saan ko naman kaya iyon rito? Puro matataas na gusali ang nakikita ko, nasaan riyan ang engineering?
"Ahm, ate" Kinalabit ko ang babaeng pakembot kembot kung mag lakad. Bahagya akong natawa.
Naalala ko si Nari, sa kanya. Pakembot kembot kung maglakad, pag harap, hindi naman kagandahan.
Biro lang.
"Yes? What may I help you?" Paglaki laki pa ng ngiti niya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik.
"Itatanong ko lang sana kung saan ang engineering building"
"Ahh, follow me"
At katulad nga ng sinabi niya na follow me, finollow ko siya.
Nasa likuran niya ako kaya mas nakita ko kung paano siya gumalaw.
Pakembot kembot parin.
Ngunit maganda ang kanyang mga katawan, may hubog. Ang ganda din ng kutis niya. Maputi. Ang kanya namang mga buhok, bagsak sa taas, kulot naman pagdating sa baba.
Nakaka inggit naman siya. Paano kaya magkaroon ng ganyang katawan? Yung may hubog. Parang puno.
"Kuya!!!!" Malakas siyang tumili at patakbong lumapit sa lalaki kaharap niya. Pilit ko itong tinitignan pero di ko makita. Nakaharang kasi siya.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Actionᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...