ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 18

114 8 0
                                    

Chapter 18: Plan B

Hannah's POV

Dahan dahan akong umupo sa sofa. Ako palang ang nandito sa dorm, wala pa atang balak na bumalik dito ang mga kaibigan ko.

Muli akong tumingin sa paligid bago ko buksan ang papel na hawak ko. Nangunot ang aking noo sa nakita ko. Ano ba ito? Numbers?

01001000
01100001
01101110
01101110
01100001
01101000
01000100
01111001

Wala akong maintindihan. Ano ba ang mga ito?

"Layana? Ano ba iyang ginagawa mo?"

"Ah? Ito?"

"Ano yan? Numbers?"

"Oo, pero hindi sila basta basta lang na number, sa likod ng mga numerong ito ay malalaman mo kung anong nilalaman nito"

"Huh?"

"Katulad nito. 01000100
01100101
01101101
01101111
01101110 Ang tawag sa mga ito ay Binary"

"Eh, anong nilalaman niyan?"

"Demon"

"Ahhh. Binary"

Tumakbo ako papasok sa kuwarto ni Layana. Ang alam ko ay may kopya siya ng mga ito.

Hinalungkat ko ang mga pwedeng paglagyan niya. Sa pagkaka alala ko, nasa isa itong puting-ayun!

Kinuha ko ang isang puting notebook at pumasok sa kuwarto ko. Umupo ako sa kama at sinuro ang notebook.

H 01001000
a 01100001
n 01101110
n 01101110
a 01100001
h 01101000
D 01000100
y 01111001

Hannah Dy? A-ako si Hannah, p-pero bakit Dy? Hindi ba't si Rose ang Dy? Dahil siya ang kapatid ni Jervy? B-bakit Hannah Dy, ang nakalagay rito? Hindi kaya, ako ang kapatid ni Jervy? Kailangan ko maka usap si ate Sabrina. Siya ang nagbigay nito, siya rin ang makaka sagot sa akin.

Agad akong tumayo at lumabas ng kuwarto. Saktong pagpihit ko ng pinto ay nakita ko ang mga ngiti sa mukha ng mga kaibigan ko.

"Layana? Umalis na ba si ate Sab?"

"Ahhh, oo. Kanina lang" Nawala lahat ng pag-asa sa katawan ko. Paano ko malalaman ang katotohanan? Hindi ko pwedeng sabihin kay Rose, ang hinala ko. Umaasa na siya na kapatid niya si Jervy.

"Ayos ka lang? Don't be sad ghorl! Plan A is successful! We should celebrate this day!" Nanlaki ang mga mata ko. Nagawa ni Thraia ang Plan A sa loob lamang ng isang araw?

"Kasi ano-"

Di pa ako natatapos sa pagsasalita umakbay sa akin si Thraia. "Wag ka ngang sadghorl jan. Mamaya mo na isipin kung anong gagawin mo kay, Rym! Cause today is the day!" Itinaas niya pa sa ere ang dalawa niyang kamay. Makikita mo talaga sa kanyang mata kung gaano siya kasaya.

"Today is the day of?" Nakangiwing tanong ni Anica. Natawa naman ako. Nakakaintindi lang ako ng english pero nahihirapan ako magsalita, di naman sa di ako marunong, nasanay lang talaga kaming tatlo noon na purong tagalog kung mag-usap kami.

"Don't ask na, it's hard to english english ah!" Napatampal kaming lahat sa noo namin.

Pumunta ng kusina sina Layana at Rose. Nagpaalam din muna ako na babalik sa kuwarto ko. Kinuha ko ang papel mula sa kama ko at pinakatitigang maigi. Hannah Dy, iyon ang nilalaman sa likod ng mga numerong ito. "Malalaman ko din ang katotohanan" Huminga ako ng malalim at saka itinago ang papel. Bumalik narin ako sa sala, at sakto ding pag labas nina Layana at Rose, mula sa kusina. May dala silang alak at mga pagkain. Required naman ang alak dito, may makukuhanan kami ng stock ng mga ito.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon