Chapter 27: The New Beginning
Rose's POV
5 years later...........
I take a deep breath before entering the conference room. When they saw me, half of them got shocked.
"M-ms. Dy?" I looked at the old man. Tumaas ang isa kong kilay at nagta tanong siyang binigyan ng ekspresyon.
Sa makalipas na taon nasanay na akong tawagin ng Dy. Simula ng makilala ko ang tunay na personalidad ko, tinawag na akong Rose Dy.
Hindi ito nag salita kung kaya't umupo na ako sa upuan na para sa akin.
"So let's start. I want to renovate the school, and I want to change the name to Planet University" walang paliguy liguy kong sabi. Nagtinginan naman silang lahat at walang nagawa kundi ang tumango.
I stand up. "So I think everything is settled, I'm out" walang sabi sabi na akong lumabas.
Habang naglalakad pa ay pinagtitinginan ako ng mga tao, at basta nalang silang napapanganga.
I dressed up with jeans and a off shoulder with flowers design. For the others it look like cheap, but try to look at me, it's look like a real fashion.
(A/N: Author niyo pa eme eme nalang HAHAHA)
Nang tuluyan na akong lumabas ng Dy Corporation, may isang itim na sasakyan na ang nag aantay sa akin.
I seated at the back seat. Napangiti ako ng makita ang batang lalaki na mahimbing na natutulog.
"Napagod sigurong mag-intay sa inyo, mam!" Tumingin ako sa driver naming si Cholo. Ngumiti lang ako at binalik ang tingin sa batang lalaki.
"Ok lang po yun, diretsiyo nalang po tayo sa bahay nila Layana" Pagtutukoy ko sa aking pinsan. Siya lang ang tanging naririto sa Manila, sa mga oras na ito. Si Anica, ay nasa Korea pa, si Thraia naman ay kasama si Titus, roon sa probinsya nila sa Quezon, at habang si Hannah, ay nagba bakasyon sa Maldives, kasama si Rym. Habang ang kapatid ko naman ay nanahimik na sa sarili niyang pamilya. Si ate Sabrina naman, madalas ko na lamang siyang makita, lalo na kapag anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama at ni Jupiter, dumadalaw din ito sa paaralan.
Masasaya na sila ngayon. Maliban nalang kay Anica.
Masaya narin ako sa buhay ko ngayon, kahit minsan di maiiwasan ang lungkot. Tatlong taon din akong nanatili sa Portland, siguro sapat na ang taon na iyon para muling harapin ang bagong bukas.
Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang may yumakap sa akin. I smiled and pinch his cheek.
"sleepy head" Natatawa kong bulong rito. Umupo naman ito ng maayos at ngumuso.
"I'm not po kaya"
Nagkibit balikat lang ako at saka siya kinandong sa akin. "As you said so"
"Mommy, where are we going? Pupunta po ba us kanila tito Vyvy?" I chuckled when I heard the word Vyvy. He called my brother tito Vyvy, and it's really funny. "What's funny po?" Parang di maka relate ito.
Umiling iling lang ako at muli na namang kinurot ang pisnge niya. Kamukhang kamukha niya ang ama niya. Mula sa kilay, ilong, mata, at kahit hugis ng labi ay kuha niya. Sobrang guwapo ng anak ko.
"Mam, nandito na po tayo" Muli akong napatingin kay Cholo, bago tumingin sa malaking bahay.
Inayos ko ang damit ng anak ko saka kami sabay na lumabas ng kotse.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Actionᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...