Chapter 2: The Battle
Rose POV
Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Nilibot ko ang tingin ko sa kulay puting kwarto. Di ako tanga para di malamang nasa clinic ako. Ang gusto kong malaman ay kung sino ang nagdala sa akin dito.
Inaalala ko ang lahat ng dahilan kung baket ako nakahilata dito. Biglang nag flasback sa akin ang lahat, mula sa pagtulak sa akin ng lalaking nag ngangalang Jupiter, hanggang sa pag saksak sa akin nito.
"Let's have a deal"
"If you'll win this fight, I will give you the permission to be free"
"At pag ikaw ang nanalo?"
"I will kill your friends"
Ang mga kaibigan ko! Kahit ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking tiyan ay tumayo parin ako at lumabas ng clinic. Nakita ko pa ang nurse na nagulat at pipigilan ako, ngunit di ko na ito pinansin.
Tumakbo ako papunta sa dorm namin, ngunit hindi pa man ako tuluyang naka pasok nang tumunog ang malakas na boses.
"Next fighter! Two versus two! Rose Lopez and Hannah Hope Anderson VS. Cheska Senados and Mars Storm! Proceed to the stadium!" Nabawasan ng tinik ang dibdib ko. Tinawag pa si Hannah, ang ibig sabihin buhay pa sya, at lalaban pa kami ngayon.
Makakalaban kaya ako ng maayos? May kirot pa rin akong nararamdam sa tiyan ko.
Naglakad na ako papasok ng stadium. Nasa loob nito ang mataas na ring na gawa sa bakal. Sa loob nito ay may mga patalim na, pupulutin nalang. Nakita ko na sa loob si Hannah, at ang dalawang babae na tiyak kong makakalaban namin ngayon. Di ko lang masasabi kung sino ang mamatay sa amin ngayong araw, lalo na't may saksak pa ako.
Pag pasok ko sa loob, tumabi ako kay Hannah, na nakangiti na naman sa akin. Magpapa tayan na't laha't lahat nakukuha nya paring ngumiti.
"San ka ba galing?" Bulong nito. Di nya alam na galing ako sa clinic? Umiling lang ako kay, Hannah. Mas mabuting di nya alam na nasaksak ako para di sya mag-alala.
Maraming sinabi ang host at tango lang ang sinasagot namin. Kinakabahan ako. Normal na dapat toh eh! Ngunit bakit tila nako konsensya ako?
"Ready for your death bitches?" Nakangising tanong ng matangkad na babae. Ngumisi lang din.
"I should be the one asking that! Are you ready for your death?" Nakaramdam na naman ako ng kirot matapos ko bitiwan ang mga salitang iyon.
"Go!" Malakas na sigaw ng host. Agad kong kinuha ang kitchen knife sa gilid ko pinag laruan ito sa ere.
"Rose." Bulong ni Hannah. Tila kinakabahan.
Napalunok ako.
"Ako na bahala" pero kinakabahan din talaga ako.
Tinago ko si Hannah, sa likuran ko, ngunit makulit ang kaibigan ko, mas nauna pa syang sumugod sa kalaban at sinipa nya ito ng malakas. Natumba naman ang babaeng maliit na kasama ng matangkad na nasa harapan ko. Tinuon ko naman ang atensyon ko sa babaeng matangkad at kalaban ko ngayon.
Ngayon lang ako magdadasal. Alam kong papakinggan nya parin ako.
Lord, kayo na ho ang bahala samin ng kaibigan ko. Gabayan nyo ho kami sa labang toh, o kahit ang kaibigan ko nalang na si Hannah, gabayan nyo ho sya.
"Ahhhh!!!" Sumugod sa akin ang babae, angat angat sa ere ang hawak nyang itak. Yumuko ako para maka-ilag at sinipa sya sa kanyang paa. Natumba sya sa lupa, dahilan para mabitawan nya ang hawak nyang itak. Inangat ko na sa ere ang kutsilyong hawak ko at handa na para isaksak sa kanya ito, ngunit malakas nya akong sinipa sa tiyan, kung saan ako nasaksak.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Actionᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...