Chapter 3: Friends
Rose POV
Natapos kaming kumain, at talagang di ako tinantanan ni Hannah at Layana. Gusto daw nila malaman ang dahilan kung bakit ako nasaksak.
Naka-upo kaming lima sa sala. Oo, lima. Kasama sina Venus at Lily. Gusto din daw kasi nila malaman ang dahilan, kahit daw kasi sinungitan ko sila ay nag-alala parin sila sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagka muhi sa aking sarili dahil sa pag susungit ko sa kanila.
Nakaharap silang apat sa akin. Naghihintay na mag umpisa na sa pagsasalita. Napa buntong hininga ako.
"Naagaw nya kasi sa akin yung kitchen knife ko, kaya nya ako nasaksak" Yes, I lied. Ayaw ko ng dagdagan ang pag-aalala nila sa akin. Ewan ko ba, talagang may pumipigil sa akin na sabihin ang katotohanan.
"Paano naagaw sayo yun? Ni di mo nga nabitawan yung kitchen knife mo!" Singhal ni Layana. Patay. Nanood nga pala sila, nakita nila yung galaw ko.
"Oo nga, at tsaka itak yung hawak nya, kaya imposibleng sya ang sumaksak sayo" Singit ni Venus, napatingin naman ako sa kanya, agad syang nag iwas tingin at tumahimik. Binalik ko ang tingin ko kay Layana.
"Masyadong mabilis yung pangyayari eh, namalayan ko nalang, nabalik na sa akin yung kutsilyo" Buti nalang may naiisip agad akong palusot. "Kayo kumusta yung una nyong laban?" Tanong ko kay Venus at Lily, para maiba naman ang usapan. Gulat pa silang tumingin sa akin, ngunit agad ding napawi ang gulat nila nang marinig ang tanong ko.
Nakaramdam ako ng guilt kasi nagtanong pa ako. Sunod sunod na tumulo ang luha nilang dalawa. Ganyan na ganyan din kami noon.
"Akala ko mamamatay na kami nong araw na yun. Buti nalang kakampi din namin si Layana, natulungan nya kami" Tumingin sila kay, Yana at ngumiti. Pinahid nila ang mga luha nila, ngunit di pa man nagtatagal, muli na namang umiyak si Lily.
"Alam kong makulit ako samen, pero grabe naman tong parusa sa akin" Nangilid din ako luha ko sa sinabi nya. Tama sya, pero magka iba nga lang ang amin. Di naman kami naging makulit eh, wala pa kaming kamuwang muwang non.
"I kuwento nyo nga mula umpisa ang nangyari kung bakit kayo napunta dito" Si Hannah. Tumingin ako sa kanya at tumingin din naman sya sa akin. Umiling sa kanya, pinaparating ko na hindi ako sang-ayon sa kanyang sinabi. Kumunot lang ang noo nya at binalik ang tingin sa dalawa.
"Lily and I are best buddies. Actually nag cutting classes kami nong araw na yun. Gumala kami sa mall at nanood ng sine, at kung ano ano. Eight o'clock na kami nakalabas ng mall, dala ko yung car ko nong time na yun. And, nong nasa parking lot na kami, may mga lalaking naka mask na huminto sa harap namin, at first we just laughed at them. Syempre ang alam namin bata ang kini kidnap eh, but when they start pulling us, don na ako kinabahan. Hinala nila kami hanggang sa kulay puting van-"
"Baket hindi kayo sumigaw?" Putol ko sa pag ku kwento ni Venus. "Humingi ng tulong?" Pwede naman yun diba? Mall yun, ibig sabihin maraming tao.
Ngumiti ng mapait si Venus. "Ginawa namin yun Rose, pero parking lot yun, iilan lang ang tao. Doon pa kami nag parking sa hindi gaanong matao" Nawawalang pag-asa nyang sabi. Napa iwas ako ng tingen. Ang sasama talaga nila noh? Ano ba talagang kailangan nila sa amin!? Kung gusto nila pumatay, baket pa nila kami idadamay!?
"Eh kayo, pano kayo napunta dito. Baket wala kayong nahingan ng tulong?" Pare parehas kaming natigilan sa tanong ni Lily. Nagkatinginan kaming tatlo. Ngumiti si Rose at Hannah. Ibig sabihin pumapayag sila na mag kuwento tungkol sa nangyari sa amin. Tumango ako at huminga ng malalim.
Inalala ko muling ang nangyari nong araw na yun. We are just five years old back then. "Bata palang kaming tatlo, magkakasama na kami. Limang taong gulang palang kami nong kinuha na nila kami" Nanlaki ang mata ng dalawa sa sinabi ko, bahagya naman akong natawa. "Sa naalala ko, naglalaro lang kaming tatlo nang may humintong kulay puting van sa harap namin, syempre natakot kami, tumakbo kami, pero maliliit palang kami non eh, nahuli parin nila kami, tapos pag gising namin, nandito na kami. Pinag-aral, binihisan, pinakain, tinuruang pumatay" Mapait akong ngumiti. Kapag naaalala ko lahat ng nangyari nong unang araw namin dito, naaawa ako sa sarili ko.
"Di nga namin maalala pamilya namin eh. Di na namin maalala ang itsura nila o kahit na ang pangalan nila. Pangalan nga namin di pa kami sigurado eh" Dinaan pa ni Yana, sa biro ang sinabi nya, pero di kalaunay tumulo narin ang luha nya.
"Ang naalala lang namin, Ako si Hannah Hope Anderson, sya naman si Rose Lopez, at sya naman si Layana. Di nya matandaan ang last name nya" Malungkot na kuwento ni Hannah. Naramdaman ko naman ang panunubig ng mata ko. "Yang mall na sinasabi nyo, di pa kami nakaka punta sa ganyan. Kaya nga masuwerte parin kayo, kasi kahit papano, nakilala nyo ang mga magulang nyo, at naka pag gala pa kayo" Sa sinabing yun ni Hannah, tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"Tama na nga ang iyakan!" Tumatawang sabi ni Venus, habang nagpapahid ng luha. "I de describe ko kung ano ang itsura ng mall!" Masaya nyang sabi. Nakuha nya naman ang interes namin.
"Sige!" Sabay sabay naming tatlo.
"Malaki sya" Umpisa ni Lily. "Tiles yung loob, sa first floor, puro restaurant at fast food ang makikita mo. Sa second floor naman, nandon yung mga botique, like clothes, shoes, make-up, and anything! Girls stuff!""
"Nasa third floor naman ang game zone at sinehan!" Dugtong pa ni Venus. Iniisip ko palang sa isipan ko ang sinasabi nila. Masasabi ko ngang napaka ganda ng mall.
"Ang ganda nga, pag nakalabas tayo dito! Pupunta agad ako sa mall!" Masayang ani ni Layana. Natawa din ako at sumang-ayon. Dapat nga naming mapuntahan ang mall na yan.
"So friends na tayo!?" Masayang tanong ni Lily. Ngumiti kaming tatlo at sabay sabay na tumango. Pumalakpak naman si Lily. Tumayo sya at naglahad ng kamay sa harap namin. "I'am Anica Lily Bautista! You can call me-"
"Anica!" Si Hannah na ang pumutol sa sasabihin nya. Tumawa naman si Lily-Anica-at tumango.
"If that's what you want! Anica!" Isa isa kaming naki pag kamay kay Anica. Tumayo din Venus at naglahad ng kamay sa amin.
"Thraia Sandoval, Venus nalang"
"Teka! Pano ka naging Venus, kung Thraia, lang ang pangalan mo?" Layana. Matanong talaga sya. Lagi kasi syang curios sa mga bagay bagay.
"Pangalawa kasi ako saming siyam na magkakapatid. And we have nine planets! That's why they called me Venus, instead of Thraia!" Mahaba nyang lantiyata. Tumango tango lang kami, pero di parin tapos mag salita si Layana.
"Magmula ngayon! Thraia na ang itatawag sayo!" Napailing ako sa sinabi nya. Kakaiba talaga takbo ng utak.
Tumango tango lang si Thraia, at katulad kay, Anica, nakipag kamay din sya sa amin.
"Friends!?" Tanong ni Hannah. Tumango naman ang dalawa.
"Best friends!" At group hug sila. Sabay sabay pa silang tumingin sa akin na parang inaantay ang pag lapit ko sa kanila. Wala na akong nagawa at sumama na sa group hug nila.
Nong araw na yun, ang dating tatlong magka kaibigan, ay lima na ngayon. Sabay sabay pa kaming nag dinner at nagpa alam na sa isa't isa na matutulog na dahil may klase pa pala kami bukas, at um absent lang sila kanina.
Mga kupal talaga.
Maganda kayang pangyayari ang pagkakaroon ng maraming kaibigan? O baka naman ito pa ang magdala sakin sa kapahamakan?
Bahala na.
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Actionᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...