Chapter 4: Meeting Again
Layana's POV
Naging normal na ang araw namin. Nalagpasan din namin nong nakaraang araw ang fighting day (kung saan maglalaban laban ang mga estudyante, tuwing weekend) Sa mga nagdaang araw din, ay mas lalo kaming naging close nina, Thraia at Anica. Mabait sila at makulit, kung kaya't masaya sila kasama.
Naka upo ako dito sa field. Nililibot ko ang tingin ko sa buong paaralan namin. Oum, paaralan ang Angel Academy, ngunit para sa akin isa itong impeyerno. Sa pagkaka-alam ko ay saklaw 'to ng gobyerno. Ngunit ako'y tila naguguluhan sapagkat kung saklaw ito ng gobyerno, bakit walang sumasaklolo sa amin?
Mas magandang wag ko nalang isipin ang patungkol sa Angel Academy, kahit naman kasing anong gawin ko! Di na talaga kami makaka labas pa rito.
Sa sobrang bored na nararamdaman ko, umalis ako sa field at pumuntang library. Mahilig ako sa libro, hindi libro ng history or chemistry. Manga na libro. Meron kasi sila non sa library.
Lumapit ako sa librarian na si Ms. Macapuno, ngitian nya naman ako at inabot sa akin ang log book. Kilala na ako ni miss dahil na din sa madalas kong pag punta rito at panghihiram ng libro.
Nang matapos kong ilagay ang aking pangalan, edad, at seksyon, binalik ko kay miss ang log book at nag umpisa na akong maghanap ng magandang libro. Sinasayad ko ang kamay ko sa bawat libro na madadaanan ko. Nang may mapili na ako, akma ko na itong kukunin ng may tumapik ng kamay ko, at kinuha ang natipuhan kong libro. Galit kong tinignan kung sino man ito!
Kailangan ko pang tumingala para lang makita ang mukha nya, matangkad kasi sya, at di ako nabiyayaan ng katangkaran. Nakasalamin ito na bilog, nerd? Ako rin naman naka salamin, pero 'di ko tinatawag na nerd ang sarili ko, hindi naman ako matalino. Sakto lang ang pagkaka tangos ng ilong nya, at may mapupula syang labi. Hindi sya kaputian ngunit masasabi kong sumakto ang kulay nyang moreno sa kanyang mukha.
"Tapos ka na?" Binaba nya ang tingin nya dahilan upang magsalubong ang aming mga tingin.
"Huh?"
"Are you done staring at me?" Malumanay nyang tanong. Ang ganda ng boses nya sa pandinig ko, tila nakaka buo ako ng musika gamit ang mahigawa nyang salita.
Napatingin ako sa kamay nyang hawak hawak ang libro ko! Sinamaan ko sya ng tingin. "Ako po kasi ang nauna jan" Turo ko don sa libro. "Kaya wag mo sanang mamasamain, kung kukunin ko!" Hinatak ko ang libro mula sa kamay nya, pero sobrang bilis nya at agad itong nabawi. Parehas kaming naka hawak sa dulo ng libro. Nagbato kami ng masasamang tingin sa isa't isa. "Ako, ang nauna" Matiim kong saad.
"Pero ako ang naka kuha" at hinatak nya ito. Di naman ako nag pa talo at hinatak ko ito pabalik sa akin.
"Hawak hawak ko na toh! Pero kinuha mo!" Talagang napa lakas na ang pag sigaw ko. Mabuti nalang at nandito sa parte ng library na hindi gaanong matao.
Mas malakas ko pang hinatak ang libro. Nakipaglabanan talaga ako sa kanya ng masamang tingin. Ngunit nanlaki ang mata ko ng bitawan nya ang kabilang dulo ng libro. Babagsak ako!
Pinikit ko ang mata ko at inantay ang pag bagsak ko. Ilang segundo na ako pumikit pero wala parin akong maramdang sakit. Dahan dahan kong dinilat ang isa kong mata. Sabay na nanlaki ang dalawa kong mata sa sobrang lapit ng mukha ng lalaking kumuha ng libro ko.
Wth? Baket sobrang lapit ng mukha nya!? Na pipi ako. Nakatitig lang ako sa kulay abo nyang mga mata. Hindi makagalaw.
Inalalayan nya ako patayo at saka ako tinalikuran. Yun na yun!? Tatalikuran na agad ako!?
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Actionᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...