ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 7

154 16 0
                                    

Chapter 7: Count on Me

Rose POV

Nakatitig lang kami sa isa't isa at walang nagsasalita. Di ko parin binibitiwan ang nakatutok na bente nuebe sa kanyang leeg.

"Hindi ka marunong tumupad sa usapan, Jupiter. Kumbaga sa basura, madumi. Madumi kang mag-laro. At iyon ang ayaw ko sa lahat! Hindi ka patas!"

Talagang mas idiniin ko pa sa kanyang leegan ang bente nuebe. Wala akong kahit na anong narinig mula sa kanya. Wala ni isang salitang lumalabas sa bibig nya. Tahimik lang syang nakatitig sa akin.

"Walang patas sa mundo, Rosas. Walang patas" Nakangisi nitong sabi. Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Rosas!? At kailan pa ako naging Rosas!? "Ang ganda mo pala pag galit? Lagi nalang kaya kitang galitin, para lagi kang maganda" Di nawala ang ngisi na naka guhit sa kanyang mapupulang mga labi.

Umakyat naman lahat ng dugo ko sa ulo. Hindi ako nandito para makipag bolahan sa kanya! Nandito ako para iganti si, Anica. At gagawin ko iyon ng dahan dahan.

"Di mo ako mabobola." Malakas ko syang sinikmuraan. Napahawak sya sa kanyang sikmura, at hindi pa man sya tuluyang nakaka bawi hinatak ko pataas ang kanyang kuwelyo at buong puwersa na sinuntok sa mukha. Binigyan ko sya ng tuloy tuloy na suntok hanggang sa napahiga sya sa sahig. Pumatong ako sa kanya at pinaulanan na naman sya ng masasarap na mga sapak. Nilabas ko muling ang bente nuebe at pinaikot sa ere. "Wahhh!!" At sinaksak ko ang kanyang parteng tiyan. "Para kay Anica!" Inangat ko muling sa ere ang bente nuebe, handa ko na itong itarak muling sa kanyang tiyan nang may kamay ang pumigil sa akin.

"Once is enough" baritono nitong ani. Napatitig lang ako sa mga magaganda nitong mga mata. "Twice is more than enough" at malakas nya akong tinulak, dahilan upang mapa higa ako sa lupa.

Tinayo ako ng dalawang lalaki at hinawakan sa magka bilang kamay.

"Tulungan n'yo sya. Mayayari tayo kay big boss pag nalaman niyang nasaksak si Jupiter" Ang isang lalaking may kayumangging kulay naman ang nagsalita. Agad na sumunod ang iba sa sinabi nya at sabay sabay na inalalayang tumayo si Jupiter.

Tahimik lang akong pinagmamasdan ang mga kilos nila. Kulang pa ang isang saksak. Di pa ako kontento sa ginawa ko sa kanya.

Lumapit sa akin ang lalaking may kulay na kayumangging balat. "Kay ganda ng iyong mukha, ngunit lumihis ang pag-uugali mo"

"I**m*" talagang hindi ko ipanakita sa lalaking kaharap ko ang kabang sumidhi sa aking dibdib.

"Hindi mo ba kilala iyong sinaksak mo?"

"Kilala"

"At bakit mo pa tinuloy ang pagsaksak sa kanya, kung gayong kilala mo naman pala sya"

"Muntik nya ng patayin ang kaibigan ko. At dapat lang sa kanya yun! Kung tutuusin! Kulang na kulang pa ang isang saksak!" Sunod sunod akong naghabol ng hininga matapos ng aking pag sigaw. Humigpit ang pag hawak ng dalawang lalaki sa magka bilaan kong braso.

"Mali ka. Dahil sobra na iyon" at isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Talagang tumalsik pa ang ulo ko pakaliwa.

Di ako nagpatinag at taas noong binalik ang paningin sa kanya. "Yun na yun?" Nakangisi, nanghahamon, mayabang, kong tanong. "Ang hina" Matalim ko syang tinitigan. Nakipag titigan din sya sa akin ng masama pabalik.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon