ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 19

112 8 0
                                    

Chapter 19: Plan C

Anica's POV

Nakapangalumbaba ako sa upuan ko. Nasa klase ako at walang kahit na ano ang pumapasok sa utak ko. Gusto niyo ba malaman kung bakit?

Ayoko nga!

Jwk, kahit naman ayaw kong malaman niyo, malalaman niyo rin naman.

Pasimple akong tumingin sa katabi ko. Seryoso lamang siyang nakatingin sa nagtuturo na teacher.

Binalik ko ang tingin ko sa bintana nang lingunin ako nito. Malakas ba talaga ang pakiramdam niya? Kapag may tumitingin sa kanya lilingunin niya kaagad.

Nanlaki ang mga mata ko nang mahagip ng dalawa kong mata ang dalawa kong kaibigan. Kasama ni Thraia si Titus, at mukhang sweet na sweet sila sa isa't isa.

Nakuu ka talaga Thraia.

Tumingin din ako kay Hannah na tumatakbo sa field, at hinahabol si-Rym!?

Ginagawa niya na ang plan B!? Ang bibilis naman nilang kumilos.

"Baustista! I said, give me the definition of photosynthesis!" Gulat ako napatingin kay mam. Umuusok na ang dalawa niyang ilong at masamang nakatingin sa akin.

Tumayo ako. Nangangatog ang dalawa kong paa. "Ma-ma'am?" Utal kong tanong. Umirap naman siya sa akin at ngumiwi.

"Photosynthesis! What is photosynthesis!" Mariin nitong sigaw. Napapikit nalang ako. Hindi ko din alam kung anong ibig sabihin ng photosynthesis. Nag ka cutting kaya kami ni Thraia, sa dati naming school. Ano bang malay ko sa photo photosynthesis na yan. Baka naman picture-photo-eh ano ang synthesis?

Dinilat ko ang mata ko at isang papel ang nakalagay sa table. Malalaki ang letra nito kaya nagagawa kong basahin.

PHOTOSYNTHESIS
-IS THE PROCESS WHICH GREEN PLANTS AND CERTAIN OTHER ORGANISMS TRANSFORM LIGHT ENERGY INTO CHEMICAL ENERGY.

Matapos kong magsagot ay nahihiya akong umupo. Tumingin ako sa katabi kong nakatingin narin pala sa akin. Walang kahit na anong emosyon sa mukha niya.

"T-thank y-you" Utal kong sabi at agad na umiwas ng tingin, naramdaman ko kasi ang pag init ng pisnge ko. Sa simpleng tingin niya palang ay namumula na ako.

Nagpatuloy na sa pagtuturo si ma'am. Nakikinig na din ako sa kanya dahil baka tawagin na naman niya ako. Pero sa pakikinig ko ay sobrang naiilang ako. Ramdam ko na may kung sino ang nakatitig sa akin. Tumingin ako sa katabi ko, at tama nga ang pakiramdam ko, tinitigan ako ni Sam! Si Sam, nakatitig sa akin!

"B-bakit?" At namula na naman ang pisnge ko.

"Sumama ka sa akin" Taka akong tumingin ng tumayo siya.

"S-saan?" Di na ako tumingin sa kanya para hindi na ako mamula.

"Basta" Inis niyang sagot. Ang bilis niya talaga mainis. Malaki man o malaking bagay, mabilis talaga siyang mainis.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at basta nalang akong hinatak patayo sa kinauupuan ko. Napatigil sa pagtuturo si ma'am at napatingin ang lahat ng mga kaklase namin sa gawi namin. May mga iba na napasinghap at may mga ibang nagbubulungan.

"Mr. Apheus? What is happening? Did Ms. Bautista do something wrong?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni ma'am. Masama pa siyang nakatingin sa akin.

Sunod sunod akong umiling. "Wala po! Wala po! Wala po!" Sagot ko. Inirapan lang ako nito.

"I'm not asking you" pabarang sagot nito sa akin. Nahihiya na naman akong tumungo.

Angel Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon