Chapter 5: One Group
Hanna's POV
"Argh! Kairita! Napahiya ako don sa ginawa nong lalaking yun! Bigla nya ba namang bitawan yung libro, tapos-"
Napapikit ako ng mariin sa mga tinuran ni Layana. Handa naman akong makinig sa mga kuwento nya! Ang nakakainis lang, pang limang beses na sya nagpapa ulit ulit sa pag ku kwento. May lalaki daw na biglang nang agaw ng libro sa kanya.
Napaka laki ng problema nya!
"Gwapo ba yang sinasabi mong lalaki?" Parang kinikilig pa si Thraia. Seryoso!? Halos sa mga nag daang araw, mas nakilala ko si Thraia at Anica. Si Thraia, ay medyo maharot. Hindi! Tanggalin natin yung salitang medyo, hehehe, maharot talaga sya. Si Anica, naman ay mataray, pero pag kami ang magkaka sama, hindi naman nya kami tinatarayan.
"Pagpa sensyahan nyo na talaga itong si Thraia, ah! Ganto na talaga to, kahit nong wala pa kami dito sa, Angel Academy." Paghingi nito ng paumanhin para sa kaibigan. Umiling nalang at ngumiti. Tanggap ko sila kahit pa anong ugali nila. Ang mahalaga, wala silang intensiyon na sirain kami. "Thraia, naman kasi! Wala kang ibang bukang bibig kundi, gwapo! Panay guwapo!" Natawa ako sa itsura ni Anica, habang sinasaway nya si Thraia, kinurot nya pa ito sa tagiliran.
"Sa totoo lang, hmm, ano, oo-" Nahinto sa pagsasalita si Layana, nang biglang bumukas ang pinto at tumambad doon ang nag-aalalang mukha ni, Rose.
Ano naman kayang nangyari sa kanya?
"Anong problema mo, at ganyan ang itsura mo?" Tanong ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang leeg. Sinusuri ko kung may sakit sya.
"Wala akong problema at mas lalong, wala akong sakit" Mahina nitong bulong. Pagod na pagod.
Ano ba kasing ginawa nya, at pagod na pagod sya? Siguro nag ensayo na naman ito. Alam ko kasi na nag e-ensayo sya palagi sa likod ng building ng school. Minsan ko na kasi syang nakita doon. Ngunit grabe naman ang pagod nya ngayon.
Namewang ako sa harap nya. Tinignan ko sya sa nag-aalala na ekspresyon sa aking mukha. "Wala ka bang nararamdaman?"
Umiling lang sya sa akin at tumingin sa mga kaibigan namin na naka-upo lang sa sahig at nakatingin lang sa gawi namin.
"Kayo? Ayos lang kayo? Wala bang sumugod sa inyo?" Nangunot ang aking noo sa kanyang sunod sunod na pagtatanong. Sigurado akong may problema sya. Kailangan kong malaman iyon. Kilala ko si Rose, di sya nagsasabi ng problema sa amin, mas gusto nyang sarilinin ito.
Tumayo narin ang tatlong naka-upo at lumapit sa amin.
"Eh ikaw, Rose? Are you sure, you're ok?" Matigas na englis ni Anica. Tumango naman si Rose, bilang sagot. "Kahit 'di kita lubusang kilala, I know you have a problem" pare parehas kaming sumang ayon sa tinuran ni Anica.
"Puwede ka namang magsabi sa amin, Rose. 'di tayo ganoon katagal na magka kaibigan, pero mapag sasabihan mo kami ng problema" Mahabang sinabi ni Thraia. Napa hanga nya ako sa kanyang sinabi, kahit may di kanais nais syang pag uugali ay mararamdaman mong tunay syang kaibigan. Masaya ako doon.
Napa buntong hininga naman si Rose, at tumango. Umupo sya sa sahig na agad naman naming sinundan.
"May lalaking humarang sa akin na nag ngangalang, Jupiter-"
BINABASA MO ANG
Angel Academy
Aksiᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴀɴɢ ᴋɪɴᴀ ɢᴀɴᴅᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɢᴀʟᴀɴ ɴɢ ᴘᴀᴀʀᴀʟᴀɴ, ᴀʏ sɪʏᴀ ɴᴀᴍᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀʟɪᴋᴛᴀʀᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴇsᴛᴜᴅʏᴀɴᴛᴇ ɴɪᴛᴏ. ᴍɢᴀ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ ᴋᴜɴɢ sɪʟᴀ ᴀʏ ᴛᴀᴡᴀɢɪɴ. ʙᴀᴛᴀ ᴘᴀ ʟᴀᴍᴀɴɢ sɪ ʀᴏsᴇ, ᴀʏ ɴᴀʀᴏᴏɴ ɴᴀ sɪʏᴀ sᴀ ᴀɴɢᴇʟ ᴀᴄᴀᴅᴇᴍʏ. ɪᴛᴏ ᴀɴɢ ɴᴀɢsɪʟʙɪ ɴɪʏᴀɴɢ ᴛᴀʜᴀɴᴀɴ sᴀ ʟᴏᴏ...