Chapter 29

33 22 1
                                    


Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock sa cellphone ko. Agad akong pumuntang banyo para maligo at gawin ang morning routine ko. Inaayos ko yung mga school paper na kung saan ako mageenroll ako na lahat ang nagaasikaso ng mga iyon.

"Your here na pala anak. Si Malrick nasa kotse niya na inaantay ka." Nang makarinig ako ng busina sa labas binilisan ko nalang ang pagkain ko at diretso nako nagtoothbrush nang matapos iyon. Lumabas nako ng bahay nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya at nakapamulsa pa.

Hindi ko siya pinansin at umupo nako sa passenger seat.

"Hey, Alliana? What's wrong with you?" ilang beses niya na kasi akong tinatawag pero hindi parin ako kumikibo. Naiinis pa din ako kaya lang nadamay siya hays. Nilabas ko yung cellphone ko at pinakita sakanya yung litrato.

"Tell me who is this?" masungit kong sabi sakanya.

"Alliana..."

"Si Ms. Park ba?" napailing ko pang sabi ng hindi siya makasagot sa akin.

"Sino ba kasing nasend sayo niyan? Amin na nga." Nang makuha niya yung cellphone ko binasa niya muna yung text message tsaka niya binigay sa akin pagkatingin ko binura na niya.

"Let me explain that okay?" Pagkasabi niya nun nagpark kami sa isang coffee shop at doon kami sa loob ng kotse niya nagusap.

"Wala ng namamagitan sa amin at kung meron man magkaibigan na lang kami nun. Baby, wala kang dapat ikaselos, okay?" he ruffled my hair and he kissed me on the top of my forehead. At sa isang ganon lang ni Malrick sa akin nawala agad ang inis ko doon. Grabe naman kasi Alliana eh.

"Let's go. Malalate ka na sa gagawin mo sa school." nakangiting sabi niya tsaka niya pinaandar itong kotse. Simula ng maging kami ni Malrick hindi ko na ginagamit ang kotse ko ang sabi niya kasi gusto niya lagi akong kasabay at ganoon din ako sakanya.


***

Wala pang isang oras ng matapos ko lahat ng ilang requirements. Si Malrick nasa kaibigan niya andoon sila sa cafeteria. Si Layla ito kanina pa tahimik paano ba naman hang-over niya kaya medyo wala pa siya sa wisyo bagong gising lang kasi niya.


"Hoy!!! Ano? Earth to Layla!" bigla naman siyang napatingin sa akin. Nakita ko ang papalapit sa amin na lalaki hindi ko pa man siya kilala ng malapitan alam kong isa ito sa kilala ni Layla.

"Maiwan na muna kita ha. May kukunin lang ako sa classroom natin bye." paalam ko sakanya.

"Alliana! Hoy! Alliana Jayce! Ang babaeng yon talaga!" nang tignan niya ang lalaking nasa harapan niya. Nakita ko pang inisnaban niya ito. Si Layla talaga may topak din ata.


Pagpunta ko sa classroom narinig ko ang usapan nila. Oo, alam kong sila Malrick iyon.


"Kailan mo ba sasabihin sakanya?"

"Andaya mo pare, sabi mo walang sikreto. Lalayo kana?"

"Iiwan mo na kami? Di mo na kami love?"

"Dre! Ano ba naman iyan akala ko ba sabay-sabay tayong mageenroll."

Ilan lang iyon sa narinig ko. Napahinto pa ako sa sinabi ni Malrick.

"Kahit naman magkakalayo tayo tatawagan ko parin naman kayo mga tukmol hahaha! Basta kayo ah! Huwag niyong pababayaan si Alliana. At huwag na huwag kayong gagawa ng masama sakanya. Kung hindi! Malalagutan kayo sa akin."

"Oo na! Oo na!" sagot pa ng isa sa mga kaibigan niya.

"Eh sinabi mo na ba sakanya?" tanong ng isa niyang kaibigan.

"Nasabi ko na sakanya. Ang balak ko sana...."
Hindi niya na tinuloy ang sasabihin niya ng kumatok ako at pumasok sa loob ng classroom.

"Uhm tapos na ko sa requirements ko."

"Uuwi kana?" tanong niya. Tumango naman ako pero hindi ko pa talaga balak umuwi sa bahay. May sasabihin kasi ako sakanya.

"Dito na kami." paalam niya sa mga kaibigan niya. Kasama niya nga pala sila Josh at Shaun. Malrick's closest friend.


Nagsimula ng magdrive si Malrick naglunch muna kami sa isang coffee shop na paborito namin umorder siya ng dalawang white pasta and burger and drinks.

"Ano nga pala yung sasabihin mo kina Josh at Shaun?" tanong ko sakanya habang kinakain ko yung burger na inorder niya.

"Ah yun ba? Wala iyon." pagtatanggi naman niya kesa mapunta sa topic na iyon iniba niya ang usapan.

Alam kong may sasabihin siya sakin pero hindi ko nalang pinansin dahil siguro ayaw niya pang sabihin. Ano naman kaya iyon? Nagpaabot kami ng hapon at doon naman kami sa rooftop pumwesto.

"Maybe this our last na magkasama tayo." bigla namang niyang sabi. Huh? Anong last dinner? Last sama?

"Anong ibig mong sabihin? Aalis kana?" takhang tanong ko pa sakanya.

"Oo but before I left I want you to wear this necklace everyday, okay?" Ano na naman itong paandar ni Malrick. Nang isuot niya sakin yung necklace bigla nalang tumulo yung mga luha ko na ewan ko kung bakit bigla nalang tumulo ang mga luha kong ito siguro dahil aalis na siya at hindi ako handa sa mga ganito.

"Bakit naman biglaan akala ko ba hindi ka pa aalis. Malrick naman eh." pinunasan ko pa ang mga luhang papatulo na at saka ko humarap sa buong kabuuang view na nasa harapan ko.

"Sabi mo hindi ka pa aalis. E, ano ito, Malrick?" naiiyak ko pang saad sakanya. I hate when people saying they leave masakit sa akin kasi pwedeng hindi sila makabalik at dahil mabilis akong maattach sakanila and I hate it lalo na't nangyari ito ngayon. 

"Di ba nagusap na tayo tungkol dito love tapos ng lakarin nila Mommy yung papeles ko papuntang LA at baka sa month na ito makauwi na ako. Nagpabook narin sila isang tawag nalang sakin pwede nakong pumunta doon." hinawakan niya ang kamay kong nasa railings at nakatitig sa akin.

"Hey don't worry araw-araw kitang tatawagan, kakamustahin. Alliana." bigla ko siyang niyakap at binaon ang sarili ko sa leeg niya.

"Babalik ka ha? Kasi kapag hindi ka bumalik sa akin itutuloy ko yung sinasabi nilang engagement namin ni Tyron dati na hindi na tuloy kaya promise me na babalik ka?"

"Nanakot pa nga." bulong niya natawa ko ng bahagya sa sinabi niya. And then he said...

"Promise babalik ako sayo. Malay mo pagdating ko sirain ko pa engagement ninyo joke basta babalik ako okay? Then pagbalik ko may surprise ako sayo and that's a secret." at may pakindat sa dulo.


Matapos ang madramang paalam sa rooftop maayos naman niya kong naihatid sa bahay. And that night matagal kong tinitigan ang binigay niya sa aking gold necklace na may pendant na initial na pangalan ko na 'A' ang nakaukit sa likod nun ay may nakasulat na 'lliana' yung sumunod sa 'A' ko na mga words ang ganda kasi pinagawa niya talaga. 

Ayon na nga siguro ang huling kita namin ni Malrick kasi kinabukasan din nun mas naging abala ko para sa school year na darating. At nung time na ito hindi na kami nagkikitang dalawa through text, call and update nalang ang ginagawa namin sa isa't-isa.

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now