Chapter 32

39 22 0
                                    

[Now Playing: TAKE ME TO YOU by GOT7]

***

"Malrick?"

Nagulat pa ako na nandito siya sa opisina ni Daddy. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya tumawag at nagtext sa akin.

"Binisita lang kita. Ang laki pala nitong kompanya niyo." sabi pa niya sabay tingin sa paligid. Yung ibang tao dito ay nakatingin na sa kanya.

"Ah let's talk inside of my office." inangkla ko pa talaga yung braso ko dahil naistorbo niya ang mga empleyado dahil sa presensiya niya.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong sakanya. Dahil kahit nitext man lang ay wala akong nareceive galing sakanya kanina nalang.

"Dinaanan lang kita tsaka may binigay ako kay Tito. Aalis narin ako." lalapit siya na sakin para bumeso...pero inunahan ko na siya ako na mismo ang dumikit sa pisngi niya to give him a kiss in his right cheek. Naiwan siyang tulala dahil doon nang magring ang phone niya tsaka na siya lumabas nitong opisina ko.

- - -

"Totoo? Naku! Alliana! Mygosh. HAHAHA! Eh di ikaw na." biro ni Layla sa akin. Nandito kami ngayon dahil ininvite niya kami ni Malrick sa birthday ng boyfriend niya at pagpapakilala sakanya sa pamilya ng boyfriend niya.

Iba na si Layla nung nakilala niya si Austin yung boyfriend niya na mahilig din gumimik katulad niya. Yung birthday ng boyfriend niya ay puro family lang ang inimbita niya. Andito rin yung ate niya na si Ate Leyah at ang parents niya.

"Oh my gosh Alliana! Ikaw na ba iyan? Ang ganda mo talaga." beso sa akin ni Ate Leyah.

"Ate, Si Malrick po, boyfriend ko." pagpapakilala ko kay Ate Leyah kay Malrick.

"Oh nice meeting you." nakipagbeso din siya kay Malrick. Naging maganda naman ang mood nitong birthday ng boyfriend ni Layla.

"So guys, I hope you did not aware of this. May I speak to Layla's parents." nakangiting sabi ng boyfriend ni Layla.

"Babe, what?" halatang hindi alam ni Layla ang nangyayari.

"Tita, Tito. Andidito po ako para sabihin sainyo na. I want to give the best of her. I want her to become my wife. Gusto ko pong pormal na i-anunsyo po sainyo na gusto ko pong pakasalan ang anak ninyo." What is the meaning of this? This time ako rin ang nagulat. May kinuha sa bulsa si Austin yung box na maliit na kulay pula.

"Natasha Layla Juarez, I know these fast few days before my birthday happened nagkatampuhan pa tayo at agad naman din tayong nagkaayos. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Andidito ko para sabihin sa lahat na itong anak po ninyo ay gusto ko na pong maging asawa ko pang habang buhay. Tito, Tita sana po pagayagan po ninyo ako hayaan niyo po akong maipahayag po kay Layla ang pagmamahal ko po sakanya ng buong-buo at hinding-hindi ko po siya iiwan." mahabang sabi Austin ang soon to be husband nitong si Layla.

"Hoy, babe! Ano ba ito? Ano bang meron?" naguguluhan na tanong ni Layla. Wala talaga siyang kaalam-alam halatang planado lahat ito ni Austin. Si Austin Rayco Del Fierro siya ang boyfriend ni Layla sobrang tagal nadin nila since nung kakaopen palang ng bar noon ni Layla ay sila na nitong si Austin nakakatuwa lang kasi nakikita mo yung genuine happiness ni Layla kapag kasama si Austin.


"Uulitin ko. Natasha Layla Juarez, Can you be my wife through bars and downs?" bahagya pang natawa si Layla sa sinabi nitong si Austin.

"Yes!" nakangiting sabi ni Layla sakanya sabay lagay ni Austin ng singsing kay Layla.

I'm happy for Layla. She finally found her own happiness and that's Austin her soon to be husband.

"Masayang-masaya ko para sayo, Layla." nakangiti kong sabi sakanya sabay yakap.

"So kailan ka naman?" bulong ni Layla sa akin. Pabiro ko siyang hinampas dahil sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko pa naiisip yung mga ganyan basta sa ngayon masaya ko kung ano kami ngayon ni Malrick. At sobrang saya ko dahil sa wakas engage na ang friend ko.

Nagsilapitan na ang mga magulang nila Layla at niyakap siya pagkatapos nun ay nagpicture-picture sila syempre kasama din kami haha! Sobrang saya lang dahil alam ko kung ano ang mga pinagdaanan nitong dalawang ito.

"Alliana! Kayo na next ni Malrick ah." nakangising sabi sa amin ni Layla.

Umiling nalang ako at ipinagwalangbahala ang sinabi niya. Hanggang sa lumapit itong si Malrick sa akin at may binulong.

"Paano iyan tayo daw next." nakangiti nitong sabi sa akin.

"Tawag na tayo magpipicture na daw." hila ko sakanya papunta doon kung saan nakapwesto ang dalawa na nakangiti sa amin.

Nang magsimula na ang pagkuha sa amin ng litrato ay kung anu-anong wacky ang mga kuha namin nagbibiruan kasi itong si Layla at itong si Malrick na sinabayan pa ni Austin inaasar nila ko dahil sabi ni Layla ako daw ang next. Jusme! Kapag itong tatlo talaga nagsama kawawa ako eh dahil ako lagi ang kaasaran nila.

Madali lang natapos ang birthday na iyon ni Austin pinagstay kami ni Layla sa mga guest room na katabi lang ng bahay nakalocate. Hindi parin nila alam kung kailan yung kasal dahil hindi naman nila minamadali ang lahat.

Hanga din naman ako sa katatagan nitong dalawang ito dahil sobrang pokus sila sa trabaho dahil mga business naman ang kanilang pinagkakaabalahan kaparehas lang din ng sa amin.

"Basta next kayo na ni Malrick ah. Itataga ko talaga yan sa bato!" nakangiti pang sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung seryoso ba siya doon or what pero bahala sila.

"Ay nako, Natasha Layla! Kayo muna sa ngayon at wala pa akong balak sa ganyan dahil busy ako sa mga paparating na negosyo ko. Okay!" sabi ko sakanya sabay inom nitong iced tea. Nandito kami ngayon sa tabing dagat at nagpapahangin kaming dalawa.

Napagdesisyunan naming magusap na dalawa dahil wala kaming matinong usapan kanina bukod sa busy sila kakabati sa mga bisita kaya hindi rin ako nakapaghanap ng tiyempo para magusap kami ni Layla.

Kaya ito nasa tabing dagat kami ngayon.

"Si Tyron kaya kamusta na? Wala na akong balita doon sa kaibigan mong yun." pagiiba naman niya ng topic.

"Nasa states daw siya ngayon sa pagkakaalam ko kasi di ba nga tinapos niya lang yung semester dito pero ngayon nasa states siya panigurado." sabi ko naman.

Nakita kong tinitigan niya yung singsing niya.

"Ang ganda bagay sayo." nakangiting sabi ko.

"O, eh bakit ka umiiyak?" nagtatakhang tanong niya.

"Wala masaya lang ako para sayo. Alam ko na andami niyong pinagdaanan ni Austin. Wala ito okay hahaha! I'm so happy for you, Layla." nakangiting sabi ko sakanya.

Niyakap naman niya ko at narinig ko din ang paghikbi niya pinat ko lang yung ulo niya pinunasan naman niya yung luha niya at humarap sa akin.

"Thank you, Alliana. Thank you for staying. Thank you dahil nandyan ka parati para sa akin. I love you!" nakangiting sabi niya sabay yakap ulit sa akin.

"Hoy! Ikaw maid of honor ko ah. Soon." pahabol pa na sabi niya.

Nang matapos ang eksenang yon pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto at ako ay ginawa na ang night routine ko dahil bukas na rin ang alis namin pauwi sa mga bahay namin dahil bukas trabaho na ulit. 

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now