Chapter 44

22 8 0
                                    


Chapter 44


Ilang araw lumipas yung nangyari sa rooftop restaurant pinokus ko yung sarili ko sa trabaho ko minsan work from home at minsan nasa office ako ganon ang routine ko. Wala na akong contact sakanya and I decided to off my social media accounts panay text at tawag na lang kami ni Layla at Sheena.



Nakipagkita ngayon sakin si Tyron kakauwi niya lang dito sa Pilipinas. Nagsuot lang ako ng white crochet top at jeans nagdala lang ako ng small black shoulder bag.


Nagmessage na ako kay Tyron at sinabing papunta na ako sa coffee shop na lagi naming pinagkikitaan hindi ko na hinintay yung reply niya sa akin matagal ko na siyang hindi nakikita kasi bumalik siyang LA at pinagpatuloy ang pagaaral niya doon ngayon na lang din ulit kami nakapagusap nauna pa ako sakanya at eksaktong paginom ko ng strawberry frappe ko ang pag ngiti sakin ni Tyron mukhang ang saya niya nakakahawa yung ngiti niya.



"How are you, Alliana?" sabi ni Tyron sakin.

"I'm good, kakatapos lang ng work ko. Ikaw?" nakangiting sabi ko dito.

"Ayos lang. Nakapagusap na kayo?" nasamid ako sa sinabi niya napailing na lang ako sakanya.


"Gusto mo ako kumausap sakanya?" seryosong sabi niya.


"Hindi na, Tyron." sagot ko sakanya mukhang okay naman sakanya nagpatuloy lang siya sa pagkuwento kung anong mga ginawa niya sa LA isa siya sa pinaka close friend ko siya lang ata ang lalaking kilalang kilala ako dahil na rin siguro magkaclose ang parents naming dalawa.



Nagkamustahan kaming dalawa at maya maya lang din ay nagaya na akong umuwi ihahatid na lang daw niya ako gamit ang kotse niya.



Ganito ang routine namin ni Tyron kapag nakauwi na siya dito sa Pilipinas talagang makikipagkita siya sa paborito naming coffee shop na hindi niya makalimutan mga ilang linggo lang din siyang nandidito magbabakasyon lang talaga siya at para bisitahin narin ang iba niyang relatives dito.



Nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagmessage sakin.


From: Layla
Alliana?
Busy ka tom?
Kita tayo nila Sheena.
Treat ko.

Agad naman akong nagreply sa message ni Layla. Namiss ko din itong isang ito!

To: Layla
Oo naman.
Sige, kitakits!

Nilagay ko na sa shoulder bag ko yung cellphone ko.


"Dito na lang, Tyron. Thank you!" nakangiting sabi ko sakanya bago pa ako bumaba ng kotse niya hinalikan niya ako sa noo ko.


"You're welcome. Anytime? Okay?" nakangiti pang sabi niya sakin bago niya paandarin yung kotse niya.




Binuksan ko na yung gate at dumiretso na papasok ng bahay pagkaakyat ko sa taas ng kwarto ko sumampa agad ako sa kama. Grabe! Yung ilang araw na yon andito pa rin yung sakit. Ang sakit pa din. Iniiwasan ko na nga yung mga bagay na nakakapagpaalala sakanya para makalimutan ko na rin siya pero kahit anong gawin ko ganon pa din hind ko pa rin siya makalimutan. Malrick, ano ng gagawin ko? Bakit ganito? Bakit ang hirap mong makalimutan? Bakit?




I just wish na mabawasan na itong pain na nararamdaman ko tuwing naalala kita. Malrick, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Yung utak ko kanina pa isip ng isip pero wala namang pumapasok sa isipan ko ni hindi nga ako makapagsimula ng mga gagawin ko parang lahat ayaw mag function sakin. Aish! Ano ba ito? Hindi ko na alam. Hindi ko na maintindihan.



I don't know how to act when it comes to you. Sa tuwing tinatanong nila ako tungkol sayo hindi ko alam kung ano isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ako magreresponse ng isasagot ko sakanila about you. Ang awkward para sakin. I don't know how anymore. I just said "we're okay." kahit hindi naman talaga.




Ipinagpatuloy ko na lang ang paglinis ng kwarto dahil sobrang kalat na rin. Ang daming mga papel na nakakalat. Mabuti na lang hindi ito nakikita ni Mommy. Hindi pa pala nila alam ang tungkol sa amin ni Malrick at mukhang napapansin naman na nila yon hindi na rin kasi siya pumupunta dito parang nung ano lang hatid sundo pa niya ako pero ngayon malabong mangyari yon hahaha.



Sa kalagitnaan ng paglilinis ko bigla namang nagvibrate yung phone ko sa isang text message galing kay Layla.


From: Layla
Alliana? Huwag mo kalimutan ha bukas!
Doon sa mall. Kitakits!

Ang kulit ni Layla akala niya siguro hindi ako sisipot kaya nireplyan ko na lang.


To: Layla
Okay.
See you there!


May time talaga ako kapag sila miss ko na rin sila ni Sheena mukhang ang busy na kaya minsan na lang magkitakita maghahanda na lang ako ng susuotin ko para bukas. Naglilinis ako ng study table ko ng tawagin ako ni Mommy kaya dali dali akong bumaba.



"Anak, may nagdeliver nito para sayo daw wala naman nakasulat kung sino nagpadala kakaalis lang ng rider." sabi ni Mommy sakin binigay niya na ang brown na box. Walang name na nakasulat kung galing kanino pero nakalagay lang yung pangalan ko.



Umakyat na ako sa taas dala dala ang kahon na ito. Ano kaya ito? At sino naman kaya nagpadala nito sakin? Wala naman akong ineexpect na delivery dahil sa susunod pa yon umorder kasi ako ng organizer para sa mga gamit ko next week pa ang delivery non.



Inopen ko na itong brown na box. Ang daming mga papel na pirapirasong nakakalat at may maliit na tulips boquet papers na nakalagay sa loob mismo ng box. Ang cute! At may red na box pa binuksan ko pa yon. It's Pavé Butterfly Diamond Petite Necklace and Pavé Butterfly Ear Cuff at meron pang nakasulat na letter kaya binasa ko ito.

'I miss you, my love.'
-M.


Pagkabasa ko non bigla na lang tumulo ang luha ko. Ano ba ito? Bakit ba ako umiiyak? Alliana, isang message at letter yon pero grabe yung impact sayo. Siya ba ito? Impossible! Tinabi ko muna yung brown na box at ipinagpatuloy lang ang paglilinis habang panay ang tulo ng mga luha ko kaya panay din ang punas ko dito.



Malrick, ano na naman ba ito? Ano ba itong ginagawa mo sakin? Imbis na kinakalimutan ko na tsaka ka naman nagpaparamdam ng ganito with gift pa talaga lalo mo naman akong pinapaiyak nito.



Kamusta kana kaya? Ano ng mga pinagkakaabalahan mo? Engage kana ba? Nagkatuluyan ba kayo ng magiging fiancé mo?






note: annyeong guysung sorry for very late update busy sa acads e sorry na guys try ko pa din magupdate sainyo about sa story na ito kamsahamnida. see you in next chapter!


:))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now