Chapter 22

40 22 1
                                    



Maaga akong gumising para sa pagpunta doon sa recollection sinimulan ko na ang pagbukas ng makina ng sasakyan at umalis na sa bahay.

Hindi ko narin ginising sina Mommy dahil alam naman nila na ganon kaaga ang pagalis ko ontime daw sabi ng adviser namin.

"Alliana? Tara dali andoon na sina sheena." nakangiting sabi sa akin ni layla.

I wore a hoodie black jacket then nakapang-p.e uniform kami ngayon tapos nakasuot din ako ng rayban at itong bag pack na kulay black ang dala ko.


Inaatay namin ang iba pa para makasakay na sa bus tahimik lang ako nagmamasid sa mga estudyante dito dahil ang saya nila sa magaganap na recollection ngayon.

After a two hours and half nakarating na din kami sa lugar kung saan gaganapin yung recollection nakahanda na ang mga tent nila dito unan nalang ang kulang at pwede ng matulog haha.

Kumuha ako ng isang pirasong caramel candy na binigay sa akin ni Malrick yung nag-grocery kaming lahat na magkaklase para bumili ng baon namin.

Hapon na kasi ng makarating kami dito kaya pinag-dinner muna nila kami ang haba ng lamesa dito, para kang nasa palasyo bali tatlong lamesang mahaba ang mga nakahilera hindi mo siya mahahalatang ganito yung loob dahil para siyang bahay. Mostly ang mga katulad naming estudyante lang ang makakapunta kapag may ganito kaming activities na gagawin.




***


Nandito kami sa hall at nagtayo kami ng tent. I'm with Layla magkatabi kami gaya ng napagsunduan dahil siyempre bawal ang boys at girls magkatabi. Dahil ay nako! Basta.


Natulog muna kami at bukas na ang outdoor activities na gagawin namin.




***

It's already six am in the morning we did our first activity here at ito yung bible study and wrap up question para sa aming mga students.

Pinasulat kami sa isang papel na gusto naming sabihin o yung mga saloobin namin kung ano yung mga nararamdaman namin ngayon kung may guilt, kung may hindi kami masabi at kung sino yung mabunot mamaya sa campfire sa labas kasi maglalatag sila doon at lahat kami nandoon para magkuwento ng mga gusto naming ishare.

At para sa akin kinakabahan na ko humanap nako ng pwesto ko para magsulat doon sa bandang sulok pumwesto at nagsulat na sa maliit na papel.

Magsusulat palang ako ng makita ko si malrick sa tabi ko at nginitian ako.

"Hi." nakangiting bati niya sakin. He always wear that his warm smile. Nginitian ko nalang siya bilang pagbati ko.

"Tapos kana?" sabi niya naman at tumayo nako at naglakad na papunta doon sa box para ihulog na yung sinulat ko.

Nakita ko naman na niroll niya muna yng papel at hinulog niya sa box tapos narin siya magsasalita pa sana siya ng biglang nagring yung cellphone ko.

"Sagutin ko lang to." tumalikod nako at sinagot na ang tawag.

"Hello?"

[Anak, si mommy to. Kamusta kana dear? Ito si Daddy mo gusto ka raw makausap]

"Si Daddy po?"

[(Daddy) Anak magiingat ka diyan if you need anything don't hesitate to text me or your mom okay? I love you. (Mommy) Anak, sorry kung hindi ka na namin na hatid but were promise naman na aantayin ka namin sa house okay bye love you dear]

"Okay mom, i love you too and daddy."

Then she hang up the phone call. Nagproceed na kami sa hall para sa mass ngayon at nawala narin si malrick sa paningin ko.

Doon ako pumwesto sa section namin may nakapaskil kasi na number doon sa bawat upuan at kung anong section number. Pagkalingon ko nagulat pa ako ng siya ulit ang makita ko. Hinanap ko pa ang upuan nila Layla at katabi niya si josh at shaun doon sila sa kahilera namin nakapwesto.

"So, magkatabi na tayo." nakangising sabi ni malrick sa akin hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko ang tingin sa nagsasalita sa harapan.

Whatever, Malrick! Pasulpot-sulpot ka talaga tsk. Kanina kausap ko lang siya pagtapos nawala na siya agad sa paningin ko dahil nga tumawag sila mommy tapos ngayon magkatabi naman kami. Aigo. Alliana! Mukhang hindi ka niya titigilan kaya pagtiisan mo nalang iyang pinagagawa niya.


Then ito na yung part sa mass na magkakahawak kamay at sasabay kami sa pagkanta sa song na pinapatugtog. Nakataas ang kamay ko at bigla naman itong hinawakan ni malrick napatingin ako sa kamay niyang hawak ang kamay ko nakita ko naman na sumasabay siya sa pagkanta habang ako ay nakatingin pa din sa kamay namin na iyon. Bigla nalang akong umiling at bumalik sa wisyo.

Nang matapos na ang misa nagbalik na kami sa dining area para sa meryenda naming mga student dahil nakaprepare na ang mga snack namin doon na inihanda nila. Hinantay ko si Layla at sumama na sakanya papuntang dining area.


"Naks ang sweet niyo naman kanina *ehem* may holding hands effect pa ah." kantyaw sa akin ni Layla.

"Bakit kayo nila Josh nagholding hands pa plus shaun! Naks." kantyaw ko din pabalik sakanya. Bigla naman niya kong hinampas at biglang namula ang pisngi niya dahil sa sinabi ko.

"Luh! Tara na nga HAHAHA!" pumila na kami sa isang food section doon at kumuha na ng makakain namin na pagkain katulad ng breadroll, pizza, chocolate chip and yema.




Humanap na kami ng pwesto ni Layla na mauupuan namin at kumain na ng snack para may energy kami para sa susunod na activities na gagawin namin this is gonna be tiring but we we're here to have fun and to cherish this day for us.

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now