Pagkabangon ko palang sa higaan ay dumiretso na kaagad ako sa cr para maligo. I did my morning routine.Nagbihis nako ng civilian tuwing friday ay pwede kaming magcivilian pangalis ang suot. Nakasuot ako ng printed tshirt na pastel yellow ang kulay at maong short with white sneaker pinonytail ko narin yung buhok ko. Pinayagan naman kami sa ganitong kasuotan kasi wash day namin ang ibig sabihin pwede kahit anong suotin namin. Nagsuot rin ako ng yellow na sunglasses para partner sa suot ko and with a white handy bag dahil ilang subjects lang kami ngayon.
Andoon na si mommy naghahanda ng breakfast namin sabay kaming tatlo ngayon. I'm glad that we're complete in the dining table.
Nang matapos akong breakfast binigay sakin ni mommy ang paper bag na may lamang baon ko for lunch kasama ang tumbler ko.
Kiniss ko siya sa pisngi at ganon din si daddy as a sign of goodbye. Mamaya rin ang alis nila dahil may biglaang out of the country silang business meeting.
Mukhang ako na naman ang magisa sa bahay pwera lang sa mga maid. Binuksan ko na ang driver seat nilagay ko na ang bag ko sa passenger seat at nagplay ng music.
***
Nakita ko na palakad na si layla at si sheena papuntang hallway para silang model kapag naglalakad at seryoso ang mga mukha nila. Sinigawan ko na sila ng makita nila ako ngumiti naman sila.
Yung ibang estudyante ay nakatingin na sa amin pero ipinagwalang bahala na lang namin iyon. Hindi naman kami attention seeker once kasi na nakatapak kana sa diretsong hallway na iyon hindi talaga maiiwasan ang sinasabi nilang "all eyes on you" kaya nginitian ko nalang sila bilang pagbati.
Tinanggal ko na yung shade ko bago pumasok sa room.
"Wow para kayong model." saad ng mga kaklase namin.
"Guys kami lang to HAHAHA!" nakangiting pang sabi ni Layla sa mga kaklase namin.
Umiling lang si sheena at tumawa nilapag ko na yung bag ko sa harapan ng table ko. Mayamaya lang ay pumasok na yung prof namin she greeted us 'goodmorning' and then we pray.
After half an hour natapos din ang pagtuturo niya at nagdismiss na siya. Si Layla ay may inaasikaso habang si sheena ay nagsusulat pa ng notes kaya hindi kami sabay ngayong lunch. Nagdecide nalang ako sa isang cafeteria na kumain dahil pwedeng naman kaming kumain doon sa college building mas prefer ko doon kasi tahimik at payapa at hiwa-hiwalay ang mga upuan may upuang pang-isa, dalawahan at maramihan.
Nilapag ko na ang paper bag na binigay sakin ni Mommy at tahimik na kumain kinuha ko narin sa bag ko yung netbook para sa essay na gagawin namin at hindi lang essay kasi pinagsama na ni ma'am ang isa pang activity na gagawin namin.
Mabuti nalang at walang nangulo sakin kundi hindi ko matatapos ang pangatlong page. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at uminom na ng tubig binilisan ko na ang pagkilos dahil malapit na ang second subject namin.
***
Natapos na ang dalawang subject wala kaming ginawa kay prof naglesson lang siya at nagpadismiss na kaagad siya dahil may meeting ang mga prof. Andaming agenda ng mga tao ngayon ah!
Everybody was so busy. Kinuha ko na sa loob ng bag yung susi ng kotse dumiretso ako sa isang fast food at nagdrive-thru. Kakain nalang ako sa bahay doon sa loob ng kwarto habang nakatambay sa veranda. At tamang sight-seeing sa stars and moon. Oh my i love that!
Baka bukas umuwi narin sila daddy pagnag-out of the country business kasi sila bukas ang uwi nila minsan umaabot sila ng three days dahil yung iba pinapacancel.
I ordered rice with chicken and ice coffee, burger & fries.
Nang makarating nako sa bahay nagpark nako sa loob sa may garahian at tumakbo naman sakin si manang papalapit sakin.
"Ma'am may naghahanap po sainyo." sambit niya. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahang bibisita sakin.
"Sino daw po?" tanong ko.
"Andoon po siya sa loob eh kaibigan niyo po." sagot naman ni manang.
The who?
Pumasok nako sa loob ng bahay sumalubong naman kaagad sakin ang mga aso namiss nila ko kaagad haha!
Parang familiar sakin yung scent na iyon ah pumunta nakong sala para matignan kung sino.
"Hey." he greeted me.
"Hey!" i greeted back and i smile at him.
"Pinapabigay ni mommy kay tita." ibinigay niya sakin yung paper bag na color black i think that's a dress for mommy.
"Okay thank you." nakangiting sagot ko.
Hinatid ko na siya palabas ng gate hindi naman niya siguro napansin na ako lang ang magisa hays nevermind.
"Bye, Tyron." - ako.
"Bye." nakangiting sabi nito at pinaandar ang kotse niya.
Si Tyron nga ang pumunta sa bahay para ibigay yung dress ni mommy mukhang kakauwi niya lang din ng school katulad ko.
Umakyat nako sa taas sa kwarto ko nagpalit nako ng pangbahay at inayos na yung pagkain na inorder ko tinabi ko nalang yung paper bag na itim bukas ko nalang ibibigay kay mommy.
Nagvibrate ang phone ko at nakareceive ako ng text message galing kay mommy.
From: Mommy
Dear, andyan na ba yung dress?To: Mommy
Yes mommy nandito na po nilagay ko sa kwarto ko.From: Mommy
Okay dear baka sunday na kami makauwi ng daddy mo andami kasing ganap dito. I love you anak.To: Mommy
Okay mom. I love you too ingat po kayo diyan.From: Mommy
yeah :)Parang ako lang si Mommy. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at inenjoy ko nalang habang ako magisa dahil nasanay naman ako sa ganito kapag may mga out of the country sila mommy for a business.
Bakit kaya hindi nalang ako tinext ni Tyron sa dress pwede ko namang kuhain sa store ng tita niya yung dress na inorder ni Mommy.
He is so sweet. Nakuha pa niyang pumunta dito sa bahay para lang ihatid ang dress ay nako tyron sebastian bakit napaka-gentleman mo. HAHAHA! Mabuti ka pa hindi katulad nung isa.
Aish! Bakit ko ba sila pinagco-compare! Today wala namang nanggulo sakin finally unti-unting tumatahamik ang mundo ko sa school. At sana tuloy-tuloy na iyon.
I hope so.
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...