"Salamat nga pala sa pagsama sa akin." nakangiting sabi niya ng ihatid ko siya sa bahay nila.
"Your welcome." nakangiting sabi ko sakanya.
Nagulat ako sa ginawa niya bago siya bumaba ng kotse ko. He kissed me on my cheek and he ruffled my hair.
"Ingat, bye." saad niya at sinarado na yung pintuan ng kotse. Umiling nalang ako at nagtungo na sa bahay.
Pinarada ko na yung kotse ko at lumabas na.
[Anong nangyari kayo ah!]
"Wala yon. Kumain lang kami tsk! Tsaka siya nag-aya."
[Ang defensive naman eh sobra magpaliwanag aguy!]
"Fine okay."
[Atleast di ba? Okay na kayong dalawa]
"Okay naman kami hate ko lang talaga yung pagpapansin niya sakin."
[Ayaw mo nun sayo lang siya nagpapapansin hay nako naturingang unica hija hindi alam ang mga galawan ng mga lalaki]
"Sorry naman ho no! Naturingang unica hija din party goer pala HAHAHA!"
[Luh! Masyado ka char! Sige na goodnight. I'm happy for you ciaooo HAHAHA]
Si Layla talaga! Simula day one lagi niya kong inaasar kay Malrick. Wala na kong magawa kasi once na magreact ako baka sabihin niya may gusto ko doon. But--argh nevermind.
"Mommy?" nakangiti akong binati ni mommy at pumasok siya sa kwarto.
"Bakit po?" tanong ko sakanya at hindi maalis ang ngiti niya.
"So who's that lucky guy na pinaguusapan niyo?" nakangiting tanong ni mommy sa akin oh no! ano ba yan pati ba naman si mommy.
"Wala mommy."
"It's Malrick, right?" tanong pa niya at ako naman ay nagulat sa pagkabanggit niya sa pangalan ng lalaking iyon. Tahimik akong tumango kay Mommy.
"My baby girl is growing so fast parang nung kailan lang. *sigh* Do you like him?" bigla akong niyakap ni mommy na ipinagtaka ko at hinaplos niya ang buhok ko. Si Mommy talaga!
"I don't know." and i shrugged. Umalis na kaagad si Mommy pero bago iyon pinaalalahanan niya ko na huwag masyadong magmadali sa love it takes time daw naman tumango ako kay Mommy at isinarado na niya yung pintuan ng kwarto ko.
Hindi ko rin alam eh. Minsan naweweirduhan ako sa mga biglaang kilos ni Malrick lalo na kapag lumalapit siya at nakikita kaming magkasama ni Tyron nagagalit ba siya or naiinis hindi ko alam, eh kasi naman lagi siyang magwawalk-out tapos may sinasabi pa bandang huli na gumugulo sa utak ko.
Ang gulo niya talaga minsan mas okay pa nung inaasar-asar niya ko kasi ngayon ang weirdo na ng mga ipinagkikilos niya sa akin.
Hays.
'Wait, don't tell me, Alliana? Nahuhulog kana sa lalaking yon?' Argh no way! Ipinilig ko nalang ang ulo sa naisip. No! It can't be.
Ako at Si Malrick? No way. Asaran na naman to kina layla panigurado at ayokong mangyari yon. Never.
Inayos ko na ang mga gamit ko since medyo late narin dahil magaalas onse na niligpit ko na yung nakalagay sa study table ko. Two days nalang ngayon bago ang recollection namin nakapag-paalam narin ako kina mommy at pinayagan naman ako.
Ginawa ko na ang night routine ko at humiga na sa kama ko. Bukas kailangan ko ng maghanda ng gamit ko para sa recollection ko ilang days din kami doon at alam ko namang hindi kami magtatagal sa place na iyon. I hope that is gonna be a memorable for me.
Pero bago pa ako makatulog ay nakita ko ang new message na sinend ni Kate our class president sa room at ito na nga...
Kate: Logtu na kayo? Weak hahaha charot! Hoyyyy! Tara sama sama tayo magroceries bumili ng mga baon natin for school? Ays ba? Dali na guys wala kasi akong kasama eh.
Gena: Osige HAHAHA!
Nico: G kami! nila @Malrick @Josh
Kate: Yown! Sige.
Gena: Kailan pala?
Kate: Prepare muna kayo ng things niyo then pagnatapos kayo chat kayo dito para kitaan nalang sa tapat ng school.
Gena: Okay :)))
Nico: Goods. Nays wan president iba ka talaga!
Kate: is typing...
Gena sent an unsent message
Nico: is typing...
At ayon na nga ang part 2 asaran ng dalawa kong kaklase sino pa si kate at nico. Ang kaninang tahimik na gc ngayon ay umingay na dahil sakanila buti nalang hindi kasali sa maam doon.
I decided to open my social media account kahit may issue na naman minabuti ko nalang huwag pansinin iyon baka nga tama si Malrick baka inggit nga lang sa akin kung sino man siya. Godbless nalang sakanya.
Inalapag ko na ang cellphone sa bedside table at tinurn-on ang lampshade ko at hinayaan ko ng makatulog ang aking sarili. Bukas? Ano kayang magaganap na naman.
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...