Chapter 1

152 26 1
                                    





"Psst."



"Alliana."


"Hoy!"




Kanina pa may sumsitsit kay Alliana hinayaan niya lang yon at patuloy na naglakad.


"Ay pusanggala!" gulat na sabi niya ng nakita niya kaagad sa harapan niya si Malrick.



"Bwisit ka talaga!" hinampas niya si Malrick. Tinawanan lang siya nito at sinabayan siya papuntang classroom.



"Kailan mo ba ko titigilan?" inis na sabi nito.



"Hinding-hindi kita titigilan, Alliana." seryosong saad nito. Ayan na naman ang pamatay-tingin niya tinaasan niya ng kilay si Malrick at hindi nagpatalo.





"Sige gawin mo lang yung gusto mong gawin siguraduhin mong matutuwa ako diyan a!" tinarayan niya ito at pumasok na ng classroom. Second subject na nila kaya naman may plano na siyang umalis dahil wala ang susunod na prof nila.



"I'll make sure na matutuwa ka talaga." sagot pa nito.


Argh! Nakakainis ka talaga panira ka ng araw bwisit tsk! Nagsimula na ang klase napapansin niya na panay ang tingin ni Malrick sakanya dahil nasa kabilang side lang niya ito kapag tumitingin siya ay tinataasan niya lang ang kilay si Malrick at ito naman ay nakangisi sakanya. Hindi niya ito pinansin hinayaan niya lang.


Lalabas na sana siya ng magsabi si Layla tungkol sa project nila sumunod na siya labas at sumakay na sa kotse niya nakalimutan niya pa lang may gagawin pala sila. Hays. Pumasok na sila sa loob at kinuha ni Layla ang ginagawa nilang proyekto malapit na ngang matapos iyon kaunti nalang ang mga natirang gamit sinimulan na nila ang paggawa at hindi na sila nagdaldalan pa.



"Sa wakas natapos din." sambit ni Josh hindi na nagstay si Alliana sa bahay nila Layla nagpaalam lang ito sa magulang niya.



"Bye." kiniss siya sa pisngi ni Layla at nagpaalam na siya dito.



"Alliana?" tawag ni Shaun sakanya. Nakangiti naman siyang lumingon dito mas mabait pa ito kesa sa kaaway niyang yon.




"Bakit?" tanong niya.



"Ingat." saad ni Shaun tumango lang si Alliana at sumakay na sa loob ng sasakyan.



Nang makauwi na siya ay sinalubong siya kaagad ng mga alaga niyang aso kiniss niya ang mga mukha nito at binuhat niya saglit binitawan na niya dahil magpapalit na siya ng pambahay niya. Nagbukas siya ng kanyang facebook account niya nagpop-up sa notification niya ang pangalan ng kaaway niya.




Malrick Hage sent you a friend request.



Pinagiisipan pa niya kung i-accept niya ba o hindi dahil paniguradong mabibwisit na naman siya pangaasar nito at ayon na nga simula na ulit ng away nila nagsend ng request message si Malrick sakanya.



Malrick Hage: Luh! Sungit.

Alliana: Pati ba naman dito?

Malrick Hage: HAHAHA! Accept mo nako pleaseee

Alliana: Ano ka hello? Di kita iaccept manigas ka diyan! *smirk emoticon*

Malrick Hage: Saet Alliana HAHAHAHA




Sineen nalang niya ang huling message sakanya ni Malrick pati sa facebook hindi siya tinantanan ng binata kaya inilapag nalang niya ang cellphone at binuksan niya ang tv pinindot niya ang netflix at nanood ng mga korean drama na gusto niya.



A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now