(Now Playing: Balewala by Jeric Medina)
Pagkauwi ko ng bahay sobrang tahimik sa loob tulog na siguro sila Mommy kaya umakyat nalang ako sa kwarto at nagbihis na ng pambahay.
Nakaupo lang ako sa kama at nagba-browse sa social media accounts ko nakaready narin kasi yung gamit ko para bukas parang ang ikli lang ng oras tuwing weekend. Nagpop-up ang message ni Malrick sakin.
From: Malrick Hage
Psst! Asar talo ka girl?To: Malrick Hage
ANG EPAL MO!From: Malrick Hage
Ang pikon mo naman, Alliana!
Hahaha!To: Malrick Hage
Don't you ever do that again!From:Malrick Hage
Pikon hahaha!Sineen ko ang huling chat niya na iyan. Aish! Pa-epal talaga siya kahit kailan makatulog na nga.
***
Next Morning.
I did my morning routine dumating na yung isang terno ng uniform namin which is yung long sleeve na maroon and color na black na palda. Tuwing lunes lang ganon ang uniform namin dahil baka raw may mga bumisita samin galing sa ibang school katulad ng principal ng ibang school, directress at ang iba pang mga kasamahan nito.
Nagliptint lang ako at nagpulbo bumaba nako at nagbreakfast na nagiba din ako ng bag dahil marami akong dala ngayon. Ilang folders din kasi to then yung netbook ko plus yung baon ko pa.
Nang matapos ko na yung breakfast nagtoothbrush muna ko nilagay ko narin sa tote bag yung baon ko at yung orange juice na pinapabaon sakin ni Mommy.
"Bye, Mom." paalam ko.
"Ingat dear, I love you." hinalikan niya ko sa pisngi at inantay niya ko na ilabas ko yung sasakyan.
Magaan lang ang umaga ko at sana naman please lang gusto ko muna katahimikan ayoko ng kaguluhan. Lord, Please po sana po wala po munang manggulo sakin. Kumaway nako kay Mommy bilang pagpapaalam sakanya.
***
Pinark ko na yung kotse ko pero bago yun tinignan ko muna sa mirror kung maayos na yung sarili ko. May necktie kami na black at naglagay narin ako ng clip ang cute lang kasing tignan naglagay ako ng kaunting liptint sa labi ko.
What do I expect? Malrick with his annoying bestfriends tsk! Sira na naman ang umaga ko!
Nagsuot ako ng sunglass na color black at lumabas na ng sasakyan yung ibang estudyante ay napapatingin sa gawi ko pero hindi ko na sila pinansin.
"Uy! Alliana. Ikaw ba yan? Ganda mo ah." sabi sakin ng isang varsity player kasama din ang tropa niya.
Hindi ko sila pinansin dahil sirang sira na ang umaga ko nakita ko na naman ang nakangising si Malrick sakin. Narinig ko pa ang sinabi ng isa sa kaibigan ng varsity player na yon.
"Ang sungit pre! Hindi ka man lang binati hahaha!" tapik sakanya sabay alis sa kaninang pwesto.
Ngumisi nalang ako mga lalaki nga naman talaga! Kapag di mo lang pinansin magagalit o kaya naman kukulitin kaya lumalaki ulo nila eh. Pwede bang bad mood lang ako ngayon kaya hindi ko sila pinansin tsk!
Mukhang nasa room na ang dalawa tinanggal ko na yung shade ko at naglakad na patungong classroom namin mabuti at hindi ako late. Umupo nako sa pwesto ko nagsimula na din ang klase.
IPAPASA ko na pala tong mga sit-down activities namin. At marami pang parating na activities kailangan bago matapos ang semester nato tapos na namin lahat out of 25 activities lahat ng iyon. Fifteen palang ang nagagawa ko may sampu pa.
Pumunta nako ng faculty ng mga teachers namin. Simula nadin pala ang mga battle of the brain ng iba't-ibang schools. Maglalaban-laban ang ibang school laban sa school namin.
Ang unang laban ay dito sa school namin. Papasok na sana ko ng makarinig ako ng paguusap-usap ng group ng mga teachers.
"Yeah, I see him ang talino nga nagvaledictorian daw yon. Alam mo naman bukod sa dean's lister sa school niya. Siya din ang president din sa isang org nila. Ang talinong bata no!"
"Oo, ano nga ulit ang pangalan nun ng batang yon." saad ng isang Teacher.
"Anak siya ni Mr. Belcruz. Ang gwapo nga eh." natutuwa pang sabi ni Teacher.
Belcruz? Oh geeez! Baka si Tyron nga! Oh my gosh! Sikat na si Tyron hahaha! Hindi ko naman ipagkakaila yon. Ang gwapo ni Tyron sino ba namang babaeng hindi maiinlove doon bukod sa matalino at isang athlete. Magaling din kumanta at magaling din sa musical instrument isama mo narin yung galing niya sa pagsayaw pero may pagmamahal at respeto sa magulang niya at magaling pa sa gawaing bahay. Ang swerte ng magiging girlfriend ni Tyron.
Nang pumasok ako sa loob tsaka naman sila tumigil yumuko ako bilang pagbati at ngumiti ako sakanila.
"Goodmorning, Ma'am. Ipapasa ko lang po itong activities." sambit ko.
"Pakilagay nalang diyan, Nak." tinuro niya ang table niya at nilapag ko na ang brown folder pagkaalis ko pa lang ay nagsalita ang naka salamin na teacher na mukhang nasa mid 30's na.
"Ang gandang bata." sinarado ko na ang pintuan at ngumiti ng palihim alam ko naman po yun hahaha! Kidding.
Naglalakad ako sa hallway ng nasalubong ko ang kinaiinisan ko bakit sa lahat nalang talaga lagi ko itong nakakasalubong kasama niya sina Josh at Shaun.
Binati ako ng dalawa at ngumiti rin ako sakanila ng si Malrick na ang magsasalita bigla ko siyang tinarayan dahil nasa gitna kami ng hallway may mga batang naghahabulan muntik nakong mabangga ng higitin ni Malrick ang bewang ko.
Aigoo! Nakatingin siya sakin ng ilang segundo kaagad ko naman hinawi ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko tumakbo nalang ako at pumasok na sa classroom nakita ko pang inaasar si Malrick ng mga kaibigan niya tumingin naman siya sa gawi ko at ngumiti kaya pumasok na kaagad ako sa classroom.
Bakit ganito dapat hindi ko to nararamdaman a! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Aish! No way highway! Alliana! Shit hindi pwede to! Mali--mali to! Malalim ang paghinga ko dahil ayaw kumalma ng puso ko sobrang lakas ng tibok niya kaya uminom ako ng tubig. Nasapo ko nalang ang ulo sa nangyari na yon! Shit kasi! Putek!
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...