Chapter 30

44 22 1
                                    


Two years later...






"So kamusta naman ang isang stylist/model/manager na bestfriend ko. Oh my gosssh! Friend iba kana talaga girl kabog HAHAHA!"





At ayan naman si Layla nako kung hindi lang siya kilala ng iba kong empleyado dito baka napalabas na ito. Isa akong nagmamanage ng pinamana sa akin ni Daddy na kompanya niya.



Masyado akong abala kanina dahil maraming meeting ang nangyari sa loob ng isang araw, madaming appointment.



"Nagparamdam ba siya sayo?" Ito na naman kami sa kakatanong niya sa akin kay ano e, kanino pa ba basta kilala niyo narin siguro iyon.



"Ano siya multo?" patanong na sabi ko sakanya bigla naman siyang humalakhak.


"Don't tell me hindi pa din? Ah, ghoster naman pala. Sinasabi ko sayo Alliana huwag kasi kaklase natin. Alam mo i-bar mo nalang yan. Tara sa bar?"



"Huwag mo kong dinedemonyo dito Layla! Busy ako busy okay?!"



"Ito naman masyadong busy-busyihan sa buhay niya. Wala ka bang balak magpahinga diyan pahinga-pahinga din pag may time!" Hinagis niya sa akin ang papel na hindi ko alam kung anong laman.


"Ano na naman ito?" nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko itong puting papel na ito o mamaya ko nalang bubuksan pero ito na nga ang nakasulat.



'8 o'clock pm.
I'll text you the address, be ready'
—MHV.




Sulat pa lang niya halata mong siya na pero saan daw? Huh? Wala namang nakasulat ditong address so itetext nga niya. Aish! Ang tanga, Alliana! Ipinagpatuloy ko nalang ang kanina kong ginagawa na document sa desktop dahil ipapasa ko na ito kay Daddy.




Hindi rin naging madali yung relasyon namin ni Malrick yung akala mong almost perfect na pero nauwi lang sa wala ang lahat. We decided to broke up dahil kasi nga sa long distance relationship kasi masyado narin akong naging abala sa pagaaral ko nun at ganon din siya but we ended in a good way at ito ngayon hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero kinakabahan ako. Lalo na't ngayon lang kami magkikita ni Malrick. I'm so glad to see him pero kinakabahan ako, ewan ko sa sobrang excitement siguro na makita siya.



***



It's quarter to eight, nagaayos na ako. Nagsuot lang ako ng black strapped dress nagbaon narin ako ng maong sleeve at white shoes with my purse. Nilugay ko narin itong buhok ko at ayoko namang maging hindi kaaya-aya sa paningin niya kaya ito mas ginawa kong presentable ang sarili ko pero ewan ko ba kung presentable na ito.




'Inhale, exhale! Kaya mo yan ah. Ito na yun magkikita na kayo. Kalma, kalma! Si Malrick lang iyon.'




Para kong tanga dito kinakausap ko yung sarili ko sa harap ng salamin. It's been a two years at ngayon nalang kami nagkitang dalawa. We never catch up each other kasi abala kami sa career namin sa family niya at ako naman sa family ko.




"Ready?" nakangiting sabi sa akin ni Layla. Nandito nga pala si Layla siya na ang mag-guide sa akin papunta sa lugar na pagkikitain naming dalawa. She's with her boyfriend. Ngumiti ako sakanila at pinagdrive na nila ako papunta doon habang nasa loob ako ng kotse puro dasal nalang ako sa isip ko.










Malrick, I know it's been a years since ngayon nalang tayo nagkita. I hope this is not gonna be the end of us. I hope. I really hope that.

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now