After that we went to samgyup restaurant bago yun pinasuot niya sakin yung extrang jacket niya na nasa kotse niya. Nakangiti niyang sinuot sa akin iyon bago kami pumasok sa samgyup restaurant doon kami pumwesto sa bandang dulo at nagorder na kami. Nang dumating na ang order nagsimula na siyang maglagay ng meat, pork at iba pang pwedeng ilagay doon sa lutuan.
Hindi ko pa pala nakukwento sainyo tungkol sa amin. Nung nalaman ko ito sa recollection iba talaga nagagawa ng recollection pagtapos kasi nun doon ko lang nalaman na matagal na pala kong may nararamdaman sa lalaki na ito.
For, almost a month na kaming nagdedate mahihirapan nalang kami sa college alam ko rin kasing lilipat na si Malrick sa college niya at ako baka ganon din.
"Saan ka sa college?" tanong ko.
Nagpunas naman siya ng nasa bibig niya bago magsalita.
"LA." saad niya.
"Ano? Sa LA?" saad ko sakanya.
"Oo sabi ni mom tsaka nasa plano nila yun." Mabuti sinabi niya agad okay lang sakin kasi para naman sakanya niya iyon.
"Huwag mo munang isipin iyon ang mahalaga nagkikita tayo at tsaka may pasok pa tayo. Ikaw gusto mo palaging rest day no?" nakangising sabi niya sabay halakhak.
"Wala naman akong sinabi pero parang ganon narin." natatawa ko ring sabi.
Hay kapag talaga nakakasama ko siya nahahawa ko sa mga ganito niya. He has a side na mahilig mang-asar at napakasayahing tao. Ang swerte ko lang kasi ako lang ang nakakakita ng ganong side niya except sa family niya.
Pagkatapos nagsimula na siyang magdrive pauwi kaya umidlip lang ako habang pauwi na. Kapag nasa LA siya mamimiss ko ang ganito. A night drive with him. Sana lang huwag siyang pumuntang LA kaya lang hindi rin kasi napagusapan na pala nila ni Tita yung tungkol sa college niya pero kailangan kong tanggapin.
Malayo-layo pa naman kaya huwag ko munang isipin ang pagalis niya.
***
Nang pauwi na kami may nakita kong isang kotse na pamilyar sa akin at nakaparada sa tapat ng bahay.
Wait, kay Tyron ba itong kotse? Ano kayang meron bakit napapunta siya dito. Nang huminto na ang kotse ni Malrick. Nagpaalam na kaagad ako sakanya na baba nako nitong sasakyan.
Hahawakan ko palang ang yung pintuan ng kotse para buksan na ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napalingon naman ako doon.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Wala bang goodnight kiss diyan?" nakangising sabi niya at matagal niya kong tinitigan sa mata. Napabuntong hininga ako at kiniss ko siya sa pisngi niya. Ang loko talaga!
"Bye." sabi ko at bumaba na tsaka niya pinaandar ang kotse niya.
Tinignan ko pa yung kotseng nasa harapan ng bahay kay Tyron nga itong kotse na tinutukoy ko kanina. Why he's here? Anong meron?
Pumasok nako sa loob ng bahay sinalubong ako ni Mommy at nakangiti akong pinaupo sa tabi nila Daddy.
"Oh hi!" bati ko kay Tyron sabay beso sakanya.
"Anong meron?" tanong ko. Tumingin muna siya kina Mommy bago magsalita.
"Yung sa birthday ni lola gusto ka raw niyang makita sa birthday niya." saad niya.
"Oo naman sige sasama ko. Kailan ba?" tanong ko.
"This week." sabi niya kaagad naman nanlaki ang mata ko doon. What? This week? Hala.
"Okay." nakangiting sagot ko nagpaalam na siya para umuwi na at sinamahan ko naman siya papalabas ng bahay.
Nang maihatid ko na siya sa labas kaagad akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit ko.
Paano ko magpapaalam nito kay Malrick. Tinawagan ko na kaagad ang number niya pero bago yun tinignan ko yung invitation na binigay sa akin ni Tyron. This week nga iyon huwag lang matimingan talaga ng gawain nako! Sana.
(On the phone)
"Malrick?"
[Hmm?]
"Sa ****** yung birthday ng lola ni Tyron. Pupunta ako. Okay lang ba sayo?"
[Uhm...yeah oo naman importante iyon birthday iyon ng lola niya kaya pumunta ka]
"Thank you."
[Welcome. Alam ko namang importante sayo kaya papayagan at papayagan kita]
[Okay goodnight]
"Goodnight." sabi ko at binaba na ang tawag.
Buti naman nakapagpaalam nako sakanya. Napagusapan narin kasi namin ang tungkol kay Tyron alam niyo naman yung history niya kay tyron di ba? In short selos. Excited na tuloy akong bumili ng regalo para kay Lola.
And i'm sure na miss narin ako nun super tagal na naming hindi nagkikita ng lola ni Tyron at sa birthday mismo ni Lola sana magandahan siya sa binili kong regalo sakanya. Nagnight routine nako at pagtapos nun natulog na. Then bukas pupunta kong school may aasikasuhin kami ni Layla aayusin na namin yung papeles namin sa school para kapag nakalipat na kami wala ng problema.
Kailangan na kasing asikasuhin lahat. Ayoko namang isipin pero kaagad kaming maghihiwalay ng school ni Malrick sa college. Ano ba yan! Bakit kasi kailangan pa naming magkalayo.
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...