"Alam mo alliana indenial ka lang." bulong sa akin ni Layla at sabay pataas-taas ng kilay niya habang tumatawa sa akin.
Nakasuot ako ng faded jeans at isang black crop top shirt at white sneaker.
Nandito kami ngayon sa labas ng school inaantay pa ang iba pa naming kaklase andito na si Kate at Gena asusual paVIP pa ang mga kaklase naming lalaki.
"Nasaan na ba sila? Late na naman yung mga iyon! Tsk." reklamo ni Kate.
"Nandyan na pala sila, speaking of the devils--" hindi na natuloy ni Gena yung sasabihin niya dahil dumating na nga sila.
"Ano yun? May sinasabi kayo?" saad naman ni Nico. Tinarayan lang ni Kate ang bagong dating na mga kaklase naming mga lalaki the rest kasi sila nalang ang inaantay para makapunta na kami sa bibilhan namin ng pagkain.
"So tara na?" aya ni Gena sa amin.
"Let's go." masungit na sabi ni Kate at inisnaban ang grupo nila ni Nico. Nakasunod naman sila sa likuran namin si Sheena wala siya dito kasi nauna na siya doon sa grocery store with his boyfriend si Dale.
"Ang ate mo sheena kumakarendeng o panis! Ebarg din eh." pabirong sabi ni Layla natawa naman ako sabay hampas sakanya.
"Sheeeenaye!" tawag niya dito. Kumaway naman sa amin si sheena ng makita niya kami at mukhang inaantay niya rin kami dahil wala na ang kasama niya.
"Si Dale na saan?" tanong pa ni Layla.
"Kakaalis lang." tipid na sagot nito sa amin.
"LQ?" tanong ko pa.
"Oo." tipid na sagot sa amin ni Sheena.
"Okay lang yan." pagpapagaan ng loob ni layla kay sheena. Nakangiti naman akong umangkla sa mga braso nila.
Si Sheena at Dale ay magmomonthsary pa lang habang itong si party goer Layla ay may dinedate na anak ng businessman mukhang long distance relationship pa nga yon pero ayon lang ang alam namin ni sheena kasi wala pa siyang ipinapakilala sa amin na boyfriend niya.
"So guys cheer up okay? Nandito tayo para bumili ng comfort food natin este ng mga baon natin sa recollection kaya lezzgow!" tumatawa pang sabi ni Layla kay Sheena.
Napagpasyahan naming maghiwahiwalay ng mga kaklase namin kasi iba yung mga bibilhin naming pagkain kaya napagisipan nilang sa harap nalang ng fast food magkitakita sa tapat nitong grocery.
Habang naglalakad ako papunta sa mga snacks nawala na sa gilid ko sina layla dahil hindi ko na naririnig yung mga tawa niya. Nang paatras ako naramdaman kong may natamaan ako na poste este ano ba ito? bakal?
Pagkalingon ko si Malrick. Sinusundan ba niya ko? Hindi ko siya pinansin at kumuha ako ng chitchirya. Nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung basket na hawak ko.
"Mabigat, ako na." tipid na sabi niya sakin. Wala na kong nagawa dahil buhat niya rin naman kaya hinayaan ko na.
"O nandito pala kayo? Naks. Ano yan huh?" asar na sabi ni Josh sa amin ng makitang magkasama kaming dalawa.
Nakita ko namang papunta na si Layla kaya kinuha ko na kay Malrick yung basket pero ayaw pa rin niyang bitawan iyon. Nakakainis kaya ko naman kasi!
"Amin na nga." giit ko.
"Mabigat nga, sige na pumili kana ng mga gusto mong bilhin." sabi pa niya.
"Ay tara na Shaun, Josh. Huwag niyo ng guluhin yung dalawa nagmomoment pa sila eh. Ikaw naman, Josh ginugulo mo. Tara na ayon doon tayo sa energy drink, milo? kape? yakult? Bilis!" nang mawala sila sa paningin namin kaagad na kong namili ng mga biscuit.
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...