Nang nasa biyahe na kami tumawag naman si malrick sa akin kaagad ko naman itong sinagot dahil nung unang tawag niya natutulog ako kaya di ko nasagot.
[Nandyan na kayo?]
"Malapit na sorry ngayon ko lang nasagot nakatulog ako kanina."
[Okay lang, sige na magiingat kayo bye]
Bakit parang ang lungkot naman ng tono ng boses niya. Ano kayang meron doon sa lalaking iyon?
"Alliana?" napalingon ako ng tawagin ako ni Tyron. Kanina pa pala ko nakatingin sa cellphone ko nandito na pala kami sa bahay nila. Bukas na ang birthday ng lola niya kaya kailangan namin kaagad makarating sakanila.
Pagpasok palang namin bubungad na kaagad ang balcony nila. Sobrang ganda pala dito ngayon nalang ulit kasi ako nakapunta sa bahay nila.
Tumingin pa sa akin si Tyron bago kami pumasok sa loob ng bahay nila. Nagulat pa ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at palakad na kami papunta sa pwesto kung saan nakaupo ang lola niya na nakikipagusap doon.
"Ma?" tawag niya dito.
"O, apo. Ikaw na ba iyan. Kumain na kayo at maupo dito. Si Alliana ba iyang kasama mo?"
"Opo ma." nakangiting sabi niya. Hinalikan naman ako ni lola at nagmano naman ako sakanya.
"Napakagandang bata. Kamusta kana hija?" nakangiting sabi niya sakin.
"Okay naman po kayo po?" tanong ko naman dito. Nakahanda na ang pagkain para sa tanghalian namin dahil mga ala una na kami nakarating ni Tyron sakanila.
"Ito medyo mahina na ang katawan pero ayos naman basta't nakikita kong masaya ang apo ko. Ngayon ka nalang nakadalaw dito, Alliana." saad ng lola ni Tyron habang abala din sa pagkain niya.
"Busy po kasi sa bahay kaya ngayon nalang ho ako nakapunta dito." pagpapaliwanag ko.
"Eh si Tyron kamusta naman?" napaubo naman bigla si Tyron ng banggitin ng lola niya ang kanyang pangalan.
"Ganon parin po lola nako wala pong pinagbago iyang apo niyo." nakangiting sabi ko. Bigla namang tumingin sa akin si Tyron at sinabing ubusin na ang pagkain ko. Ayaw niya kasing pinaguusapan siya.
"O siya sige maiwan ko muna kayo diyan at ako'y papasok muna sa aking kwarto. Para bukas maganda ang aking pangangatawan." nakangiting sabi niya inalalayan naman siya ng kasamahan nila dito sa bahay.
"Okay ka lang?" biglang tanong ni Tyron sa akin. Tumango lang ako at sinabing okay lang pagtapos namin sa lunch ay hinatid niya nako kung saan ang magiging kwarto ko. Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay at doon sa bandang pangatlong pintuan ang kwarto ko.
"Ayan ang susi then call me if you need anything andoon lang ako sa baba. Okay?" nakangiting sabi niya sabay pat ng ulo ko.
Ngumiti na lang ako sakanya at pumasok na sa kwarto ko. Nagtext nako kina Mommy para hindi na sila magalala pa pati narin kay Malrick. Dahil dala ko yung laptop ko nagabala nakong magtype ng kung anu-ano dahil sa wala kong magawa.
Bukas pa naman ang party pero bakit parang ang bagal para sa akin. Ayoko kasing magisip ng kung anu-anong sasabihin sa akin ni Malrick kapag nagselos pa naman iyon nako ang tindi! Ayan pati ngayon si Malrick pa din ang iniintindi ko dito. Eh paano ba naman kasi.
Habang naglalaptop ako biglang nagvibrate yung phone ko sa nareceive kong text message sakanya.
From: Malrick Hage Valez
I miss you. Ingat ka diyan.
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...