Chapter 31

34 22 0
                                    


Inihinto nila yung kotse sa harap mismo ng coffee shop kung saan kami huling nagkita at nagkausap ni Malrick. Pumasok nako sa loob ng coffee shop ang sa rooftop niya ay yung garden style na may mga nakasabit sa itaas na halaman yung mga nakikita niyo sa mga korean drama.



"Miss Belcruz, tama po ba?" sabi ni Ateng waitress sa akin.



"Ah, opo." sagot ko naman kung anu-ano pa ang sinasabi niya at isa lang naman iyon ay yung mga detalye na may reservation at sumunod nalang daw ako sakanya sa taas.



Nang buksan niya ang pinto papunta sa taas at ngayong gabi na ang ganda tignan at sobrang aliwalas ng paligid kitang-kita mo yung view simula dito hanggang sa baba at sa buong paligid nitong coffee shop. I was so speechless na ganito pala kaganda itong coffee shop kaya pala isa ito sa napili niyang pagkitain namin.




"Hey." tinignan ko kung sino yung kumalabit sa akin. Pagkalingon ko siya. Si Malrick Hage Valez. Nagpablack hair siya then nakabrown siya na suit he look so expensive wearing those outfit. Naks. Ngumiti naman siya sa akin nakakapanibago naman ito.




"Hi." saad ko. Pumwesto na kami sa round table na may mga pagkain.



"Ang ganda natin ah." Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya kahit kailan talaga tong si Malrick.



"So anong paguusapan natin?" bungad ko agad na sabi sakanya ayoko ng magpaligoy-ligoy pa gusto kong malaman kung bakit nakikipagkita siya sa akin. Sineserve pa yung pagkain kaya hindi niya nasagot yung tanong ko sakanya.

"I just want to simply talk to you. I'm here to say sorry kung ano man yung nagawa kong pagkakamali about sa atin. I'm sorry, Alliana. I'm really sorry." nakatitig siya sa akin habang sinasabi ang mga iyon. I knew it. Alam kong nang dahil dito kung bakit siya nakipag-usap sa akin.






"Gusto ko ding sabihin sayo ito na, can we get back again? Kaya ko bumalik dito sa Pilipinas para bumalik sayo, Alliana. Kasi alam ko kahit abala tayo sa sarili nating karera sa sarili nating pangarap. Yung pagmamahal ko sayo hindi nagbago. Alam mo iyan." Pinalapit ko pa siya dahil may gusto kong sabihin sakanya.



At binulong ko nalang yon sakanya. Nakita ko naman ang pag-ngiti niya sa akin.



"Alright." agad na sagot niya then he smiled at me plus he ruffled my hair like he always did to me. Aish! Malrick Hage! Then after nun ay nagusap pa kami ng kung anu-ano sa ilang taon ba naman naming hindi nagkita.




Alam kong maraming magcouple ang nauuwi sa hiwalayan maraming hindi nag-end ng hindi maganda or failed relationship. Pero alam ko namang mauuwi iyon sa magandang paraan you can stay as friends but not lovers. Pero sa amin. I don't know. Hindi ko pa alam kung saan ulit pero masaya naman ako na nagkita at nagkausap kaming dalawa. Kung ano yung napagusapan namin sa amin nalang iyon.





"Dito nalang ako, bye. Salamat." sabi ko sakanya ng ihinto niya yung kotse ko sa tapat ng dati naming bahay.



"Mommy? Daddy? I'm here na po." bungad ko kaagad ng makapasok ako sa loob.


"Darling, andyan kana pala." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.


"Nakapagusap na ba kayo?" Seriously! Si Mommy alam niya din.


"Mommy!" saad ko.




"Layla told us kung ano man iyang paguusap niyo susuportahan kita anak, kami ng Daddy mo. Okay?" nakangiting sabi niya after nun umakyat nako sa taas.


A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now