Chapter 2

92 25 1
                                    

Nagising ako ng maaga dahil kailangan kong kuhanin yung project namin at ipapasa ko pa kay Ms. Ferrer. Pagkababa ko dumiretso nako sa pintuan nila at nagdoorbell.

"Good morning po ma'am. Ito nga po pala yung project niyo po na ipapasa sabi ni Ma'am Layla." - bungad kaagad sakin ng maid nila.

"Sige po thank you po." paalam ko sa maid. Nagsend narin ako ng message kay Layla to inform her.

To: Layla
Nakuha ko na yung project natin.

From: Layla
Okay. Thank you, Alliana.

Pumasok nakong kotse at nagdrive na papuntang school. Umorder narin ako ng hot coffee at bread sa SB. Inubos ko muna yung pagkain ko at nagretouch bago lumabas ng sasakyan.

It's already six o'oclock pa naman maaga pa kaya dumiretso muna ko sa garden dahil may 2 hours pa ako eight kasi start ng klase namin.

Naglakad sakin papalapit ang grupo nila Malrick. Ano na naman ang gagawin nito dito? Umupo sila at nakapalibot sakin na nakangiti.

"Hey goodmorning!" bati ni Malrick.

"It's a bad morning!" saad ko at sumipsip sa hot coffee ko.

"Ohh! HAHAHA" tumatawang sabi ni Shaun.

"Umalis na nga kayo dito!" inis na sambit ko.

"Ayoko nga." saad ni malrick at nag-cross arm pa.

Nagusap-usap lang silang magkakaibigan. Tinignan ko na ang oras magqa-quarter to seven kaya niligpit ko na yung pinagkainan ko at tinapon ito sa basurahan.

Hindi ko na sila pinansin at pumunta nakong classroom. Dala-dala ko na ang project mabuti nalang at wala pa si Ms. Ferrer.

"Sis." tinignan ko kung sino ang tumawag. Nakangiti akong bineso si Sheena ang friend ko din. Bat ngayon lang ata siya pumasok?

"Oh! Hi kamusta?" - ako. Siya muna ang umupo sa tabi ko na dapat si Layla ang nakaupo dahil absent nga ito.

"Okay lang. Ngayon lang naayos yung papeles ko dito sa school pano kasi mom and dad nagtatalo pa kung saang school ako magaaral kaya ngayon lang ako nakapasok." pagpapaliwanag niya.

Parehas pala kami ni Sheena, she has an older brother dalawa lang silang magkapatid. Magkaibigan ang parents namin nila Sheena at Layla kaya kapag may gathering ang parents namin ay lagi kaming tatlo ang magkakasama.

Dumating na si Ms. Ferrer kumpleto narin kaming lahat sa room.

"Where is your project?" - Ms. Ferrer

Binigay ko na ang project namin at inilagay sa table ni ma'am.

"Asaan na yung project natin?" tanong sakin ni Malrick.

"Absent si Layla." sagot ko.

"Weh? Eh di wala tayong project." pagpunta ko kasi sa harapan ay busy sila sa pagkukwentuhan kaya siguro hindi niya napansin.

"Hala pre." gulat na sabi niya kaya Shaun.

"Awit pre." sagot ni Shaun.

"Hahaha parang kayong ewan diyan. Ano? Mga wala kasi kayong pakialam e sa project! no?" nakangising sabi ko.

"Grabe ka naman may tinulong naman kami don." - Malrick.

Hindi ko na siya tinignan pa baka sawayin pa kami ni Ma'am. Nagrecord lang siya ng attendance at nagsimula ng magdiscuss.

***

May isa pa kaming subject ngayon pumunta muna ko sa loob ng sasakyan at doon nalang kumain ayoko muna sa canteen dahil marami na namang tao doon. Hindi na rin kami nagkasabay ni Sheena dahil may gagawin pa siya.

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now