Note:Hello fairies! Sorry for my late update again. Hope you enjoy this new chapter & thank you sa pagbabasa nito. Happy 330+ reads. Hehe!
***
[NOW PLAYING: CHILLIN - M.O.L.A (5MOLAS VER) ]
Pinark na ni Tyron yung kotse niya nauna siyang bumaba para pagbuksan ako sinuot ko na yung sunglass ko. Magsix o'clock na ng makarating kami dito sa sinabi ko sakanya na coffee shop nakita ko lang kasi ito sa isang website parang starbucks din yung style niya pero okay naman yung lugar maaliwalas at maganda ang view na makikita mo rito.
Pumasok na kami sa coffee shop sinamahan ko siyang umorder ng pagkain namin nakahanap narin kami ng pwesto doon banda sa second floor sa may veranda nila na medyo malawak. Ang ganda! Gusto ko yung mga ganitong view nakakarelax mukha namang ayos lang kay Tyron na dito kami pumunta para marelax din siya kahit papaano dahil malapit na yung battle of the brain sana nakatulong naman to kahit papaano.
Andami ko ng sinabi hahaha! Anyway nakita ko na siyang papunta dito kaya bumalik nako sa pwesto ko dito. Nasa isang malaking payungan kami at may dalawang upuan dito nakapwesto siya paharap sa dagat opo may dagat po then may sunset. Ito talaga yung pinili kong lugar dahil hindi karamihan ang tao dito medyo malayo nga lang ang biyahe pero sulit naman kapag nakita mo na buong lugar.
"Ito na yung order mo." bigay niya sakin ng inorder kong hot coffee na may brownies.
"Thank you." - ako. Ngumiti lang siya sakin.
Nakatingin lang kami sa dagat na umaalon. Hanggang sa nagsalita na si Tyron.
"Alam mo ganitong-ganito rin ako nung nasa states ako. Thank you, Alliana." - Tyron.
"Welcome." - nakangiting sagot ko sabay tingin sakanya at diretso agad sa dagat ang tingin ko.
"Sila mom, busy pa din. Ayoko naman silang maistorbo. Kaya ikaw lang yung sinasama ko." saad niya habang nakatingin doon sa dagat.
"Paano kapag weekends?" - tanong ko.
"Sabay-sabay naman kaming kumain kaya lang kapag ganoon puro sermon ang inaabot namin sakanila ni Kuya."
"Alam mo, Tyron. Maswerte tayo kasi buo yung pamilya natin alam ko namang naiintindihan mo sila dahil para sayo din ang ginagawa nila. It's just that na hindi ka nila nabibigyan ng oras to make spend their time with you. Ganyan din naman sila Mommy sakin but gumagawa parin sila ng oras for our family."
"Gagawa ko ng paraan for our family date. Thank you." nakangiting sabi niya and this time nakatingin na siya sakin. Tinaas niya yung kamay niya para makipag-apir sakin kaya nakipag-highfive ako.
Parang noong kailan lang palagi pa kaming tatlo na naglalaro sa mini garden nila Tyron sa bahay nila. Si Tyron, Ako at Si Jared. Yung isa pa naming kababata. Ang anak ni Tita Sofie at Tito Jargon. Isa din si Jared sa heir ng pamilya nila meron na siguro siyang negosyo siya kasi yung ahead samin ni Tyron.
Kamusta na kaya iyon? Matanong nga kay Tyron. Hahaha!
"Tyron?"
"Bakit?"
"Do you know Jared?"
"Jared? Yung kababata natin?"
"Oo."
"May contact ako sakanya gusto mo tawagan natin?" - Tyron.
"Sige." - sagot ko. Sa totoo lang nahihiya ako ilang taon narin iyon hahaha! My gosh!
Tinawagan namin si Jared sinagot naman niya yung tawag niloudspeaker naman ito ni Tyron.
[Hello?]
"Jared. Hey!" - tawag ko dito hahaha! Loka-loka, Alliana.
[Hey, what's up?]
"Bro. Si Tyron to kasama ko si Alliana."
[Uy kamusta kayo?]
"Ayos lang kami. Ikaw?" - ako.
[Alliana ikaw ba iyan? Hahaha! Pupunta ko sainyo andoon ba sila Tita?]
"Oo ako to si Alliana haha! Nasa kumpanya sila Jared. Tatanungin ko nalang sila Mommy baka hindi magka-ano yung schedule niyo."
[Okay sige. Ingat kayo diyan]
"Sige bye." sagot naman namin.
***
Ubos na yung pagkain na inorder namin ni Tyron. Napagpasyahan naming umuwi na dahil bukod sa wala naman na kaming gagawin. Si Tyron kailangan na niyang magreview mabuti pa nga to nabiyayaan ng utak. Eh ako? Ayun tamang pa-cute lang hehe.
Sumakay na kami sa sasakyan niya. Habang nasa biyahe ay natulog muna ako abala si tyron sa pagmamaneho kaya hindi ko makausap.
"Alliana, hey wake up." he sofly said that to me.
Kinusot ko ang mga mata ko. Nakatulog nga pala ako. My bad. Aish. It's okay.
"Thanks for tonight, Alliana." nakangiting sabi niya sakin.
"You're welcome. Ingat." nakangiti ring sabi ko at kumaway ako sakanya habang paalis na ang kotse niya.
Pagpasok ko sa bahay nakita ko na agad ang itim na kotse ko. Kinuha ko yung charger ko sa loob ng sasakyan dahil nakalimutan ko akala ko nasa tote bag ko. Sinarado ko na ito ng makuha ko.
Dumiretso nako kaagad sa kwarto nagpalit nako ng pangbahay at gumawa na ng activities. Fourteen pages pa nasa flash drive kasi yung commercial video na ginawa ko. So hirap sis! HAHAHA!
Sila Mommy wala pa nasa opisina pa iyon asusual mga ten pa ng gabi uuwi iyon busog naman na ako at tulog narin ang mga maids idadaan ko nalang to sa paggawa ng activities isang gawaan nalang para bukas or next day maipapasa ko na before battle of the brain para wala nakong gagawin.
Habang gumagawa ko ng pangfifteen page ng activities. May nagpop-up na chat sakin kung kailan naman relax na relax kana tsaka pa may mangiistorbo sayo.
Anyway, sino ba kasi ito?
Malrick Hage: Hoy!!! Bat mo ko iniwan sa loob ng room. Apakamo!
Alliana: Nagiwan naman ako ng sticker note ah di mo ba nabasa?
Malrick Hage: Tsk! Nabasa ko! Grr.
Sineen ko na iyon dahil wala na namang kwenta ang mapapagusapan namin nito. Kaya in-off ko na yung wifi sa cellphone ko. Naka-online kasi yung facebook ko dito sa laptop kaya pwede ko namang tignan. Tinignan ko rin ang notification ko sa facebook nakita ko yung name ni Jared sa friend request kaagad kong inaccept iyon. Oh my siya nga!
I'll hope we can meet soon kasama si Tyron kapag hindi na abala ang lahat. I can't wait to see him for sure matutuwa din si Tyron kapag nagkasama kaming tatlo.
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...