Chapter 43

50 18 1
                                    


note: hey readers, sorry for my late late update. i hope you read this new chapter update ty!



***


Now Playing: Imysm // Mark Tuan



Kanina ko pa katext si Layla at sinabi nga niya na may gustong kumausap sakin nakasuot ako ngayon ng white floral dress tinext na sakin ni Layla yung meeting place dahil hindi ko alam kung saan at mabuti na lang tinanong ko kay Layla yung lugar at alam niya. Tinawagan ko na si Layla at sinagot naman niya kaagad yung tawag.


[Hello Alliana? Bakit?]


"Layla, makakapunta ba yon?"


[Wait ka lang diyan, Alliana. Okay?]


Agad na niyang binaba yung tawag kanina pa ako nandito nakaupo at hindi mapakali kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit tinext ko si Layla dahil kanina pa ako inip na inip dito.


To: Layla
Layla, kapag hindi siya dumating uuwi na lang ako marami pa akong gagawin.


Hindi ko na inantay yung reply ni Layla umalis na ako sa table na nakareserved para samin paalis pa lang sana ako ng bigla niya kong hinatak pabalik doon sa table.


"Alliana, wait! Love?" papalabas pa lang sana ako ng bigla akong hinawakan ni Malrick sa kanang braso ko.


"Can we talk?" seryosong sabi niya sakin wala na akong nagawa kundi ang sumunod sakanya kailangan ko din naman siyang makausap akala ko talaga hindi siya makakarating at baka tuluyan na naman akong umasa, umasa sa wala.


Nauna na akong umupo sa nakareserve na table para samin ni Malrick mukhang ito na nga yon kailangan ko na lang talagang ihanda yung sarili ko at tanggapin man kung ano ang maging desisyon naming dalawa. Kung itutuloy pa ba yung relasyon naming dalawa dahil hindi ko na rin alam yung gagawin ko kung patuloy na ganito pa rin kami sa isa't isa.


Maybe I should let him go and set him free para hindi na rin siya mamroblema sa sitwasyon naming ganito. Umaasa na naman ako eh nagbabakasakali ako na sana kahit ngayon piliin ako ni Malrick kahit kasi kung patuloy na ganito pa rin ako na siguro yung tuluyang lalayo sakanya at pakawalan siya kahit ang mga kaibigan ko naguguluhan sa sitwasyon namin.


"Alliana, I'm sorry. Gusto kong bumawi sayo. Babawi ako sayo. Aayusin ko lahat at sisimulan ulit natin yung sa atin." nabigla ako sa sinabi niya. Gusto niyang bumawi? Bakit ngayon pa?


"Naguguluhan ako kasi kung patuloy na ganito pa din ang set up nating dalawa mas mabuting maghiwalay na lang tayo. Malrick, ayoko na. Ayoko na. Umaasa ako sa wala tapos babalitaan ko na engage kana pala wala man lang pasabi sa girlfriend mo." sabi ko sakanya habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.


"I'm sorry. Hindi ko na sabi sayo yung tungkol doon. Huwag naman ganito, Alliana. Aayusin ko lahat. Hindi totoo na engage ako gawa gawa lang yon nila Mommy. Alliana, please maniwala ka sakin. Aayusin ko lahat para magkabalikan tayo maniwala ka sakin, Alliana." seryosong sabi niya sakin at ang higpit ng hawak niya sa kamay ko na parang ayaw niya kong bitawan.


Hindi ko na alam.


Hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin.


 Naguguluhan na ako. 


Naguguluhan na yung isip ko.



"Sa tingin ko mas tama na lang na pakawalan na kita, Malrick. I set you free." binitawan ko na ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pinunasan ko muna ang tumulong luha sa mga mata ko bago umalis tinext ko agad si Layla at nagpasundo sakanya sinabi kong tapos na kaming magusap ni Malrick. Nang makita ko na ang kotse ni Layla bigla na akong pumasok sa loob nito at dito na ako umiyak ng husto.


Hindi nagsalita si Layla buong biyahe at tahimik pa din ang kotse binigyan niya ako ng mineral water at tissue agad ko itong tinanggap at niyakap siya ng mahigpit.


"Layla, tama lang yung ginawa ko di ba?" hindi siya sumagot at hinagod niya lang ang likuran ko.


"Alliana, alam ko naman na ginawa mo lang kung ano mas nakakabuti para sainyo. Don't worry nandito lang ako sa tabi mo. Sorry din friend ha." sabi ni Layla sakin na nakapagpagaan ng loob ko kahit papaano.


"Layla, ang sakit kasi. Ang sakit sakit." umiiyak pa din na sabi ko.


"Shh, don't cry. Gusto mo ba matulog muna samin? Doon ka muna o ihahatid kita sainyo?" sabi ni Layla sakin at chinecheck kung okay lang ako.


"Doon sa bahay. I'm okay, Layla." nakangiting sabi ko.


"Are you sure?" tanong pa niya.


"Oo naman. Sa bahay mo na ako ihatid. Thank you, Layla." wala ng nagawa si Layla kundi iliko ang kotse at ihatid ako pauwi. Nagpaalam na siya sakin ng nasa harapan na kami ng bahay chineck ko muna yung sarili ko sa salamin kung ayos lang ang itsura ko at ng okay naman ay pumasok na ako sa loob ng bahay mabuti na lang at wala si Mommy pagpasok ko kaya dumiretso na ako agad ng kwarto ko.


Pabagsak ko inihiga yung sarili ko sa kama at nakatulalang tumitig sa salamin naramdaman kong nagiinit yung sulok ng mata ko at agad ko itong pinunasan tumayo na ako at nagbihis na. Hindi, hindi ako iiyak. Tama na. May hindi pa ako natapos na gagawin kaya ipagpapatuloy ko na lang mamaya.


Para kong tanga habang nagbibihis panay ang tulo ng mga luha ko. Akala ko ba makakabuti sayo na maghiwalay kayo ni Malrick. Alliana, niloloko mo lang sarili mo. Hindi ka okay. Hindi okay sayo ang naging desisyon mo. Tinignan ko ang cellphone ko at panay ang text message ng mga kaibigan ko hindi ko muna sila nireplyan pinuntahan ko ang contact sakin ni Malrick at blinock ang number niya ganon din ang mga social media accounts niya lahat yon blinock ko.


Simula ngayon wala na akong contact sakanya. Wala na kami ni Malrick at malaya na siyang makakapagdesisyon ng kung anong gusto niyang gawin na wala siyang girlfriend na iniisip.


Okay na ito kesa naman na umasa ako sa wala kakahintay sa mga text at tawag niya na wala din patutunguhan kung puro ganon na lang at ganon ang set up naming dalawa wala din mangyayari. Mas okay pa yung dati. Okay pa nung nasa school kami ngayon ang hirap eh hindi mo alam kung kayo pa ba o hindi na.



I let him go. For our sake, for our relationship sake. 



Dahil ayoko na rin itong nangyayari samin kung patuloy lang namin ipipilit na magsama kaming dalawa at kung patuloy lang nagugulo ang relasyon namin mas mabuting pakawalan ko na lang siya.






I'm letting you go, Malrick.

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now