Disclaimer by: This is a work fiction names, characters, business, places and incidents are product of author's imagination are used fictitiously. Any resemblance to actual events and etc... is purely coincidental.
No part of this story maybe used or reproduced in any manner without permission from the author.
***
Nakakainis! Hindi na talaga ko magpapalate ng uwi. May project kasi kami kay Ms. Ferrer at sa kasamaang palad kagrupo pa namin ang Malrick na yon!
Hindi niya talaga ko tantanan ng pangbubully niya sakin! Oo na! Napahiya ako don sa ginawa ko sakanya pero wala akong pakialam ang gusto ko lang makapag higanti ako sakanya halos buong araw lagi kaming nagtatalo noon para nga daw kaming aso't pusa sabi ng mga estudyante doon sa eskwelahan.
"Ano magtititigan nalang ba kayo diyan? Kulang nalang magpatayan kayo ah!" awat samin ni Layla.
"Tumigil na nga kayo amin na iyang gunting." kinuha ni Josh sa kamay ni Malrick ang gunting at hindi parin inalis ang tingin sakin.
"Hindi pa tayo tapos!" turo niya sakin sabay alis sa sala.
"Hindi pa tayo tapos nyenyenye!" ginaya ko yung sinabi niya at bigla kong natawa.
Nagsimula nakong mag-gunting hindi ko na siya pinansin at mukha namang kumalma na siya nakita ko rin kasing lumabas si Shaun para kausapin niya. Tropa niya yon.
"Friend, okay ka lang?" tanong sakin Layla.
"Oo naman." nakangiting sagot ko. Uminom ako ng tubig na kanina pang nasa harapan ko.
Lagi naman niya kong inaasar ewan ko ba kung trip lang ako non or what? Ah basta bahala siya sa buhay niya. Sa tuwing inaasar ako noon ginagantihan ko nalang para patas kami.
"What if ?" bigla naman akong napatingin kay Layla.
"Ano?" tanong ko.
"Gusto ka niya." nakangiti pang sabi nito.
"Never mangyayari iyon. Tsk! Eh halos lagi niya kong inaasar tapos siya magkakagusto sakin. Impossible." inis na sabi ko.
"Eto naman hindi mabiro. What if lang naman." - Layla.
Impossible talagang mangyari yon at hindi ko naman nakikita yon never kaming magkakalapit noong lalaking yon. Okay pa sa asaran pero sa ano ah basta! I don't like him he annoyed me everyday.
Bumalik na siya at tinigil na namin ni Layla ang paguusap. Kapag nagtatama ang tingin namin ay tinatarayan ko siya at ganun din siya sakin.
See! It will never happened. Tsk!
Umuwi nako ng bahay nagpahatid narin ako kay Layla dahil may sasakyan siya.
"Bye! Thank you. Ingat ka." sabi ko sakanya at pumasok nako sa bahay.
"Mom! Dad." sigaw ko ng makapasok ako.
"Hey sweetheart." kiniss ako ni Mommy sa pisngi.
"How's your school?" tanong naman ni Daddy.
"Fine, i guess." walang ganang sagot ko.
Minsan nga ayoko ng pumasok para naman wala kong nakikitang ikakasakit ng ulo ko.
"Mom. I'm going to bed na." kiniss ko sila sa pisngi at umakyat na sa room ko.
Eksakto lang sakin itong kwarto nato pinarenovate lang ni Daddy at Mommy to sakin. My Dad has a company while si Mom ay kasa-kasama si Daddy. Ako lang unica hija nila kaya kailangan ko magsipag para makapagtapos at makasunod sa yapak ni Daddy dahil ako na ang magmamana ng kumpanyang pinaghirapan nila.
Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at tinignan kung may chat sa group chat namin.
Layla: Hey guys tomorrow meron ulit tayong gagawin unti nalang yon malapit narin tayong matapos sa house parin namin.
Josh: Okay.
Nilapag ko na sa bedside table ang cellphone at nagbihis ng pajama.
***
Next Day.
Nagbreakfast nako at pumasok na sa school. Mabilis lang akong nakarating sa school at pinark ang sasakyan ko. I have a student license kaya pwede nakong magdrive.
I'm wearing a blouse skirt ito yung uniform namin and a black knee sock with my color black backpack.
Pumasok nakong school at binabati ang mga estudyanteng nakakasalubong ko dumaan na kong cafeteria para bumili ng pagkain ko may hawak pakong starbucks for a hot coffee.
"Oh, shit!" Malrick with a pissed voice.
Hindi ko naman sinasadya yon eh natapunan ko ata ang coat niya. Okay correction NATAPUNAN! Paano kasi hindi tumitingin talagang naka sun glasses pa ang loko.
"Alliana Jayce!" sigaw niya sa pangalan ko na may halong pagbabanta.
"Bakit?" nakangising sambit ko.
"Sinadya mo ba yon?" Hinubad niya ang coat niya na kulay itim.
"Eh kasi naman hindi ka tumitingin sa dinadaan mo!" - Alliana.
"Wow! Baka ikaw yon! May mata ka naman eh bakit nakakabangga ka pa din. Are you blind?"
"Hoy! Lalaki hindi ako bulag eh di sorry ah sorry naman kung natapunan ko iyang coat mo!" inis na sabi ko sakanya.
"Ang clumsy mo kasi." asik niya.
"Eh hindi ko naman alam na nadadaan ka sana man lang nagexcuse ka di ba?!" and this time galit na galit nako sakanya.
"Tingin-tingin din kasi sa paligid mo!" pangaasar pa niya.
"Alam mo Malrick! Kung galit ka sakin sabihin mo hindi yung lagi mo nalang akong pinagtitripan dahil sa kahihiyan na ginawa ko!" nakangising sabi ko sakanya.
Aalis na sana siya ng may sinabi pa ako.
"Don't mess with a wrong girl, Malrick!" nakangising sabi ko sakanya at ipinagdikit ang braso ko.
"Oh c'mon Alliana. Hindi kana bata para gumanyan." - Malrick pissed off and He leave Alliana with those piercing eyes stare.
"What?" nanghahamon na sabi ni Alliana sa binata.
"We meet a war zone, love." nakangising sambit ni Malrick at umalis na sila sa cafeteria ng mga kaibigan niya. Hindi naman maipinta ang mukha ng dalaga sa sinabi nito.
At simula noon doon nagsimula ang World War III samin ni Malrick sa eskwelahan ng St. Agustine Academy.
I guess dito ko lang muna tatapusin dahil badtrip nako kay Malrick baka nga hindi palang to e! at marami pang iba. Hindi nako umorder ng pagkain mamaya nalang siguro kapag break time na namin.
Pagpasok ko palang sa room ay nakita ko na ulit ang mapangasar na ngiti niya sakin! Pati ba naman dito hindi niya ko tatantanan! Talaga naman o! Inisnaban ko siya at umupo na sa tabi ni Layla. Hinantay na namin ang prof na pumasok at nagsimula na siyang maglesson.
Second week palang andami ng nangyari! Mabuti nalang at hindi to alam ni Daddy at kung magkataon na malaman niya to may nangbubully sakin dito ay ipapalipat niya kaagad ako ng school. At swear! Ayoko ng lumipat sayang ang tuition fee ko dito.
I have a discount here since old student ako dito. Sana naman bukas! Ayoko ng mangyari na naman to! Dahil kapag nangyari ulit to talagang gagantihan ko siya ng todo.
Sabi ko nga sakanya "Don't mess with a wrong girl." Tsk! Nevermind magfofocus nalang ako sa pagdi-discuss ni Sir at baka wala kong masagot sa recitation mamaya.
Ciao!
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...