Anong meron sa lalaking to? Tss!
"Bakit ka tumawag? "
[Wala lang...]
"Anong wala? Alam mo kung wala kang sasabihin ibaba ko na to! Okay!"
[Alliana...]
"Ano?"
[Miss na kita]
"Hindi kita namiss."
[Ouch sakit nun! O sige na ibababa ko na to ayun lang HAHAHA]
Napailing nalang ako kahit hindi niya nakikita tatawag lang pala para sabihin yon.
Fine! I guess namiss ko din siya but yung kakulitan niya lang. Hindi ko lang sinabi na namiss ko siya kasi baka asarin niya ko mahirap na! At mukhang nasa labas siya at wala sa bahay nila.
Narinig ko kasi yung ingay ng mga kaibigan niya malay ko naman kung nasaan sila.
"Hey dear! Let's eat." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.
"Mom bakit ang aga niyo umuwi ni Daddy?" tanong ko dito at umupo na para kumain ng dinner.
"Ayaw mo ba anak?" natatawang sabi ni Mommy sa akin.
"Mommy, nasanay kasi ako na late na kayo umuwi ni Daddy."
"Sorry." - Mommy.
Niyakap ko siya para i-assured na okay lang yon dahil alam ko kung anong hirap yung pinagdaanan nila para mapagaral ako.
"Kamusta na si Tyron?"
"I guess he's okay." kibit balikat kong saad kay mommy habang kumakain ng prinepared ng maid na ginataang hipon paborito ni daddy ang ulam namin and asussual tahimik si daddy.
"Kung may problema magsabi ka lang andito kami palagi sayo ng daddy mo." nakangiting sabi ni mommy at tumango naman ako.
Nang matapos ang dinner umakyat nako sa taas at ginawa ang night routine ko then pagtapos nun may nareceive akong text message galing kay layla at pwede na raw kaming bumalik sa school tapos na kasi ang short sembreak namin kaya pwede na kaming pumasok di pa nga nakakaisang buwan eh. Ano ba yan! Tsk.
At sana naman sa pagbalik ko sa school na iyon bukod sa pagpasok ko sa eskwelahan na yon sana hupa na ang isyu sana okay na lahat.
Andaming gumugulo sa isip ko pero kailangan chill lang, problemado ka girl? Inayos ko muna yung kumot at pagtapos nu ay sinarado ko na yung lamp at natulog na.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa pagpagpasok ko sa school bahala na kung anong mangyayari.
***
Kinabukasan ay maaga akong nagising. I'm done with my morning routine. Dahil may meeting kaming students sa school kaya kailangang maaga akong makapunta.
"Yaya, paksabi kay mommy aalis na po ako." sabi ko at umalis na ng bahay. Nakasuot ako ngayon ng color peach simple shirtat high waist pants then rubber shoes ko na white with white din na sling bag.
"Sige maam alliana ingat po." nakangiting sabi nito sakin kumaway nalang ako bilang paalam ko kay Yaya.
Kinuha ko na ang susi ng kotse at binuksan ito wala namang traffic kaya nakarating kaagad ako nang makarating ako school pinark ko muna ito at pumunta kong coffee shop. Sinuot ko yung sunglasses ko kung sakaling may makakilala sa akin. Hanggang ngayon natatakot parin akong lumabas ng dahil sa issue. Ilang araw naman kasi akong nawala sa social media at mukhang tama nga si tyron, wala na ang mga tinginan sa akin ng tao at parang wala lang sakanila ang mga yon. That's good. Nakangiti akong pumuntang cashier at umorder, tinakeout ko nalang at tumawid na. Pumunta muna kong parking lot at doon kumain itong tinakeout ko.
YOU ARE READING
A War Zone Love (Love Warning: Alert)
Teen FictionAlliana Jayce Bernales. A cute and lovable person who loves to cherish the moment with the people she love. When she meet a stranger name Malrick Hage Valez. He was a stranger man na makikila ni Alliana sa eskwelahang pinapasukan niya makikilala niy...