Chapter 42

57 22 0
                                    


note: it's got seven comeback. who's ready? here's my new chapter update hope you like it enjoy reading guys and i'm so sorry for my late update.



***



Now Playing: Lonely // Mark Tuan




Ipinagpatuloy ko na ang pagcheck ng email dito sa laptop. Ito ba yung white card na sinasabi nila? Binuksan ko na yung email at meron ngang event sa school na magaganap basta wala naman silang sinabi kung anong susuotin namin. Pinagiisipan ko pa nga kung bibili ako ng panibagong susuotion or huwag na lang muna pero mapilit itong si Sheena kaya wala akong nagawa kundi ang sundin siya abala si Layla kaya hindi siya nakasama ngayon.



Nandito na kami sa mall ngayon biglang nagaya si Sheena na bumili ng susuotin. Pumasok na kami sa isang shop dito at naglibot-libot at may nakita akong red top kaya kinuha ko agad then pumunta naman ako sa mga pants dito at pinili ko itong loose black pants. Siguro, ito na lang papartneran ko na lang siya ng golden purse ko. Mabilis akong nakabayad at pinuntahan ko na siya.



"Let's go!" pag-aya sa akin ni Sheena sa may restaurant na madalas naming kinakainan. Nagorder kami ng Korean Fried Chicken, Tteokbokki and Bubble Tea pagkatapos nun nag-usap usap muna kami sa mga nangyayari sa buhay namin nagtake-out muna kami sa isang coffee shop ng food. Nagorder ako ng blueberry cheese cake tapos isang frappe.



Pagkarating ko sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ko sinampay ko narin yung pinamili kong damit na binili ko. I saw them posting a white card at excited na sila. Napa-kalaking event siguro nito wala silang sinasabing attire kaya hindi pa ako makapagdecide kaya may mga damit na dress or gowns pa naman ako dito na pwede kong suotin.



Siguro itong two dresses na Marchesa Notte Ombre Glitter Dress and itong Sheer Panel Evening Dress. Nakahanap na ako ng susuotin ko. May announcement pa silang pinost at it's gowns and dresses agad naman akong nakatanggap ng text galing kay Sheena.



From: Sheena
Okay, I knew it!
Girl?
Excited kana?

To: Sheena
Medyo pero kinakabahan ako.

From: Sheena
Bakit?

To: Sheena
Wala.

From: Sheena
Kilala kita, Alliana.
Si Malrick ba?
Ano ka ba natural na magkikita kayo non.
Andito lang ako okay?

To: Sheena
Thank you, Sheena!
Sige na may editing pa ako kailangan ko ng tapusin ito.
I'll text you later.

From: Sheena
Okay.



Natural talaga na magkikita kami doon at baka hindi ako mapakali kapag nakita ko siya doon. Anong gagawin ko? Anong ikikilos ko? Hindi ko alam! Alam niyo naman na kaunting kita ko pa lang kay Malrick parang ilang boltahe ng kuryente ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya lalo na ngayon na miss na miss ko na siya.

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now