Chapter 4

93 26 3
                                    

Natapos na kami sa short film pinag-mix namin yung pinapili sakin ni Malrick na costume ang sinuot din namin doon ay naka-denim jacket din siya sinasave na ni Layla ang short film project namin madali lang natapos iyon nagprepare nako ng damit ko nandito ko ngayon sa guest room hinanger ko na yung uniform ko. May kumatok sa pintuan ko habang nagaayos ako.


"Okay ka lang diyan?" tanong ni Layla sakin.

"Oo, salamat." nakangiting sagot ko.

"Ay nga pala kay Malrick kana sumabay bukas nasiraan ako sa bar nung pumunta ko buti nalang hinatid ako ng kaibigan ko." pagpapaliwanag niya.



Tumango lang ako kahit labag sa loob ko. Bakit kay malrick pa! Putek. Ininom ko na yung gatas na nakalagay sa bedside table ko hinanda ko na yun bago pa ko pumasok dito sa guest room. Nang maubos ko yun pumasok na ko sa restroom at nagtoothbrush alas nuwebe na pala bigla namang nagvibrate yung phone ko nakatanggap ako ng text galing kay Mommy.

From: Mommy
Dear, where did you go?

To: Mommy
My, nandito po ako kina Layla gumagawa po kasi ng project dito narin po kami matutulog don't worry mom 3 bedrooms at room naman ang nandidito.

From: Mommy
Take care, dear. Hindi ka nagpaalam samin ng Daddy mo papayagan ka naman namin.

To: Mommy
My, urgent lang ito para wala na kaming ipapasa na project.

From: Mommy
Okay I'll understand but next time, Alliana. Please magpaalam ka naman para hindi kami nagaalala sayo.

To: Mommy
Opo, My. I love you.
Yung car ko po pala pwedeng pakidala po bukas dito kina Layla padala niyo nalang po kay Kuya Roger.

From: Mommy
Okay. I'll text Kuya Roger para masundo ka kaagad. I love you too, dear!

That's a relief hoo! Hindi nako makakasakay sa kotse ng epal na yon! Kinuha ko na yung baso at lumabas na sa kwarto nilagay ko na ito sa lababo at hinugasan dali-dali akong pumasok para hindi nako maabutan kung sino man yung gising pa.





***





Next Day.






*yawn*




Niligpit ko na yung higaan at inayos ito naghilamos narin ako dumiretso narin na maligo alas otso pa ang klase pero di bali ng maaga ayoko lang malate.



Naka-blouse skirt ako na puti (uniform namin) then black na hanggang tuhod na medyas tapos above the knee na palda na color brown then I put a light make-up hindi rin ako naglilipstick kaya liptint ang lagi kong nilalagay doon nalang ako magbebreakfast magpapadrive thru na lang ako at nagtext narin sakin si Kuya Roger my personal driver.


"Goodm-" hindi na natuloy ni Malrick ang sasabihin niya.


"I need to go. My driver is waiting me outside." kiniss ko sa pisngi si Layla nagpadrive thru narin si Kuya Roger. Yes, OMG! Iniiwasan ko kasi si Malrick wala lang ayoko lang muna ng away at makipag-asaran.



"Thank you, Kuya." nakangiting sabi ko binigyan ko na si Kuya Roger ng cash at ng pangkain niya nandoon lang ako sa loob ng sasakyan ko at kumakain ng pinadrive-thru ko. Nakita ko ng papasok yung kotse ni Malrick sports car din ang gamit niya parehas lang kami.



This is also my dream car this gorgeous mustang! color red sakanya sakin naman color black. Mukhang may inaabangan siya kaya naman nagsuot ako ng sunglasses. Eksakto namang kumatok siya sa bintana ng kotse ko.




"What?" masungit kong sabi dito.




"Hindi ka pa bababa?" sabi niya naman sa akin.



"Hindi pa, bakit?" sagot ko.


"Ah wala." umiwas siya ng tingin at inantay si Josh at si Shaun na pababa ng kotse niya.




"Anong sabi, Rick?" rinig ko pang sabi ni Shaun.




"Wala ayaw niya." sagot naman nito.




Tumingin pa sila sa gawi ko kaya tinaasan ko sila ng kilay at sinarado ang bintana ng kotse.



"Tsk!" asik ko kasi panigurado guguluhin na naman nila ko nagretouch muna ko bago bumaba sinuot ko na yung backpack ko.



Nauna na si Layla kaya naman minadali ko na yung pagpunta sa classroom. Seven-fifty na ng makarating ako hindi pa nagstart andito narin lahat ng mga kaklase ko.


Nagstart na ang klase mabilis lang din natapos iyon kasi nagpa-seatwork lang si Ma'am at nagpagroup activity. May pinuntahan pa si Layla kaya hindi kami sabay dahil may klase rin kami mamaya pumunta ko sa malapit na kainan dito sa school namin umorder nako at naghanap na ng upuan.



"Ms. Alliana Bernales, right?" umupo ang isang babaeng maputi at mapula na labi niya na kulay pula pa ang lipstick.


"Oo. Ako nga bakit?" saad ko dito.


"I'm Malrick's girlfriend." madidiin pa ang pagkakasabi niya. What? Seriously?


"Okay." masungit na sagot ko dito.


"Huwag mong nilalapitan si Malrick ha! Nagkakaintindihan ba tayo dito?" mukhang naiinis siya kaya tumango nalang ako.


"Sorry pero hindi ako yung dumidikit sa boyfriend mo!" umalis na siya pero bago yun may humila sakanya.


"Aray ko! Malrick ano ba nasasaktan ako." inda niya.

"Ano ba! Stephanie walang tayo! Don't make others think that you're my girlfriend though it's not true." inis na sabi ni Malrick.


"But Malrick, I really love you." naiiyak na sabi nung Stephanie ba yun? ay whatever bahala nga sila diyan.


"It's just a bet game, Stephanie. Hindi kita mahal tigilan mo nako please lubayan mo nako pwede ba?!" pakiusap ni Malrick sakanya. Umalis nako doon dahil ayokong makakita ng ganoong esksena sayang luha mo girl bago pako makapasok ng main gate ng school may humatak na sa palapulsuhan ko.


"Ano ba yon?" tanong ko sakanya.


"Sinaktan ka ba niya?" sabi pa ni Malrick.

"Hindi." tipid na sagot niya.

"May sinabi ba siya sayo?" hindi naman masama kung sasabihin ko yung sinabi ng babaeng yun no?

"Girlfriend ka daw niya at huwag daw akong lalapit sayo eh hindi naman ako ang lumalapit tsk! Pwede ba kahit buong araw lang huwag niyo muna kong guluhin kailangan ko ng peace of mind. Okay ba yun?" inis na sabi ko.



"Sinabi niya yon? Gago talaga!" asik niya.


Hindi niya pinansin ang huli kong sinabi naglakad na siya papunta sa loob. Umiling lang at naglakad narin papasok habang naglalakad ay kumakain ako.


Ano ba naman itong nangyari ngayon! Nakakawalang gana tuloy pumasok sa next subject binilisan ko na ang paglalakad para hindi na naman ako malate sa klase pagkatapos talaga nito uuwi na talaga ko!


Si Malrick talaga kahit kailan lagi nalang akong nadadamay sa mga kalokohan niya! Nakakainit talaga siya ng ulo palagi.




***




note: thank you guys sa pagbabasa ng story ko. Maraming maraming salamat po kakatapos lang po ng tfmqs at ito naman po ang new story ko na ginagawa please kindly read this new chapter and enjoy reading this and kindly leave a vote. thank you! take care & keepsafe everyone for more update and info please check and like my facebook page.

Facebook Page:
Bangtanedsone Updates
Bangtanedosone's Stories Update

tysm!
xoxo.
-bangtanedsone.

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now