~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is a game of Jenga. How long it will last, completely depends on the people playing it.
If one loses their patience, the tower falls.
If the other stops being careful, the tower falls.
If the world suddenly decides to shake, the tower- falls.
It's basically just waiting for an unstable structure to eventually collapse, while being careful not to make it do so.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 77- A year after the plane left
MIKA's POV
Parati akong hindi crush ng crush ko. Magmula kinder hanggang College, walang palya. Lahat ng gusto ko, either hindi ako gusto o may gustong iba.
Sa lahat ng naging crush ko, si Hell ang masasabi kong pinaka suntok sa buwan. Kaya naman, the fact that he of all people actually asked me out, na ngayon boyfriend ko na siya, and we've been dating for a year now... all of these feels like a miracle.
Somewhere inside me, I'm still finding it hard to believe that this is all true. Prank ba 'to o glitch in the system? Ilusyon ko lang ba lahat ng 'to? Niloloko ko lang ba sarili ko? Hindi ko maiwasang itanong 'yan sa tuwing gigising ako sa umaga at mag-sisink in sa akin 'yung fact na boyfriend ko si Hell. Girlfriend na niya ako. We are in a relationship.
At hindi lang ako ang hindi makapaniwala sa lahat ng ito. No'ng dalhin ko si Hell sa bahay at official na ipinakilala bilang boyfriend, ang kauna-unahang nasabi ng kambal kong mga kuya ay
"WEH?"
Sa tuwing uuwi ako sa bahay ang parati nilang tanong,
'kayo pa rin?'
Pag sinabi kong oo,
'Bunso, sa'n ka bumili ng gayuma? Tagal ng effect. Magkano?'
'May tinitinda rin bang pang-akit ng pera 'yung binilhan mo? Tanong mo naman kung magkano.'
Sasabihin ng mga walangya! Mga pang-asar lang! Kainis! Alam kong nagbibiro lang sila, but still, minsan nakakapikon din.
Si Mi lang ata ang hindi gulat sa lahat. No'ng ipakilala ko si Hell bilang boyfriend para bang inexpect na niyang iuuwi ko 'to sa bahay isang araw at ipapakilala bilang boyfriend...
'Bagay ba kami? Hindi ba siya masyadong gwapo para sa akin Mi?'
'Pag sinabi ko bang oo masyadong pogi, hihiwalayan mo?'
'Syempre hindi!''
'Yun naman pala 'e, so why worry about those things? Ang dalawang tao, basta mahal ang isa't-isa, bagay.'