~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is something I would never feel for pandas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 2- THE PANDA AND ME
MIKA's POV
"Girl kaya mo to. Kaya mo to," sabi sakin ni Yani pagkababa na pagkababa namin sa bus na nagdala sa amin papunta sa harap ng gate nung Hoshi Academy. Sobrang taas at sobrang laki nung gate na yun na naka dikit sa mataas at malapad na paikot na pader, feeling ko nasa harap ako ng Great Wall of China, mas pinaliit na version nga lang.
Ang daming tao sa harapan nung gate at nakapila. Apat na mahahabang linya ang nadatnan namin ni Yani. Ang school na yun kasi, nahahati sa apat na departments: Music Department, Dancing Department, Acting Department, at ang may pinaka mataas na qualifications for auditioning, ang Idol Department.
Yung mga mag aaudition lang ang pinapatuloy nung mga naka suit na guards sa pila kaya kinailangan ko ng magpaalam kay Yani. May ipepresent ka na sulat na katibayan na qualified ka for auditioning. Yung sulat na yun is yung school mismo ang nagsend sa email adress mo, ipiprint mo na lang. Hindi yun napepeke dahil may QR CODE na kasama yun, isscan nila kung talagang authentic at kung naka register nga. Marami nga kasi ang nagtatangkang makapasok man lang sa loob ng premises nung school kaya sobrang higpit ng seguridad.
Ang Hoshi Academy ay tinaguriang City of Students. Bakit? Dahil sabi nila, ang loob daw nun ay mukhang isang buong city na inenclosed sa loob ng isang mataas na wall. Off limits yun sa media kaya mga studyante at staff palang ng school ang nakakakita ng pinakaloob nun, mga kilalang celebrities, pati yung mga maswerteng nabigyan ng pagkakataon na mag audition, at isa na nga ako dun ngayon. Actually hindi nga ako masyadong nakatulog dahil sa excitement, ang tagal kong iniisip kung anong itsura ng loob nun.
Pagkapakita ko nung form ko, pagkatapos nung iscan, may binigay sa akin na number, 1150, pang number 1150 ako sa mag aaudition, take note, sa music department palang yun. Ganun karami ang tao na gustong makapasok sa school na yun, unfortunately sobrang unti lang ng matatanggap.
Matagal tagal rin akong nakapila bago ako nakapasok sa loob nung bus. May bus kasing naka assign per department, yun ang magdadala sayo papasok mismo ng gate. Pagpasok mo daw kasi nung gate, hindi agad yung school ang makikita mo, isang city, kaya kailangan pa ng bus para makarating dun sa school.
Halatang halata ang excitement ng bawat isa habang unti unting pumapasok sa loob ng gate yung bus namin. At nung makapasok kami sa loob talagang namangha na lang kami. Para kasi kaming nakarating sa ibang bansa, specifically, sa Japan. (Refer on the picture sa tabi para mas maimagine niyo >>>)
Ang daming buildings sa loob, na maraming naglalakihang led screens na nakakabit. Maraming kotse, restaurants, shops, bus, condominiums, may tren din kaming nadaanan. Mukha talaga siyang isang city, yun nga lang nasa loob ng isang malaking wall. Isang modernong city. Naisip ko, kung nakikita lang siguro ni Yani yung nakikita ko, mamamangha siya, kaso pinagbawal ang pagdadala ng cellphone at camera sa loob eh, sayang.
Tumigil ang bus namin sa tapat ng isa pa ulit gate na may nakalagay na HOSHI ACADEMY katulad nung nasa taas nung gate sa pinakalabas, so mukhang yun na yung pinaka school. Nung makapasok kami sa premises nung school, napanganga na naman kami. Tumambad sa amin ang isang malawak na garden na may fountain sa gitna at dalawang malaki at malapad na medyo circular na red bulding na mostly eh composed ng malalaking glass windows. Pinagdudugtong yun ng dalawang mahabang pathway. (refer ulit sa picture sa side, medyo mahirap magdescribe.)