Yam-Yam's Note:
Ito na 'yung full version ng chapter 60 mga bes! (Ata, *winks LOL) Sorry nalate nang isang araw ha. Napasarap ako nang tulog e haha. (At medyo trip ko ring magpaasa *evil laughs).
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is— enough about love! (ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻
STUDIES FIRST!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 60- ROAD TO FINALS: Prelude | Music Books Before Boys!
MIKA's POV
Doom.
Despair.
Disappointment.
'Di nga bes, anyare?
Ilan lang 'yan sa mga negative reactions na nagsisimula sa 'd', na makikita mong nakapinta sa mukha ng bawat isa sa amin ngayong umaga.
Paano ba naman, immediately after coming back from our once a month family visitation sa labas ng Hoshi, ito agad ang sumalubong sa amin pagbalik ng Academy...
Mechanics lang naman ng Finals Exam namin, 'yan ang bumati sa amin, umagang-umaga! Sobrang laki pa ng pagkakasulat sa board! OTL
Hindi namin inasahang ididiscuss na agad ang mechanics ng Finals ngayon (dahil three weeks pa bago ang scheduled date ng exam). Akala talaga namin lectures lang kami, huhu.
"Your Finals exam is waaaaaaaay different than your Prelims and Midterms. Ito ang dahilan kung bakit, kahit may tatlong linggo pa dapat kayo para magrelax, e pupunuiin ko na agad ngayon ang mga utak n'yo ng details ng impyernong kakaharapin n'yo! Bwahaha!" panimula ni Teacher Ven. T_T
"So let's discuss step number one... 'Choose how you will perform'. As you can see, mayroon kayong tatlong options under it."