CHAPTER 4- THE GUY WHO WON'T LOOK AT ANYTHING

428K 6.5K 769
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is still looking at someone even though you know he will never look back at you.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 4- THE GUY WHO WON'T LOOK AT ANYTHING

MIKA's POV

"Huhuhu, ang malas naman eh." Kinakausap ko na naman ang sarili ko habang naglalakad. Nasa school ulit ako ngayon. Umuwi ako ng maaga diba dahil sa kahihiyan? Pero ito ako ngayon, nagbabalik sa lugar na yun. Huhuhu.

Ayoko man sanang bumalik dun dahil gusto ko ng lamunin ng lupa eh hindi pwede, ginising kasi ako ni Rocket pag dating niya sa apartment, bukas pala kasi kailangang naka uniform na daw. Available na daw yung uniforms namin dun sa school. Kailangan ko na daw makuha yun this day. So no choice ako kung hindi bumalik talaga dun sa school para sa uniform ko.

Habang naglalakad ako sa loob nung malaking Academic Building, winiwish ko na sana wala akong makasalubong na kaklase ko ng Home Economics, kasi nakakahiya.

"Sana talaga, wala akong makasalubong. Sana talaga wala akong makasalubong na kaklase ko dun, please Lord. Lalo na po si Hell. Sige na po Lord." bulong ko habang naglalakad. Feeling ko nawiwirdohan na sakin yung ibang studyanteng nadadaanan ko. Nakatingin kasi ako sa saheg habang naglalakad tapos bumubulong bulong pa sa sarili.

"Ruth!" biglang may sumigaw, napatingala ako at nakita sa harapan ko yung kaibigan ni Hell, si Mr. Overflowing with confidence, Vincent Tan.

As soon as magtama yung mga mata namin, ngumiti siya sa akin tapos, "Hello," bati niya.

Imbis na sumagot, napayuko na lang ako, dahan-dahang tumalikod sa kanya tapos...

"Ah sorry nagmamadali ako, babye!" Agad akong nagtatakbo palayo sa kanya.

Naisip ko kasi, since kaibigan siya ni Hell, baka nandun lang din sa paligid si Hell. Hindi pa ako ready na harapin siya, nakakahiya. Pag iniisip ko yung mga kahihiyang ginawa ko sa harap niya lalo na yung pag utot ko sa tabi niya, waaah! Gusto ko na lang talagang iumpog ang ulo ko sa semento ng ilang beses!

.

.

Hinihingal ako dahil sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako napunta. Basta na lang kasi ako nagtatakbo ng walang aim kung saan pupunta. Basta ang gusto ko lang makalayo as much as possible kung nasaan yung si Vincent. Ang lawak pa naman nitong school, at since unang araw ko palang, hindi ko pa masyadong kabisado ang pasikot sikot. At pag minamalas ka nga naman, wala akong makitang studyante sa paligid. Hapon na kasi kaya siguro kakaunti na lang ang mga studyante. Wala narin yung mga guides na kaninang umaga lang nagkalat sa paligid.

Habang naglalakad ako, trying to find my way back papunta sa kung saan may tao para makapagtanong kung saan ko pwedeng makuha yung uniform ko... I passed by a closed room. Sarado yun pero what urged me to approach it ay dahil may narinig akong tunog. Isang magandang melody na sa tingin ko ay nanggagaling sa isang piano.

Nilapit ko yung tenga ko sa pinto para mas marinig ko yung melody. Ang ganda, ang swabe nung tugtog, though ang lungkot nung melody.

(A/n: Pakinggan yung song sa multimedia area sa tabi >>>)

   ♫♪  You took my heart and you held it in your mouth ♫♪
           And, with a word all my love came rushing out
 And, every whisper, it's the worst, emptied out by a single word
            ♫♪ There is a hollow in me now ♫♪

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon