~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love... when it collapses, turns into rain.
Umbrellas, become useless.
You, will not have much left to do but stand within it.
As it pours, you will get drenched, along with your heart.
And then,
and then,
every drop that is
not love
.
.
.
evaporates...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 82- 'The Collapse'
MIKA's POV
December 25.
Nagluluto ako ng payless sa kusina. Chicken flavor. May kasamang itlog. Ewan ko ba naman kila kuya. Parang mga naglilihi. Ang dami pang pagkain sa bahay, may spaghetti pa, chickenjoy, ref cake, pero payless ang napagdiskitahan. Hindi ako tinigilan ng kakakulit hangga't hindi ko sila pinagluluto. Miss na raw nila payless chicken na may itlog na luto ko. Feeling ko hindi totoong namiss nila luto ko. More like, tinatamad lang talaga silang magluto nang kanila.
Habang hinihintay na maluto yung noodles, I can hear the sound of the tv. Nanonood ng tv sa living room ang mga kuya ko kasama ang mommy.
Weather report. Apparently, according doon sa weather forecaster, may bagyo raw na paparating. At inaasahang malakas daw itong paparating na bagyo.
Yung information lang na yon ang nag-register sa akin bago tuluyang nag-drift ang attention ko pabalik sa niluluto kong noodles at naging background noise na lang muli yung tv.
Pinagsaluhan naming lahat yung niluto ko. Pati si Mi nakikain. Umuulan kasi sa labas, perfect weather para sa pagkain na mainit at may sabaw.
"Uy, bunso... kulang ka ba sa tulog or what?"
Nag-snap lang ako sa pagkatulala nang biglang nag-snap ng daliri si kuya Tyron sa harap ko. I didn't realize that I've been spacing out. Na naman. Pang ilang beses na ba ito ngayong araw?
"Ano ulit yung tinatanong mo?" sabi ko. Alam kong may tinatanong siya pero hindi nag-register sa utak ko.
"Sabi ko, kulang ka ba sa tulog or what? Kanina ka pa kasing natutulala kung saan. Tinatanong ko kung kamusta Christmas eve mo pero parang hindi mo ko narinig."
"Ah... sorry, I guess medyo antok pa nga ako. Maaga kasi ako sinundo ni Hell sa apartment. Okay naman Christmas eve ko. Of course, masaya. Pero namiss ko kayo."
"Walang nangyari sa inyo?"
Natigilan ako. Hindi ako agad nakasagot.