CHAPTER 78- Of little cracks, and warning signs, and red flags (3)

10.1K 587 1.3K
                                    

CHAPTER 78- Of little cracks, and warning signs, and red flags | Part 3

Continuation...

{SUNDAY}

MIKA's POV

Pag bukas ng mga mata ko, si Hell ang una kong nakita. Hawak-hawak niya ang kamay ko...


Kahit nakatungo siya at hindi ko kita ang mukha, sigurado ako. It's him.


"H... Hell..." tawag ko.


Umangat ang ulo niya patingin sa akin.


The moment our eyes met, he looked like he was about to cry.


My eyes started to blur and moisten at the sight of him.


Ang dami kong gustong sabihin pero...


"Si Heaven... ayos lang ba siya?" tanong ko.


A pause.


Biglang nagdilim ang mukha niya. "She is. All because you took the hit for her." Lumuwag ang kapit niya sa kamay ko pero hindi tuluyang bumitaw. "Why would you even do that? Your kindness is one of the things I like the most about you, but today I just-- I hate it."


Hahaplusin ko sana ang mukha niya pero hindi ko naituloy.


"There's a limit to being kind you know? To being selfless... What were you thinking?!"


Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako agad makasagot. "Na- Naisip ko lang kasi na 'pag may nangyari sa kaniya, siguradong hindi mo kakayanin. Ka-"


"And you thought I would be okay if it's you?"


"Hi- hindi sa gano'n.. I... It's just... I-"


"You thought I'd rather she be safe than you?"


Hindi ako makaimik.


Tinitigan ko lang siya.


"Why? Why would you think that?" tanong niya. He sounded so hurt. Ang sakit pakinggan. "Aren't you my girlfriend? Aren't we dating for a year now?"


Lalong naging blurry ang mga mata ko. Lalong uminit. Humapdi.


"It's just... a- alam ko kasi kung gaano siya kaimportante sa'yo."


"Pero kung gaano ka kaimportante sa akin, hindi mo alam?"


Tuluyan nang umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. "I'm sorry."


The more I look at him, the more the tears flow. Ang sakit niyang tingnan. Kitang-kita kung gaano ko siya nasaktan.


WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon