~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is that one specific line of a song, you keep replaying inside your head, not because it sounded beautiful, but because it touched you some place no one has ever touched before.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 39- *Snap
MIKA's POV
Araw na ng Preliminary Exams namin. OH MY GOD.
Nasa backstage na kami nila Rocket kasama ng iba pa naming mga kaklase. In five minutes, magsisimula na yung program. Nasa labas na lahat ng professors at judges, naka upo na sila sa harapan ng entablado. Kahit hindi ko kita kung ano ng itsura sa labas, dahil hindi kami allowed sumilip sa labas ng stage, alam kong naroon na si Night Cervantes, dahil rinig na rinig namin ang sigawan ng mga fan-girls n'ya. Sa lakas ng pagsigaw nila ng pangalan n'ya, abot yun hanggang dito sa backstage.
Namamawis at nanginginig ang mga kamay ko habang nakaupo akong naghihintay. Nakakapressure, dahil bukod sa grades namin ang nakasalalay dito, makikita ko na ulit si Night, at kakanta ako sa harapan n'ya.
Ilang saglit lang, narinig ko na ang pagsasalita ng MC. Talagang ito na, magsisimula na ang program. Mas lalong namawis at nanginig ang mga kamay ko.
"Kalma lang Mika, pang-apat pa tayo sa magpeperform, wag kang masyadong kabahan," wika sa akin ni Rocket kasabay ng paghawak n'ya sa nanginginig kong kamay.
"Kung inaalala mong baka magkamali o mapahiya ka, tingnan mo lang 'tong itsura namin, wala ng mas nakakahiya pa kaysa dito," sabi sa akin ng nakabusangot na si Ace, na hindi ko alam kung tinatry din akong pakalmahin o gusto akong patayin, dahil ang sama ng tingin n'ya sa akin.
"Ano? Ngayon lang ba kayo nakakita ng puno?" sigaw naman ni Ace sa mga taong kasama namin sa backstage, na kanina pang tingin ng tingin sa grupo namin.
Paano ba naman kami hindi pagtitinginan, eh puro mukhang puno 'tong mga kasama ko. Nakasuot kasi sila Rocket, pwera lang ako, ng costume na mukhang puno. Imagine a tree, tapos dun sa upper part ng trunk ng puno, malapit sa mga dahon, may nakalabas na mukha doon, ganun ang itsura nila ngayon. Nakasuot sila ng maskara na kulay brown para nagbiblend yung mukha nila dun sa trunk (kuno) noong puno. Gawa sa karton at colored papers yung costumes, yung dahon lang nung mga puno ang hindi. Naka long sleeves na brown sila sa loob, para kahit nakalabas yung braso nila, kulay brown parin yun. Tapos yung kamay nila, parehong may nakasuot na parang bracelet na may mga nakadikit na mga dahon. Masyadong pansinin yung costume, kaya halos lahat ng kasama namin sa backstage, kanina pa kami pinagtitinginan, at tila ba natatawa.
I feel bad para sa mga kasama ko, kasi ako lang yung mukhang tao ngayon. I mean, kasi ako lang yung hindi naka costume ng puno. Ako lang yung disente ang suot. Eh kasi naman, ang plano naman talaga namin, lahat magcocostume lang ng casual clothes na pare-pareho ang design, parang pang banda ganun, tapos ako, ito parin yung suot ko, itong white dress kong suot ngayon. Pero dahil kay Shield, kinailangan naming ibahin yung plano. Ayaw kasi ni Shield magperform ng casual clothes lang ang suot, gusto n'yang nakasuot ng cloak. The only way daw that she would perform ng wala yung cloak n'ya, is kung yung ipapasuot sa kanyang costume eh dapat balot na balot at hindi kita yung mukha n'ya; and thus, came the idea of the "puno" costume. Lahat naman ng member ng group namin pumayag doon sa ideya, si Ace lang yung kontra noong una, sabi n'ya hinding hindi s'ya magpeperform ng suot yun, pero pumayag din naman s'ya noong huli, hindi ko lang alam kung bakit (pero thank God).
Puno ang naisip naming costume, kasi parang sa isang nature park yung setting ng stage namin for the performance.
"Ruth! Sorry, medyo nalate ako sa usapan," sabi sa akin ni Vincent na kakadating lang. Nakasuot s'ya ng gray sando and black beanie, tapos may nakasabit na coat sa isa n'yang balikat. Ang hot n'ya, in all fairness.