SIGURADONG MAY TYPOS. EDIT KO MAMAYA. -Yam
Continuation...
MIKA's POV
"Dumating ka na, please."
"Dumating ka na."
"Dumating ka na."
Paulit-ulit kong chant sa sarili habang halos fifteen minutes nang nakatayo sa may harap ng entrance ng Yellow Crown. Fifteen minutes naring dinedegrade at pinagtataasan ng kilay ng mga wagas kung makadiscriminate sa mga hindi nila ka-department—a.k.a. karamihan sa mga Idol Dept. students na nagsisidaanan ngayon sa harap ko!
Anong ginagawa ng isang Music Dept. student na tulad ko sa harap ng building ng Idol Department?
May hinihintay akong dumating.
Si One. Hindi n'ya totoong pangalan. Rhythm Cadence Verganza ang real name n'ya.
Kung bakit One ang tawag ko sa kanya, imbis na Rhythm? Malalaman n'yo later. Ieexplain ko muna kung bakit ako nandito, at bakit ko s'ya 15 minutes nang hinihintay...
//
So actually, simula na ngayon ng 'free time' namin. Simula na ng mga araw kung kailan hindi na namin kailangang pumasok sa kahit anong klase. 'Free time', na mas kilala naming mga freshmen Music students bilang: mga natitirang araw na meron kami para magprepare sa madugong Final Exams shet!
Habang busy sa pagpeprepare para sa kani-kanyang concert at pag-aaral para kanilang academic subjects ang karamihan sa aking Music classmates... ako, si Mikaela Ramos, ay fifteen minutes nang ginugugol ang kanyang precious na oras sa pagtayo sa harap ng Yellow Crown. Awkward na naghihintay sa hindi parin dumadating.
Nakatayo ako rito sa may entrance, naghihintay imbis na nagpiprepare para sa concert o nag-aaral, dahil... nasa ilalim ako ng isang Project.
Observation Report Project, to be specific.
Isa 'tong project na boluntaryo kong kinuha kahapon.
You see, tuwing Finals pala, nag-ooffer ang Faculty ng grade-saving projects para sa mga studyanteng malapit sa 'danger-line' o nasa 'danger-line' mismo ang grades. Sa mismong araw ng official start ng 'free time' period, nagpopost sila sa Bulletin Board ng listahan ng mga studyanteng qualified kumuha (a.k.a. mga studyanteng nanganganib ang grades), kasama ng list ng grade-saving projects na kanilang inooffer at ang kaukulan nitong incentives. Note:The higher the difficulty level of a project, the higher it's equivalent incentive grade.
Once napost na ng Faculty ang nasabing list sa Bulletin, kung kasali ang pangalan mo do'n sa list ng mga 'endangered students', at willing ka, desperado at gusto mong maitaas kahit paano ang iyong (huhu) nakakaiyak na grades—all you need to do is to go to the Faculty of your Department, then sign up for what ever grade-saving project you wish to partake.
Sa kasamaang palad, isa ako doon sa mga nakalistang 'endangered students'. (Na expected ko na dahil disqualified ako nong Midterm exams pero masakit parin huhu T^T!)
At ito nga pong nabanggit kong Observation Report Project, ang napili ko kahapon among all the options available.
Project Difficulty Level: Average.
Hindi carry ng powers ko 'yong projects na under ng Difficult!
Anyway... so sa project na 'to, kailangan kong obserbahan ang isang certain na studyante (to be assigned by the Faculty). Kailangan ko s'yang obserbahan sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.