~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
What is Love?
Love is wanting someone all for yourself.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Behind every person is a story...
Behind every action is a story...
Behind every story is another story not yet told...
Ever wonder kung bakit bigla nalang nagback-out si Ace sa pagpaparticipate sa performance battle nila? Well then... here's the story behind it.
BACK STORY: ACE & SHIELD... and IVAN?
Tuwing vacant nila Shield, pumupunta s'ya sa Computer Building, a building located between Blue Note (music department building) and Yellow Crown (Idol department building). Pumupunta s'ya roon para makaaccess sa internet. Bawat student ng Hoshi Academy may free two hours computer access per day doon.
Lingid sa kaalaman ng marami, Shield is actually an internet person. She can't survive days without using the internet, for reasons-- only she knows.
Vacant nila, palabas si Shield ng Blue Note para pumunta sa Computer Building. Naglalakad s'ya papunta sa exit nang biglang may nagdagsaang mga babae sa kanyang likuran. Ang dami nila. They were really wild. Nagtutulakan, naguunahan at sumisigaw ng "Omaygad Star-X!".
Bago pa man makatabi si Shield sa daan, natangay na s'ya sa phase ng mga ito. Paglabas nila ng exit may dumagdag pang ibang babaeng studyante mula sa ibang departments. They were loud as well. Sinisigaw din nila ang pangalan ng Star-X at pangalan ng tatlong myembro nito. Fan-girls ang mga ito obviously. Hindi alam ni Shield kung saan papunta ang lahat. Gusto niyang umalis ngunit napagitnaan s'ya. Wala tuloy s'yang nagawa kung hindi sumunod sa kanila.
After running for a couple of minutes, tumigil narin 'yung mga babae.
"Flare! Kyaah!"
"Night Omaygad!"
"Air I love you!"
Sumisigaw sila habang nakatigil sa harap ng Yellow Crown building. Ginamit ni Shield ang oras na 'to para makaalis mula sa pagkatrap kasama nila. Shield was pushing her way out of the group nang madali s'ya ng isang babae sa balikat. Hindi masyadong nasaktan si Shield pero nalaglag n'ya ang cellphone na hawak-hawak n'ya.
Sobrang halaga kay Shield ng cellphone n'ya kaya't walang pagaatubili s'yang gumapang sa gitna ng nagkakagulong mga babae para hanapin kung saan ito nalaglag. Nakita ni Shield 'yong cellphone sa di kalayuaan. Noong aabutin na n'ya ito, nasipa 'yong cellphone ng isang babae, tapos nasipa na naman ng isa. Shield desperately chased her cellphone. Kahit na ang daming beses na s'yang naaapakan or nadadali ng mga babae sa paligid n'ya, wala s'yang pakialam.
After a lot of chasing, sa wakas napirme na sa isang lugar ang cellphone ni Shield. Bilis-bilis gumapang si Shield papunta roon, aiming to get it before it anyone kicks it again. Nakuha naman ni Shield ang cellphone, pero kasabay ng pagpulot n'ya roon ay ang pagkahigit pababa ng hood ng cloak n'ya. Kasabay ng pagsambulat ng mukha n'ya, nakita n'ya sa harapan n'ya ang mukha ng isang pamilyar na lalaki. Katulad ni Shield, gumagapang rin ito sa gitna ng nagkakagulong mga babae. Pareho silang natulala, nakatitig lang sa isa't-isa. Nadadali man ng paa ng ibang studyante ay parang hindi nila iyon napapansin na dalawa. Para bang may sariling mundo sila bigla.
Habang pinagmamasdan ni Shield ang mukha ng pamilyar na lalaking iyon, tons of images flashed back inside her mind. Thousands of feelings she kept locked inside her heart started going wild, nagpupumilit biglang makalabas. Sobrang takot na baka tuluyang makalabas ang mga emosyong 'yon na matagal na n'yang ikinando sa loob ng dibdib n'ya, agad hinila ni Shield pababa ang hood n'ya upang hindi na makita pa ang mukha noong lalaki. Agad s'yang tumayo, nagtatakbo palayo mula doon sa lalaki.